Sexy singer Sheree involved in car chase at the international airport

Sexy star and singer Sheree was chased by people who claimed their vehicle was hit by the singer's car while on their way to the airport terminal. Sheree said she had no intention of fleeing from them. She said she just wanted to drive to "a safe place" before facing the strangers pursuing her.


Ayon sa report ng Showbiz Central kahapon, October 31, nakabangga diumano ang kotseng minamaneho ng sexy star at singer na si Sheree ng isang AUV (Asian Utility Vehicle), noong Sabado, October 23, sa pagitan ng alas-sais at alas-siyete ng gabi.

Sa loob daw ng AUV ay apat na katao. Kasama naman ni Sheree sa kotseng sinasakyan ang kanyang personal assistant.

Ayon pa sa report, inirereklamo ng mga taong nabangga diumano ni Sheree, na tinakbuhan sila ng singer-sexy actress matapos silang mabangga nito.

Si Sheree ay ang Davaoenang singer na mas nakilala bilang isa sa mga miyembro ng Viva Hot Babes nung early 2000s, at kasalukuyang live-in partner ng Party Pilipinas singer-host na si Gian Magdangal.

Naganap ang sinasabing banggaan malapit sa Centennial Terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Salaysay sa Showbiz Central ng isang "Linda," na isa sa mga sakay umano ng AUV—na inilawan ng show para hindi makilala ang mukha sa telebisyon—nagkukuwentuhan sila habang sakay ng kanilang sasakyan nang biglang may sumalpok sa likuran ng sasakyan nila.

"Yung mukha naman niya, apologetic," pag-describe kay Sheree ng isang "Tina," na sakay din umano ng AUV at naka-silhouette din lang sa TV.

"Kaya lang, yung ginagawa niya is parang kabaligtaran. Nagmamadali siya, e!"

Tinangka raw ni Sheree na iiwas ang kotse nito at patakbuhing muli matapos makabangga.

Pagpapatuloy ni "Linda" sa Showbiz Central, "Sabi ko, 'Teka muna, huwag kang umalis!' So, parang pasigaw na rin ako dahil nabigla na rin ako ng reaksyon niya na parang patakas siya na hindi ko maintindihan."

SHEREE'S SIDE. Nakuha ng showbiz talk show ang panig naman ni Sheree.

Ayon kay Sheree, "I was able to tell the girl that I was in a hurry because I have to catch my flight going to the airport, but she did not listen."

Sinabi rin niyang hindi raw talaga siya sigurado nang mga panahong iyon kung nakabangga nga siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I was not sure, actually, that I hit their car," sabi nito, sabay pag-amin na, "kasi we were in a hurry."

Pagpapatuloy nito, "It was traffic and then I opened my window and suddenly there was this screaming lady. I was scared!"

Paliwanag naman ni "Tina" sa sinasabing "screaming lady": "Gumilid na din yung nanay ko sa kanya na, 'Teka, sandali!' Humawak na dun sa bintana. So, ang ginawa niya [Sheree] pinasagiran niya, hinagingan niya!"

Kung hindi raw mabilis na nakaiwas ang kaniyang ina, nasagasaan na raw ang paa nito ng sasakyan ni Sheree.

Dagdag naman ni "Linda": "Sinabi ng pulis sa kanya na parang attempted homicide yung ginawa niya. 'Hindi mo ito puwedeng takbuhan!' sabi sa kanya."

Ayon kay Sheree, na mahinahong nagpaliwanag sa Showbiz Central, wala siyang ganung intensyon.

"I was actually not running away and I did not hit-and-run. Lilinawin ko lang ho—hindi ho ako ang taong klase na papatay ho ng tao."

Pero tumalilis nga raw si Sheree, kaya nagkaroon ng habulan, ayon muli sa mga nagrereklamo.

Ipinakita ng Showbiz Central ang kuha sa isang cellphone video (hindi sinabi kung kanino ang cell phone) sa nangyaring habulan. Nangyari ito papunta ng departure area ng Terminal 2.

Tinutugis ng AUV ang sasakyan ni Sheree. Maingay at nagmumura ang mga nasa AUV, sabay sumisigaw sa guwardiya na harangin si Sheree.

Ayon kay "Tina": "Sabi nga ng kapatid ko dun sa lady guard, 'Huwag ninyo hong palagpasin yan, binunggo ako niyan!' Tapos binubusinahan namin!"

Nai-record din sa video ang pagkumpronta kay Sheree ng mga humahabol dito. Sa mismong entrance ng airport terminal naganap ang kumprontasyon ng magkabilang panig.

Pagdidiin ni Sheree sa interview sa kanya ng Showbiz Central, hindi siya tumatakas.

Gusto lang daw niyang tiyaking ligtas siya sa grupong humahabol, na hindi niya kilala, kaya naghanap ito ng "safe na lugar" bago tumigil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kaniyang pagpapaliwanag, "Actually, po, I was not running away from the obligation. I was just taking precautions na kung ano yung safe na lugar na dapat akong makipag-settle."

Pero reklamo pa rin ni "Tina": "Ini-stop na siya nu'ng lady guard, 'Ma'm saglit', sabing ganu'n sa kanya. 'Merong humahabol sa inyo, nabunggo ninyo yata.'

Ayon naman kay "Linda": "Doon lang kami nagtapos, hanggang yun nga, yung P.A. [personal assistant] niya, kinausap na kami. Kung puwede daw kaming aregluhin na lang at kausapin, ganun."

Sa pagpatuloy ni "Linda," sinabi nitong, "Nagkasundo sa P35 thousand for the damages."

Hindi ipinaliwanag ni Linda, o ng Showbiz Central, kung paano pumasok ang mga magulang ni Gian sa kuwento, ngunit sa salaysay pa nito, "Inabonohan muna ng parents ni Gian [Magdangal] ang 20 thousand, and then gumawa ng parang promissory note.

"It was an agreement that they were gonna settle the remaining P15 thousand balance the following day, which is Sunday.

"Kaya lang, pagdating ng Sunday walang tawag from them.

"'Yung palabra de honor po na tinatawag, tuparin lang po kung ano po 'yung napag-usapan!"

Dito naman umalma si Sheree.

"I don't know what their intention is," aniya, "because we already settled this. When I was in Davao, I already called them."

Dagdag niya, "Porke tinakot ka nila—magbibigay ka na agad ng ganung kalaking amount?"

Dito na rin niya inungkat ang pagkuha ng abogado. "It's not like that. I have to talk to my lawyers about this. The situation only started with a simple traffic incident, and I did not commit any act nor have any intention to hurt any person."

Sa usapang naganap, sabi pa Sheree, naayos daw nila ang problema sa airport pa lang.

Aniya, "An amount of twenty thousand pesos was received without any addition of liability on my part."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagtatapos ni Sheree, "Kung hindi ninyo po willing i-settle ito nang maayos, give me back my money, and I will see you in court. Iyon na lang po."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN