Marvin Agustin is honored to be first Pinoy actor to serve as jury member in Brussels filmfest


Marvin Agustin, one of the actors of the indie film Sigwa, has been chosen to be one of the jury members of the 37th Brussels International Independent Film Festival. Sigwa will be exhibited in the filmfest while another Filipino film, Donor, will be in competition.


Isang malaking karangalan para sa ating bansa ang pagkakapili kay Marvin Agustin bilang kauna-unahang Filipino actor na magiging jury member sa prestihiyosong Brussels International Independent Film Festival.

Nakausap ng Showbiz Central kahapon ng umaga, October 31, si Marvin sa airport, bago ito tumulak patungong Belgium kung saan gaganapin ang six-day film festival.

Ang 37th edition ng Brussels International Independent Film Festival ay gaganapin mula November 2-7, 2010.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala si Marvin matapos siyang personal na imbitahan ni Mr. Robert Malengrau, ang direktor ng Brussels IIFF, nang magkakilala sila noong nakaraang Hulyo sa Cinemalaya 2010.

Ani Marvin, "He saw Sigwa, and they got interested sa filmography ko. Pinanood nila 'yong mga ibang pelikula ko, pati 'yong Kutob, kung saan ako nanalong Best Actor.

"Verbally sinabi nila sa akin na mag-ano daw, i-invite daw nila ako to be in the jury."

Noong una nga raw, hindi makapaniwala ang Kapuso actor na magiging parte siya ng jury sa Brussels IIFF.

"Sabi ko, until I receive a formal invitation, siguro maniniwala na talaga ako. Parang I can't even tell my family na iniimbita ako, parang nahihiya pa ako.

"But when I got the formal invitation, that's when I realized na 'Oo nga, puwede nga pala!'"


NATIONAL ANTHEM TO BE PLAYED IN BELGIUM. Nakatakda ring magbigay ng speech si Marvin sa nasabing event sa Belgium.

Nakatakda ring ipalabas doon ang Philippine national-anthem video na ginawa ng Kapuso network.

"Isa sa mga I'm really proud of, and what GMA-7 is proud of, iyong ating national anthem. So I'll be saying something bago ipalabas iyong national anthem natin in Brussels.

"They asked for it, sabi nila that's what they're going to play before the Filipino movies."

Hindi maikakaila ang impluwensiya ng Brussels International Independent Film Festival sa global film community, na noong 1970s pa ay kumilala na sa dekalidad na mga indie films mula sa iba't ibang bansa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami na ring Filipino talents ang naparangalan dito, kabilang ang acting awards para kina Dolphy, Jeffrey at Eric Quizon, Vilma Santos, Sharon Cuneta, at ang Superstar na si Nora Aunor.

Ngayong taon, mahigit isang daang pelikula mula sa higit limampung bansa ang ipalalabas dito, kabilang ang dalawang Filipino films.

Ang Donor ni Direk Mark Meily (starring Baron Geisler at Meryll Soriano) ay isa sa mga entries in competition.

Ang Sigwa naman ni Direk Joel Lamangan (starring Dawn Zulueta, Zsa Zsa Padilla, Marvin atbp.) ay part ng mga exhibition films.

Bilang pagtatapos sa panayam sa kanya, sinabi ni Marvin, "Itatayo po natin ang bandera ng Pilipinas, ipapakita natin na sa maraming larangan, magtatagumpay tayo!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN