Raymart Santiago says those spreading word that he and Claudine Barretto are separating are "mga demonyo"; says Claudine not fighting with Bea Alonzo on Twitter

Raymart Santiago (left) says his wife Claudine Barretto (right) and star Bea Alonzo did not fight on Twitter.


May kumakalat na intriga na ang kaaway naman ngayon ng aktres na si Claudine Barretto sa Twitter ay ang kapwa nito aktres na si Bea Alonzo.

Sa October 31 episode ng Showbiz Central, live na nakausap sa telepono ng mga SC hosts na sina Pia Guanio at John "Sweet" Lapus ang mister ni Claudine na si Raymart Santiago.

Ang unang tanong kay Raymart ay kung mayroon ba talagang away sina Bea at Claudine?

"Alam mo, ang totoo niyan, wala naman sila talagang away. Meron lang gumagamit sa pangalan ni Bea sa Twitter at parang masyado nilang pinalalaki.

"Ginagawa nilang isyu itong away nila, pero babawi naman sila after nilang ipalabas na hindi talaga si Bea 'yong kaaway niya, kundi 'yong isang tao na may masamang sinabi tungkol dun sa anak namin," simulang pahayag ni Raymart.

Hiningan nina Pia at Sweet ng mensahe si Raymart para sa poser sa Twitter na nagkukunwaring si Bea.

"Huwag na lang .... masakit e, 'yong mga sinasabi niya. Pinapasa-Diyos ko na lang, at huwag na lang niyang gawin ulit dahil nakakasakit siya. At ano, e, baka bumalik sa kanya, masakit. Iyon lang!"

SEPARATION RUMORS NOT TRUE. Ang sumunod namang hiningan ng linaw kay Raymart ay ang tungkol sa kumakalat ring balitang hiwalay na sila ni Claudine.

Saan ba nanggaling ang isyung ito?

"Hindi ko alam, e... actually during nu'ng lumabas kami ni Claudine nu'ng birthday party ni Tita Annabelle [Rama], in-interview kami ng mga reporters about yung ... iyon na nga, 'yung ganyan—na doon ko lang din nalaman 'yung ganu'n- ganu'n.

"Hanggang sa patapos na yung interview, may sumingit na isang tao at sinabi, 'O, hiwalay na daw kayo?'

"Ano? Parang... saan galing iyon? Kaya nga sinabi ko na gawa-gawa mo na lang ata 'yan!"

Isa nga sa pinaka-latest na intrigang pinag-uusapan nang husto sa showbiz ay ang tungkol sa diumano'y paghihiwalay nila ni Claudine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung merong taong gustong sumira sa relasyon namin, e, hindi ko rin alam. Matagal kong inalagaan itong asawa ko, itong relasyon na 'to.

"Pinagsama kami ng Diyos, 'di ba, tapos paghihiwalayin kami?

"Ako... ang gusto lang naman na magpahiwalay sa isang couple, e, mga demonyo!

"So tantanan na nila kami, tigilan na nila, 'di ba?"

Tinanong rin si Raymart kung kamusta na ang kalagayan ni Claudine na tila pumasok sa sunud-sunod na hindi magagandang issues.

"E, naku, basta pinilit namin na tumahimik nga, e. Kaya ako na lang muna ang nagsasalita.

"Siyempre, kahit papaano e nakikita ko, naapektuhan kahit papaano. Pero maano si Claudine, e, very tough, so kakayanin namin ito."

Hindi ito ang unang beses na nagkaroon ng away si Claudine sa pamamagitan ng Twitter. Nauna na rito ang isyu kamakailan sa pagitan nina Claudine at Angelica Panganiban.

Dahil dito, gusto ba ni Raymart na itigil na ni Claudine ang pagiging active sa naturang micro-blogging site?

"Iyon na nga, e, pero sinasabi naman niya sa akin na doon din niya nakukuha ang lakas niya, parang 'yung mga... Alam mo, hindi natin mapi-please lahat ng tao, 'di ba?

"Pero may mga tao din na nababasa niya yung mga Tweets na magaganda, so iyon ang ... iyon na lang ang inaano niya ba, pinanghahawakan niya na... marami pa rin ang nagmamahal sa asawa ko, iyon.

"Hindi mo naman mapi-please lahat, e, maraming taong nagmamahal sa iyo, sabihin na natin limang daan mahal ka, merong isa na ayaw sa iyo, ganu'n lang 'yon, e, di ba?

"Hindi naman natin makokontrol kung ano ang gusto ng tao."

Ano naman ang mensahe ni Raymart sa mga nang-iintriga sa pagsasama nila ni Claudine?

"Ay, naku, 'yong pagsisira ng relasyon naming mag-asawa, kagaya ng sinabi ko kanina na pinagsama kami ng Diyos at demonyo lang ang makakapaghiwalay sa amin—at sila iyon!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN