Miriam Quiambao will abide by contract with manager Annabelle Rama; also says she's still waiting to have that talk she asked for

"Parang hindi ko lang in-expect na such a thing will irritate her. Pero ngayon naiintindihan ko na. Lessons learned. Next time kailangan may 'Good Morning' at huwag masyadong maaga [mag-text]," Miriam Quiambao says on her recent tiff with manager, Annabelle Rama.


Nagkaayos na sina Annabelle Rama at ang alaga niyang si Miriam Quimbao.

Nagalit ang mommy ni Ruffa Gutierrez sa dating beauty queen dahil ang aga-aga raw siya nitong tini-text para lang magtanong kung ano ang plano niya sa career nito. (CLICK HERE to read related article)


Katibayan na okay na sila ay nung magpunta si Miriam sa birthday party ni Annabelle kagabi, October 28, na ginanap sa Crowne Plaza, Ortigas in Mandaluyong City.

Paano ba sila nagkaayos ng kanyang manager?

"Nung Tuesday galing ako sa presscon ng Layang Bilanggo. [Ito ang kanyang indie film na in competition para sa 6th Cinema One Originals digital film festival]. Nakatanggap ako ng call mula kay Jimmy, yung isa sa mga PAs ni Tita Annabelle.

"Sabi niya 'Pina-followup ka na ni Tita Annabelle. Nasaan ka na raw. Kasi may rehearsal ka pa para sa song number mo sa birthday niya.' Sabi ko, 'Ay, oo nga. Pagkatapos ng presscon susunod ako diyan.'"

Patuloy pa ni Miriam, "Pagdating ko sa studio, nandun siya. Nag-usap kami. Okay na.

"Of course, I think what happened was so petty na hindi na kailangang palakihin pa. So, lahat naman naayos sa magandang usapan at saka sa pagkakaintidihan. So, feeling ko yun lang ang naging solusyon."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Miriam sa birthday party din ni Tita Annabelle.

Nasaktan ba siya sa ginawa ni Annabelle na naglabas ng galit nito sa kanya sa Tweetbiz?

"Na-sad lang ako na kailangang ilabas. Nagulat lang ako na nangyayari yun. Ahh... siyempre kung humihingi ka naman ng meeting, ba't kailangang i-announce mo sa lahat, di ba?

"Parang hindi ko lang in-expect na such a thing will irritate her. Pero ngayon naiintindihan ko na. Lessons learned. Next time kailangan may 'Good Morning' at huwag masyadong maaga [mag-text]."

Kaya ba niya gustong makipag-meeting kay Annabelle ay dahil na-alarma siya o napi-feel niya na parang walang nangyayari sa kanyang career?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ahh... hindi naman," tanggi ni Miriam.

"Actually meron kasi akong mga ideas where I want to take my career. And since she's my manager, I want to know what her ideas are as well. So, kung bumabagay yun sa mga ideas ko, maige. Pero kung iba naman ang ideas niya, baka maaaring mag-suggest din ako para we can [have a compromise], di ba?"

Pero kahit nagkaayos na kayo ni Annabelle, tatapusin na lang ba niya ang kontrata niya rito at maghahanap ng ibang manager?

"Sa ngayon kasi hindi pa kami nakakapag-usap dun sa gusto kong pag-usapan namin, e. Pero for now, I will abide by my contract. Pero kailangan talaga naming mag-usap. Kailangang bigyan namin ng oras 'yon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN