Regine Velasquez shoots scenes for Mrs. Recto; describes them as "cinematic"

Children crowd Regine Velasquez, asking her for autographs or to pose for pictures during a break in the shooting of the movie, Mrs. Recto, on—where else—crowded Claro M. Recto Avenue. "Since it's our eighth day na, sanay na ako pawisan. Magkaka-amoy na kami. Wala na akong pakialam," she says on making a movie in one of the busiest streets of Manila.


Ikawalong araw na ng shooting ni Regine Velasquez para sa indie film niyang Mrs. Recto kahapon, October 29, nang puntahan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kalagitnaan ng Claro M. Recto Avenue sa Maynila.

"Everybody's here!" sabi ni Regine. "Parang I've never seen so many people in one place. Ang dami-daming tao."

Dagdag niya na nakangiti, "Mahirap lang mag-shoot kasi siyempre they're curious. Nakiki-usyoso nga, e. But that's okay. Tumatagal lang yung trabaho kapag ganoon."

Ang Mrs. Recto ay ikalawang pelikula ni Dante Nico Garcia after Ploning, which starred Judy Ann Santos.

Sa pelikulang ito, Regine plays Clara, mother to seven-year-old Monica.

"This is my second time to play a mom. It's an offbeat role. Not like the other roles I've played before. Medyo butangera siya. Walang pinag-aralan. Jologs," she said, describing her role.

"Actually, I'm playing my character like it's a caricature [mother]. For me that's easier, comedian naman ako. Tapos, kapag papasukan ko ng konting drama, medyo mas nahahanapan ko siya ng lalim."

For her role, Regine had to wear blouses na medyo may kanipisan, na kita ang kanyang undergarments.

Natutuwa naman si Regine sa mga eksena sa pelikula.

"Kapag pini-playback nila, it's very cinematic. Maganda pala ang Recto. Very colorful. Nandito lahat ng eskuwela. Samu't-saring tao ang makikilala mo dito. Now, I understand why direk Ga was so interested in the place and why he called it Mrs. Recto," she said.

NEW SERIES. Hindi lang Mrs. Recto ang ginagawa ni Regine. Her schedule is crowded with commitments.

Nandiyan ang kanyang film with Aga Muhlach na matagal nang naka-hold.

"Epic, epic nga iyon," pabiro niyang sinabi. "I'm also finishing it. Hopefully, matatapos ko na din lahat bago mag-start yung bago kong soap. Mahirap kasi sumabay sa series. Mas magara ang taping nun."

Tinutukoy ni Regine ang kanyang bagong series na entitled, I Heart You Pare, na pagtatambalan nila ni Dingdong Dantes. Binanggit pa niya na ang unang linggo ng taping nila will be in Vigan, Ilocos Sur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Mga one week yata kami dun. It's a long trip. But the other scenes, dito na lang sa Manila gagawin.

"Dingdong and I had a workshop already, for characterization lang."

Aniya, "Hindi ko inisip na siya [Dingdong] ang ibibigay na leading man sa akin. I thought they would pair him with the younger actresses in GMA-7. But I'm very flattered. Bagay sa kanya yung role."

This is the fourth time na makakasama ni Regine ang actor sa isang project.

"I've worked with him three times. Isa sa pelikula, at dalawang beses sa telesine projects."

When asked to describe Dingdong then and now, she said, "He was still starting then — he was a baby! Pero siyempre, iba na siya ngayon. Basically, he's still the same. Quiet pa rin siya. Tawa-tawa lang. He calls me Ate Reg."

ORIGINAL SONGS, REVIVALS. Katatapos lang ni Regine ang studio work para sa kanyang next album.

"It's finished na. They're just mixing and mastering it," she said on her next album, a 2-disc set. One disc will contain cover songs while the other will be entirely new compositions," she said.

"Madami, iba-iba," she said when asked about the lineup of songwriters.

"Si Ogie [Alcasid]. Si Janno [Gibbs]. Si Isabella, yung daughter ni Kuh. Si Robin, yung anak ni Pops Fernandez at Martin Nievera. I also have a song na sinulat ni Noel Mendez. Marami pa. May mga regular songwriters kami na laging inaabala."

Natutuwa si Regine sa kanyang upcoming album.

"I'm really happy because I finally recorded an all-original album. At the same time, mayroon din cover songs. Kaya namin ito ginagawa kasi yun ang gusto ng mga fans. Sila yung bibili ng CD. Kailangan pagbigyan mo, ibigay yung hiling."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN