Talent manager Shirley Kuan wishes former ward KC Concepcion success and happiness

Shirley Kuan on her former talent KC Concepcion (inset): "I wish Ms. Concepcion all the success she worked for and the happiness she prays for in her heart. She is young and very talented, and surely the best is yet to come."


Nagbigay na ng statement ang talent manager na si Shirley Kuan (o SK sa mga taga-showbiz) ukol sa pagpapalit ng management ng dati niyang talent na si KC Concepcion.

Ang talent arm ng ABS-CBN na Star Magic ang humahawak na sa career ngayon ng anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.

Sa kanyang statement na ipinadala sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng text kagabi, November 1, sinabi ni SK na siya ang nag-resign bilang co-manager ni KC noong August 23.

Dahil dito, sabi niya sa text message, "it is expected from Ms. Concepcion to look for a new management of her choice."

Pinabulaanan din ng talent manager ang mga report na hindi naging maayos ang pakikipaghiwalay niya kay KC.

"Upon learning last Tuesday, October 26th, from Star Magic's head Ms. Mariole Alberto, that Ms. Concepcion is already under their management, I happily volunteered to assist in any way I can for a smooth and proper turnover," sabi ni SK.

Hiniling din ni SK ang patuloy na tagumpay at suporta ng publiko para sa young actress-singer.

"I wish Ms. Concepcion all the success she worked for and the happiness she prays for in her heart. She is young and very talented, and surely the best is yet to come. Let us all continue to support and cheer her on."

Noong nakaraang linggo unang lumabas ang balitang nagpalit na ng manager si KC. Iniwan na raw nito ang dati niyang mga manager na sina Shirley Kuan at Sandra Chavez para lumipat sa Star Magic.

Ayon sa mga balitang lumabas sa broadsheets, tabloids, at sa Internet, hindi raw naging maayos ang paghihiwalay ni KC at ng kanyang dating managers. Sa ilan pang mga blind items—na malinaw namang si KC ang tinutukoy—sinabing "bastos at maldita" raw si KC kaya siya iniwan ni SK.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil dito, nagbigay ng pahayag ang Star Magic noong Linggo, October 31, upang pabulaanan ang lumabas na mga bali-balita.

Ayon sa statement, "nagkamali" umano ang showbiz writers sa kanilang mga isinulat tungkol sa isyu. (CLICK HERE to read related story.)

Nagsalita rin si KC sa The Buzz noong Linggo, October 31, upang linawin ang isyu. Aniya, nagulat siya sa mga naglabasang balita ukol sa paglipat niya sa Star Magic.

Idiniin niya na "walang away na naganap" sa pagitan niya at ng kanyang dating managers. (CLICK HERE to read related story.)

FULL STATEMENT. Ito ang buong statement ni SK na ipinadala sa PEP:

"This is to confirm my resignation as co-manager of Ms. KC Concepcion as of August 23, 2010. And understandably, it is expected from Ms. Concepcion to look for a new management of her choice.

"Upon learning last Tuesday, October 26th, from Star Magic's head Ms. Mariole Alberto, that Ms. Concepcion is already under their management, I happily volunteered to assist in any way I can for a smooth and proper turnover.

"I wish Ms. Concepcion all the success she worked for and the happiness she prays for in her heart. She is young and very talented, and surely the best is yet to come. Let us all continue to support and cheer her on.

"Let the hurtful speculations rest as the truth shall always prevail."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN