Jed Madela clarifies "walk-out" incident in Winnipeg, Canada; says he never disrespected Nora Aunor

Jed Madela explained that he lost his voice after performing in three Canadian cities. By the time he got to the fourth city, Winnipeg, he could only manage a simple Christmas carol.


Lumabas kamakailan ang balitang inireklamo diumano ng isang producer sa Winnipeg, Canada, si Jed Madela dahil ayaw daw nitong kumanta sa isang show, kung saan ang ibinigay daw nitong dahilan ay nawalan ito ng boses.

Lalo pang ikinagulat ng lahat nang maibalita na ang rason kung bakit ito nag-"walk out" doon ay dahil ikinumpara daw siya kay Nora Aunor pagdating sa usapin ng professionalism.

Sa interview ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa magaling na singer noong October 24, sa set ng ASAP XV, sinagot ni Jed ang lahat ng mga isyu tungkol sa naturang October 17 Winnipeg show.

"Di ko show 'yon, guest lang ako sa anniversary ng isang music school," paliwanag ni Jed.

Dagdag niya, "As far as I know, guest appearance [meant] to go on stage, talk to the music students, talk to people. Di ko alam kung bakit ganun ang lumabas na balita, na it's my show."

Nilinaw din niya ang pagkawala ng boses niya. Totoo raw na nangyari ito.

"'Yong kuwento na di ako kumanta—totoo na wala akong boses nung Winnipeg, dahil galing ako sa tatlong shows sa Calgary, Vancouver, and Toronto. 'Yon ang tatlong shows na full shows ko talaga.

"'Yong sa Winnipeg, nag-ride on lang sila sa entire trip. Di totoong di ako sumipot. The day before the actual show, lumipad kami ng Winnipeg.

"It happened na may mga loose ends, like walang pa ring budget, wala pang mga tickets. But in spite of that, sabi ko, 'Ituloy natin, kundi matuloy yung show, at least sasabihin nilang dumating ako.'

"Dumating kami, pumunta kami ng venue. I was there, we're just waiting for advice kung ano ang gagawin ko. My manager told them na wala na talaga akong boses. Dun na nagsimula 'yong gulo."

EMOTIONAL PRODUCER. Ayon kay Jed, dito na naging "hysterical" ang producer ng show na nagpupumilit pakantahin siya kahit wala siyang boses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang alam ko, I will grace the occasion. I may sing a song or two, depende sa akin 'yon. Ako naman madali akong kausap, basta kaya ko. Kaya lang wala talaga akong boses nun.

"Then she started provoking everybody. Kami, we were trying to calm her down kasi nagwawala na siya. Galit na siya sa amin, as she was screaming at everybody, to the point na pati anak at asawa niya were trying to calm her down.

"Sabi namin, pag-usapan namin ito. She was so emotional and hysterical, sinigawan na niya ako, 'Hindi! Kailangan mong kumanta kahit isang kanta lang para maipakita sa tao na paos ka talaga!'

"Ang sabi ko sa kanya, 'How inconsiderate. Isn't my speaking voice proof enough na di ako makakakanta?' Tapos gine-generalize na niya ang mga artista.

"Mahal ko ang trabaho ko, mahal ko ang mga katrabaho ko. Para sabihin niyang, 'Kayo talagang mga artista, ang dami ninyong arte, ang dami ninyong demand!' is very hurtful."

RESPECTING NORA AUNOR. Klinaro din ni Jed ang lumabas na kuwento na umalma at nag-walk out daw siya nang ikumpara siya kay Nora Aunor.

Kuwento ni Jed, "Ang sabi niya sa akin, 'Pareho ito sa nangyari kay Nora, a.'

"Ang sabi ko sa kanya, 'Wag ninyo naman akong i-compare kay Nora sa sitwasyon na yun.'

"It's not because of the instance na paos siya at all, it's more of the situation na I'm here, as your guest, 'Wag naman ninyo...itrato na ganun ang guest ninyo."

Paglilinaw muli ni Jed, "Ako, I have nothing against the Superstar. Gusto kong i-clear 'yan, lalo na sa mga Noranians.

"You know, si Ms. Nora Aunor is a legend, haligi ng show business—and to be mentioned in one statement with her is really something.

"I walked out kasi baka kung ano pa ang masabi niya na ayokong marinig, and baka kung ano pa ang masabi ko, so I moved away from her and went to my dressing room."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

APOLOGIES ALL AROUND. Base sa kuwento ni Jed, may maganda namang ending ang kuwento ng Winnipeg.

Dahil, doon pa lang daw sa Winnipeg ay nagkaayos na sila ng producer at nagkahingian pa sila ng tawad sa isa't isa.

At kumanta pa rin si Jed sa stage kahit hirap ito dahil hindi na normal ang boses niya. Halos wala na nga raw ito, at para sa isang singer, disaster iyon.

"Eventually, she went to my room, she apologized, and she was crying. Sabi niya, sobrang stressed out and sobrang pressured na siya.

"Ako din naman, I said 'I'm sorry if I've hurt you,' if I caused her troubles, but sana we can talk about it naman in a calm way.

"Before I went on stage, I spoke to her. Sabi ko sa kanya, mahirap na i-continue namin ito na may samaan ng loob.

"Ako, I even attempted to sing, kumanta ako ng 'Sana Ngayong Pasko.'

"May nag-request pa nga ng 'Through The Fire!' Sabi ko nga, 'Sobra naman kayo, wala akong boses.'

"I was joking around with the audience already. Nagtatawanan kami. Kaya para lumabas 'yong issues, na parang ang sama-sama ko, it's unfair—at sana malinawan 'yong issue."

Nang tanungin siya kung willing pa siyang bumalik sa Winnipeg para mag-perform, the well-mannered and obviously nice Jed Madela replied, "Oo naman, I owe Winnepeg a show. I want to perform for them, so babalik ako dun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN