KC Concepcion on her separation from former managers: "Walang away na naganap."

"...maganda yung usapan namin ni Tita Sandra and pati rin ni Tita Shirley, actually... I truly, truly love Tita Shirley. Alam ng mga tao yan... Tita SK, you know that...you are special to me. I'm really excited also, I know you're supportive of all the things that I really want to do dito sa industriya," says KC Concepcion about former managers Sandra Chavez and Shirley Kuan.


Kahapon, October 31, sa The Buzz ay binasag na ni KC Concepcion ang kanyang katahimikan kaugnay nang pagkalat ng balitang umalis na siya sa poder ng kanyang mga managers na sina Shirley Kuan at Sandra Chavez.

Nitong nakaraang linggo kasi ay sunud-sunod na naglabasan ang mga balita tungkol sa tuluyang paghiwalay ni KC at ng kanyang managers.

Kasunod nito, naglabasan ang sunud-sunod na birada at paninira sa TV host-actress ng ilang showbiz reporters.

Sinasabing hindi umano naging maganda ang paghihiwalay nila ng managers niya, lalo na kay Shirley Kuan, o mas kilala sa showbiz circles bilang SK. At ang tinutukoy na may kasalanan ay si KC na "matigas ang ulo," "maldita," at "bastos."

Lumabas din ang balita na lumipat na siya sa Star Magic, ang talent-management arm ng ABS-CBN na pinamamahalaan nina Mariole Alberto at Johnny Manahan (Mr. M).

STAR MAGIC OFFICIAL STATEMENT. Kahapon din sa The Buzz ay nakumpirma na nga ang balitang ito sa pamamagitan ng official statement na ipinadala sa show ni Mr. M.

Ayon sa statement, malugod nitong tinatanggap si KC bilang bagong miyembro ng malaking pamilya ng Star Magic.

Kabilang sa mga talent ng Star Magic ay ang mismong ama ni KC, si Gabby Concepcion, at ang aktor na nali-link kay KC ngayon, si Piolo Pascual.

Ang iba pang artista ng Kapamilya network ay sina—Coco Martin, Angelica Panganiban, Jake Cuenca, Derek Ramsay, Shaina Magdayao, Rayver Cruz, Rafael Rosell, Vina Morales, Matt Evans, Melissa Ricks, Enchong Dee, Matteo Guidicelli...

Maricar Eyes, Megan Young, Rica Peralejo, Jodi Sta. Maria, Roxanne Guinoo, Carmen Soo, Jason Abalos, Jed Madela, Yeng Constantino, Priscilla Meirelles, Bangs Garcia, John "Sweet" Lapus, Joem Bascon, Andi Eigenmann, Empress Schuck at marami pang iba.

Ito ang ipinadalang statement ni Mr. M, ang chairman emeritus ng Star Magic, sa The Buzz:

"It is with great pride, honor and joy that I welcome KC to the Star Magic family where she is much appreciated. By joining us, KC should take the comfort to know that she will be treated with much decency, love and respect by her Star Magic management."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon pa rin kay Mr. M, buung-buo ang suporta ng ABS-CBN at Star Magic kay KC.

"KC can likewise be assured she has the full and enthusiastic backing of ABS-CBN and her Star Magic family of artists. We are all grateful for her trust and confidence."

Hindi rin daw nagkaroon ng problema ang Star Magic sa dating managers ni KC, ayon na rin sa statement.

"And we wish to extend our appreciation to Ms. Sandra Chavez and Ms. Shirley Kuan who have generously extended their full cooperation in making the transition smooth and cordial."

Hangad din daw ng Star Magic na lalo pang makilala si KC bilang isang magaling na aktres at entertainer.

"We now wish for KC to further bloom into a finer actress and entertainer and a personality worthy of admiration by a very discriminating public."

KC EXPLAINS. Ikinagulat daw ni KC na naging malaking kontrobersiya na pala ang paglipat niya ng management, bago pa man nai-announce ito sa publiko.

Kaya sa harap ng kanyang co-hosts sa The Buzz na sina Boy Abunda, Toni Gonzaga, at Charlene Gonzalez-Muhlach, nagbigay ito ng paliwanag tungkol sa umano'y hindi magandang paghiwalay niya sa dating managers.

"Actually, I want to start really by saying that I'm so thankful to Tita Sandra Chavez and to Tita Shirley Kuan. Talagang nagpapasalamat ako sa ilang years na nagsama kami.

"With Tita Sandra, mas matagal ang samahan namin. When I was 16, nag-start ako doing commercials, kung naalala ninyo. Commercials, MTV nag-VJ [video jock] ako, hanggang sa nag-teatro ako.

"And finally, yung concept ng Paris to Pinas [KC's 2007 TV special], sa kanya ako humingi ng tulong para i-pitch sa ABS-CBN. And na-launch ako dito. So, Tita Sandra, you know that my family love you so much.

"And maganda yung usapan namin ni Tita Sandra and pati rin ni Tita Shirley, actually. I will forever be grateful for your help in the last nine years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Tita Shirley has always been there. Even nung hindi pa kami officially magkasama, she was always there to help me.

"So, kay Tita Shirley naman, I truly, truly love Tita Shirley. Alam ng mga tao yan. Lagi akong may magandang sinasabi about yung business tactics niya, na sobra akong maraming natutunan sa kanya.

"Tita SK, you know that you and I... you are special to me. I'm really excited also, I know you're supportive of all the things that I really want to do dito sa industriya.

"Marami nang lumabas but I really like to say na happy ako na tahimik naman kaming naghiwalay.

"Talagang walang away na naganap. Tahimik kaming... parang nagkaintindihan," paliwanag ni KC.

Kahit daw hindi na sina Sandra at Shirley ang managers niya ay tatanawin niya raw malaking utang na loob ang ginawang tulong sa kanya ng mga ito.

"I will forever be grateful talaga kay Tita Sandra and Tita Shirley, na have really taught me so much. And hinding-hindi ko makakalimutan yun. Napakalaki ng utang na loob ko talaga sa kanilang dalawa," sabi pa ni KC.

Si Sandra Chavez ang tumatayo pa ring manager ni Sharon Cuneta, ang mommy ni KC.

EXCITED TO BE WITH STAR MAGIC. Natutuwa si KC dahil hindi lang si Mr. M ang nag-welcome sa kanya kundi ang mga kapwa niya artista sa Star Magic.

"And in terms of starting this way with Star Magic, ang ganda-ganda ng sinabi ni Mr. M sa statement nila.

"Mr. M, thank you for accepting me and the Star Magic family, including the Star Magic artists like sina Tin [Kristine Hermosa], Kimerald [Kim Chiu and Gerald Anderson].

"Nag-text sila ng welcome sa akin. Including din sina Shaina [Magdayao] and John Lloyd [Cruz].

"Si Bea [Alonzo], tumawag din kay Tita Mariole [Alberto, head of Star Magic] to say that I was welcome.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Angelica [Panganiban]. Of course, si PJ [Piolo Pascual] and Sam [Milby]. And marami talagang nag-welcome sa akin dito," masayang sabi ni KC.

Excited na nga si KC sa mga maaari niyang maranasan sa ilalim ng bagong management. Naniniwala raw kasi siya na malaki ang mako-contribute ng Star Magic sa kanyang career.

"I'm excited with Star Magic because alam ko na na marami akong matututunan sa kanila. Makikita mo naman yung artists ng Star Magic, talagang marami silang workshops, marami silang mga kasama.

"So, I think, more than anything it's gonna be exciting to be part of a big family, kung saan mas marami pa akong mararanasan.

"Nakita nyo naman sa Simply KC [her defunct morning show], ang dami-dami kong naranasan. Kung anu-ano ang mga pinagawa nila sa akin doon na talagang nag-enjoy ako.

"So, I'm looking forward to more new experiences, na hindi iisipin ng mga tao na gagawin ko.

"But that's really something that I love about being in showbiz, kung sinu-sino ang nakikilala mo! Kung anu-ano ang ipapagawa sa iyo na willing akong gawin.

"So, with Star Magic, I know that I'll be supported... that I'll be more inspired to work. Kasi mas maganda na yung masaya ka araw-araw."

Labis nga ang pasasalamat ni KC sa Star Magic sa pagtanggap sa kanya bilang kapamilya.

"To Mr. M and Tita Mariole and to my ABS-CBN family, thank you for accepting me. Yun lang naman po ang gusto ko. Yung mas makilala niyo ako at mas makilala ko rin kayo."

WELCOMING CHANGE. Isang tanong naman ang agad ibinato ni Boy Abunda kay KC: "Kumusta ang lagay ng puso mo?"

"Masaya," sagot ni KC.

"Kasi ginagawa ko talaga, yung gusto ko. At saka may mga taong nakapaligid sa akin na kilala talaga nila kung sino ako, lalo na dito sa ABS.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung mga araw-araw na katrabaho ko, sa programa ko, sa Simply KC noon, dito sa The Buzz. Kilala nila ako. 'Eto na ako, 'eto na ako. So, sana mas makilala pa nila ako."

May dagdag-paliwanag pa si KC sa nararanasan niyang pagbabago ngayon.

"At saka, di ba, yung sinasabi nila, 'When things seem to be falling apart, everything actually is falling into place.' Huwag n'yong ire-resist yung change."

May isang bagay lang na hindi nabigyan ng linaw sa naturang pagtatapat ni KC. Ito ay kung totoo nga bang naimpluwensiyahan siya ni Piolo, ang lalaking pinakamalapit sa puso niya sa ngayon, para lumipat sa Star Magic.

May mga nagsasabi kasing malamang na may kinalaman si Piolo, bilang prime artist ng Star Magic, sa paglipat ni KC dito.

Hindi na rin natukoy sa show ang mga negative quotes mula sa mga taong "malapit" daw kay Shirley Kuan, na naglabasan ng sentimento nila sa mga broadsheet columns at tabloids.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN