Glaiza de Castro collapses again during Grazilda taping

"Nanggaling kami noon sa Sta. Mesa. Doon pa lang medyo hindi na ako makahinga, parang walang masyadong hangin. 'I need fresh air!' gumaganoon ako. So...pagkabaklas namin doon sa may Manila, doon na nagsimula. Hindi na talaga ako makahinga," related Glaiza de Castro about passing out while at work on Grazilda.


Isinugod kamakailan sa ospital ang 22-year-old actress na si Glaiza de Castro matapos himatayin habang nagte-taping ng Grazilda, ang pinagbibidahan niyang popular na fantaserye.

"Nagising na lang ako, hindi na ako makahinga, naninikip ang dibdib ko," umpisang pagkukuwento ni Glaiza sa taped interview sa kanya ng Showbiz Central ng GMA-7, na ipinalabas kahapon, Sabado, October 31.

Galing daw sila sa location ng taping at papalipat na sa susunod na lokasyon.

"Nanggaling kami noon sa Sta. Mesa. Doon pa lang medyo hindi na ako makahinga, parang walang masyadong hangin. 'I need fresh air!' gumaganoon ako.

"So, nung paglipat namin, pagkabaklas namin doon sa may Manila, doon na nagsimula. Hindi na talaga ako makahinga," pagkukuwento ng star ng Grazilda.

Ayon na rin sa GMA-7 insiders, hindi raw ito ang unang pagkakataon na nag-hyperventilate at hinimatay si Glaiza sa taping.

At ang sinasabing dahilan, ayon sa doktor na tumingin sa kanya, "Over-fatigue, 'tsaka iyon, stress. Kasi halos araw-araw kaming nagte-taping, 'tapos malayo ang locations, 'tapos yung locations hindi pa... parang kulob pa."

Nakadagdag pa raw dito ang mabibigat na emosyon na kinakailangan niyang ipakita sa mga eksena sa Grazilda.

"Iyon, minsan kasi nadadala rin ako ng mga emotions ko sa eksena. So, baka nakakaapekto rin.

"Pero, I'm good, ayos na naman ako ngayon," ani Glaiza, na kilala naman sa pagiging hardworking at disiplinado.

At sa kabila raw nito ay wala namang dapat ipag-alala ang fans ng young actress, bagama't totoo namang may kapayatan ito.

"A, wala naman, [I'm] in good shape, good health. I just need some rest. Lahat naman din tayo kailangan natin yun, pero after that sabak na ulit sa trabaho.

"Actually, ngayon, medyo magaan lang yung mga sequences na ginagawa namin. Tapos, hindi na ganoong karami, tapos hindi na rin ganoong kabibigat.

"Pero inuumaga pa rin kami. Ayos lang, kasi para sa show," pahayag ng dalaga, na nagkakaroon na ng fan base, batay sa mataas na ratings ng Grazilda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DOING WELL AT THE RATINGS GAME. Ayon sa AGB Nielsen Mega Manila, ang pilot episode ng telefantasyang Grazilda (GMA-7) ay ipinalabas noong September 13. Nakakuha agad ito nang araw na iyon ng 14.5 % ratings.

Noong September 13 pa rin, ang katapat nito ay isa pang telefantasya, ang Noah (ABS-CBN), na nakakuha rin ng ratings na 14.5 %. Pinangunguhan ito ng popular child star na si Zaijan Jaranilla at ng matinee idol na si Piolo Pascual.

Habang ang isa pang katapat ng Grazilda, sa araw ding iyon, ay ang musical teleserye na Idol (ABS-CBN), na nakakuha lamang ng 13 %. Mababa, kung titingnan ang mga bida rito: Sarah Geronimo, Sam Milby, at Coco Martin.

Matapos ng isang buwan, steady lang ang Grazilda.

Noong October 22, ayon pa rin sa AGB-Nielsen Mega Manila, nakakuha ang Grazilda (GMA-7) ng 13.2 % ratings.

Sa petsa ring iyon, patas sa 13.2 % ang ratings ng Magkaribal (ABS-CBN), isang fashionseryeng pinagbibidahan ng mas sikat na mga artistang gaya nina Gretchen Barretto at Bea Alonzo, ang sumisikat na si Erich Gonzales, at ang reliable actress na si Angel Aquino.

At sa araw ding iyon ng October 22, ni hindi nakapasok sa Top 10 ang Imortal (ABS-CBN), na pinagbibidahan ng A-list stars na sina John Lloyd Cruz at Angel Locsin.

Ang dalawang ABS-CBN shows na nabanggit ay siyang nakakatapat ng Grazilda.

Noon namang October 25, ayon din sa AGB Nielsen Mega Manila ratings, umangat ang Imortal sa kanilang tatlo, ngunit kasunod nito ang Grazilda.

Nag-ratings ang Imortal ng 11.6 %, habang ang Magkaribal ay pumalo ng 9.9 %.

Nakakuha naman ng 10.3 % ratings ang Grazilda, na ang ibig sabihin ay naungasan pa rin nito ang Magkaribal.

Malaking bagay ito para kay Glaiza de Castro, dahil baguhan pa lang siya sa mundo ng pag-aartista. Ito pa nga lamang ang unang serye na siya ang nagdadala, at dinadala niya ito sa prime hours ng television, kung kelan mas mataas ang advertising rates ng mga istasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang kapareha niya rito ay si Geoff Eigenmann, na bagu-bago pa rin sa pagli-leading man sa teleserye. Habang sa katapat na Magkaribal, naroon sina Derek Ramsay at Enchong Dee. At sa Imortal naman—sino ang mas popular pa kay John Lloyd Cruz sa mga leading men ngayon?

TELEVISION WRITERS, TAKE A BOW. At this point, dapat nang i-recognize ang malaking role ng writers sa ratings game. Importante ang artista, oo, pero kung hindi mahusay ang mga manunulat, hindi kakagat ang publiko.

Malinaw na pang-akit sa manonood ang panulat, kaya akyat-baba ang ratings ng tatlong show kahit hindi nagbabago ang mga stars dito. Labanan na rin ngayon ng kuwento at ng pagkukuwento.

Mas malamang na aangat sa ratings ang seryeng may mas mahusay na storyline, dialogue, character development, at tema.

Pinipili na ng manonood ang gusto nilang episode. Hindi na lang sila nagpapatali sa iisang serye o iisang channel o iisang grupo ng mga artista. Dahil dito, nagiging mas crucial sa buhay ng network ang creative input ng mga manunulat nito.

Bandang huli, sabihin nating pinatutunayan pa rin ng ratings game ang pag-angat ng isang Glaiza de Castro. Kaakibat ng mahusay na nabuong karakter ang artistang magbibigay-buhay sa karakter na iyon.

Ingatan na lang sana ng Kapuso network ang kalusugan ng kanilang rising star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN