Jennylyn Mercado rushed to hospital after "heart attack"

"Nag-trigger lang naman 'to after kong gumawa ng movie. Siguro sa sobrang pagod na rin, sa stress, kawalan na rin ng tulog. Ang dami ko na rin ginagawa. So, medyo hindi na rin kinaya ng katawan ko, so, doon bumalik. Kasi, bata pa lang talaga 'ko, meron na akong heart problem. Pero ngayon lang siya ulit na-trigger. Parang may nag-trigger para bumalik ulit," said Jennylyn Mercado about her heart condition.


Last Thursday, October 28, isinugod sa hospital si Jennylyn Mercado nang hinimatay siya at nanigas habang nagda-dub ng kanyang pelikulang Rosario.

Kinuwento ni Jennylyn ang nangyari nang mainterview siya para sa October 30 episode ng Startalk.

"Nagda-dubbing lang ako for Rosario, last two sequences ko na, bigla na lang akong nanigas—ang tongue ko, 'yong lips ko. Tapos 'yong ears ko namamanhid na. Pati yung hands ko, legs ko. Tapos parang may mabigat sa dibdib ko, parang may nakadagan. Nahihirapan akong huminga."

Startalk host Butch Francisco asked Jennylyn kung bakit siya inatake nang ganito.

"Siguro kasi, few weeks ago, inatake na rin ako sa puso," paliwanag ng GMA-7 actress.

"Pero siyempre, wala namang nakaalam. Ayoko na rin sabihin noong time na 'yon, pero, nangyari na rin sa akin 'yon a month ago. Nanonood lang naman ako ng TV. Pero, 'yon, bigla na lang din."

Inamin ni Jennylyn na meron nga raw siyang heart condition.

"Nag-trigger lang naman 'to after kong gumawa ng movie. Siguro, sa sobrang pagod na rin, sa stress, kawalan na rin ng tulog. Ang dami ko na rin ginagawa.

"So, medyo hindi na rin kinaya ng katawan ko, so, doon bumalik. Kasi, bata pa lang talaga 'ko, meron na akong heart problem. Pero ngayon lang siya ulit na-trigger. Parang may nag-trigger para bumalik ulit."

Meron na rin daw siyang maintenance medicine every morning and evening.

Aniya pa, "Kaya ngayon, lagi lang akong masaya. Ayoko ng maraming pressure. Kasi, wala naman akong iniisip noong time na 'yon, tapos bigla-bigla na lang akong...bigla na lang siyang inatake."

DENNIS TRILLO. Tinanong rin ni Butch kung ano ang naging reaksyon ng boyfriend ni Jennylyn na si Dennis Trillo.

"'Yong una, alam niya. Pero 'yong pangalawa, hindi ko na sinabi sa kanya. Noong dinala nila ko sa hospital, medyo hindi na ako makakilos, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Talagang hirap na hirap na 'ko. So, tinawagan ko na lang siya noong maka-recover ako from that."

On a lighter note, Butch told Jennylyn na marami raw ang kinilig sa ginawa nilang production number ni Dennis Trillo sa Party Pilipinas last week. Ganoon din daw ba sila ka-sweet off-cam?

"Ayaw rin naman siyempre namin ng PDA [public display of affection]. Kasi, hindi rin naman maganda yun. Pero alam na namin kung paano kami kikilos kapag maraming tao.

"Kapag kami lang dalawa or kasama lang namin ang mga friends namin or family namin, alam naman namin kung papaano kami kikilos."

Paano kapag silang dalawa na lang?

"E, normal...siyempre, medyo sweet nang konti."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN