Ervic Vijandre admits he hated Dingdong Dantes in the past

"Pero matagal na nga iyon and we have all moved on already. I only wish na ang mga fans ni Dingdong [Dantes] ay huwag magalit sa akin," says Ervic Vijandre, who revealed that he hated Dingdong in a Survivor Philippines Celebrity Showdown challenge.


"Wala akong pinagsisisihan sa mga sinagot ko."

Ito ang naging pahayag ni Ervic Vijandre nang tanungin namin siya tungkol sa kanyang mga naging sagot sa isang reward challenge game sa Survivor Philippines: Celebrity Showdown.

Sa reward challenge na "Don't Lie To Me" ay nag-participate ang lahat ng mga natitirang castaway. Prior sa pagpunta nila sa island ay dumaan silang lahat sa isang lie-detector test answering a set of questions with either "yes" or "no."

Inulit lang ng host ng Survivor Philippines na si Richard Gutierrez ang mga questions sa kanila during the reward challenge at doon lang nila malalaman lahat ng resulta ng lie-detector machine.

Isa ngang tinanong kay Ervic ay kung totoo bang galit siya kay Dingdong Dantes. Mabilis na sinagot yun ni Ervic ng "yes," at lumabas na nagsabi siya ng totoo.

Paliwanag ni Ervic na noong tanungin siya ng question na iyon, nagiging totoo lang daw siya sa sarili niya. Pinanggalingan daw ng galit na iyon ni Ervic ay nang mabalitaan niya na diumano'y nagkakamabutihan na sina Dingdong at ang karelasyon niya noon na si Marian Rivera.

"I answered yes talaga because that was how I felt," diin ni Ervic nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kagabi, October 29, pagkatapos ng Folded & Hung 2010 Street Cast Fashion Show na ginanap sa SMX Convention Center. Isa si Ervic sa mga celebrities na rumampa sa runway.

"Kasi parang hindi ako magiging totoo sa sarili ko if I say no. Mabuti na yung nagiging totoo ako. Kita n'yo naman nakapasa ako sa tanong na yun at hindi nalaglag ang mga gamit ko sa tubig," dagdag ni Ervic.

Wala ngang pagsisisi si Ervic sa sinagot niyang iyon dahil tao lang daw siyang nakakaramdam din ng galit. Sana raw ay maintindihan siya ng mga tagahanga ni Dingdong na wala siyang balak na siraan ito. Nagkataon na iyon ang tinanong sa kanya at sinagot lang niya ng buong katotohanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There's no intention at all na may masabi akong masama against Dingdong. Ako mismo, nagulat nang itanong pa nila iyon. Mabilis naman na sinagot ko ang totoo.

"Pero matagal na nga iyon and we have all moved on already. I only wish na ang mga fans ni Dingdong ay huwag magalit sa akin. I did that because it was a challenge sa show. Yun lang naman ang dahilan."

WHO LEFT WHOM? Isa pang tanong kay Ervic ay kung totoong siya ang nakipaghiwalay kay Marian. Sumagot siya ng "yes" pero lumabas na lie ang sagot niya. Sa isang separate interview ni Ervic, nagtaka siya kung bakit naging lie dahil iyon naman daw talaga ang nangyari.

"Sa pagkakaalam ko, yun ang totoo," diin niya.

"Pero siguro nga, iba ang naging dahilan. That time kasi, magulo na ang lahat, e. Basta naghiwalay na lang kami. Siguro it doesn't matter now kung sino ang nakipaghiwalay kanino. Anyway, dahil doon, hindi ako nanalo sa reward challenge. But still, I don't regret what I said kahit na lie pa ang lumabas."

SEEING MARIAN AGAIN. Tungkol pa rin kay Marian, inamin ni Ervic na aksidente silang nagkita ng kanyang ex-girlfriend sa GMA building after two years na hindi sila nagkikita. Mabilis lang daw ang naging batian nila dahil nagmamadali raw si Marian.

"That happened last month lang. I think galing siya sa taas dahil nag-contract signing yata siya. Kasama niya that day yung manager niyang si Popoy [Caritativo].

"Actually, nagkagulatan lang kami sa lobby ng GMA-7. Nag "Hi!" naman kami sa isa't isa, pero mabilisan lang. Nagmamadali siya, e. At least, kahit sa gano'ng pagbati lang, alam ko na okay pa rin kami. Civil pa rin kami sa isa't isa.

"Two years din kaming walang communication after what happened. But really, masaya ako sa narating ni Marian. Matagal na niyang gusto ang lahat ng ito. Masaya ako na natupad lahat ng pangarap niya," ngiti pa ni Ervic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO LOVE LIFE. Regarding sa love life ni Ervic, wala nga raw siyang nililigawan ngayon. Mas gusto niyang mag-focus sa kanyang career bilang model and soon, bilang artista kung magkakaroon siya ng offers.

After Survivor Philippines ay nagkasunud-sunod ulit ang modeling stints niya. Katulad nga nitong pagkakasama niya sa Folded & Hung fashion show para sa 2010 Philippine Fashion Week.

Kabilang sa mga nakasama niyang rumampa sa fashion show na iyon ay sina Angel Locsin, Anne Curtis, Maja Salvador, Prince Stefan, Tim Yap, Lusi Alandy at marami pang ibang young celebrities.

Busy raw talaga ngayon si Ervic sa kanyang career at walang panahon para magkaroon ng love life o manligaw.


LINKED TO AUBREY AND GWEN. Pero kelan lang ay na-link siya pareho kina Aubrey Miles at Gwen Zamora. Kay Aubrey, dahil naging very close sila nito nung Survivor Philippines at kay Gwen noon namang magkakilala sila at maging guests sa Fulltime Moms ng QTV 11.

"Yung kay Aubrey, wala naman iyon. Naging close lang talaga kaming dalawa. Nabibigyan lang ng malisya iyon kasi parati kaming nakikitang magkasama.

"Kasama rin naman namin parati si Troy [Montero, Aubrey's partner] na naging close ko na rin because of Aubrey. Kapag lumalabas sila, tinatawagan nila ako kung gusto kong sumama sa kanila. Minsan okay lang kasi masarap makipagkuwentuhan sa kanila.

Yung kay Gwen naman, nagkakilala lang kami doon sa Fulltime Moms. May segment kasi na pinagawa sa akin kung paano ba ang tamang pagligaw sa babae. Si Gwen yung babae na dapat kong ligawan.

"Natuwa lang sila sa aming dalawa kaya nagtuksu-tuksuhan noong taping. Pero wala lang iyon. Nagkikita naman kami ni Gwen kapag nagsasalubong kami sa GMA-7. Hindi naman kami nag-date tulad nang nasulat."

Mukha ngang hindi pa bukas si Ervic na magkaroon ng bagong relasyon sa ngayon. Kaya mas tutok siya sa trabaho.

"Kailangan, e, para hindi tayo malungkot," sabay tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But who knows, nandiyan lang ang babae na para sa akin. Lahat naman tayo may nakalaan na partner sa buhay. Sa ngayon, hindi ko pa siya hinahanap. Career muna tayo at kapag maganda na ang lahat ay doon na tayo magkaka-love life."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN