Jayson Gainza plays Regine Velasquez's admirer in Mrs. Recto

A year after typhoon Ondoy, Jayson Gainza is thankful that he has survived a big trial in his life. "Okay lang kasi gamit lang naman ang nawala. Wala naman nasaktan sa amin. Nagpapasalamat pa rin. Sana huwag na maulit. Hindi lang yung pamilya ko yung inaalala namin, paano yung ibang pamilya? Nagpapasalamat din ako sa mga tumulong na tao. At sa mga kaibigan ko na nagdasal para sa kaligtasan namin noon," he said.


Second shooting day na ni Jayson Gainza para sa indie film na Mrs. Recto nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) last Friday, October 29.

Nakaka-walong shooting days na actually ang cast and crew, ngunit nito lang kinailangan si Jayson para sa kanyang mga eksena sa pelikulang pinagbibidahan ni Regine Velasquez at idinirek ni Dante Nico Garcia.

"Okay naman. Masasabi namin na nakisama ang panahon. Maganda naman ang takbo. Kalmante naman ako kay Regine," banggit ni Jayson sa PEP habang naghihintay ng kanyang eksena sa kanto ng Quezon Boulevard, corner Recto Avenue overpass.

Ginagampanan ni Jayson sa pelikula ang papel ni Andy, kaibigan ng character ni Regine na si Clara M. Recto.

"Kanang-kamay niya ako dito. Hindi niya alam na... Akala niya biru-biruan lang na pinariringgan ko siya. Mahal na mahal ko si Clara," paglalarawan niya sa kanyang role.

Dagdag ni Jayson, "Meron mga tao na kumbaga ganito lang ang kaya niyang ibigay. Pero sa akin, ibibigay ko ang lahat para magustuhan niya lang ako. Pero kay Clara naman, hanggang dito lang.

"Pero abangan n'yo na lang yung mangyayari. Kapag ikinuwento ko na, libre na 'yon."


FIRST INDIE FILM. Ikalawang movie project na ito ni Jayson ngayong 2010, pagkatapos ng horror film na Cinco mula sa Star Cinema.

Pero ang Mrs. Recto ang una niyang indie film.

"Dati pa dapat ako meron," sambit ng dating Pinoy Big Brother housemate. "Pero hindi natuloy dahil sa schedule. Yung istorya maganda sana. Pero ngayon lang din nagkataon, nabigyan din na makasama dito.

"Masayang-masaya naman ako dito. Maganda para ma-experience ko naman ang indie. Nanonood ako sa Cinema One ng indie films. Maganda na malaya ka sa ini-express mo dito. Di katulad sa TV or commercial movie."

Bukod sa Mrs. Recto, busy rin si Jayson sa ABS-CBN gag show na Banana Split, kunsaan nakilala siya sa pag-i-spoof sa veteran TV host na si Boy Abunda sa segment na "NNN."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakasama din siya sa defunct primetime series na Agua Bendita.

Nagpapasalamat si Jayson na hindi siya nawawalan ng projects.

"Kasi kapag nawalan, mawawalan din ako ng pagkakakitaan. Kailangan talaga kasi apat ang anak ko. Kung ano ang ibigay sa akin, kailangan ko sunggaban nang sunggaban," sabi niya nang nakangisi.

COMEDY TRIO. "Actually, kagagaling ko lang sa Boracay for Banana Split. Masaya naman at masaya din yung mga kasama mo. Para sa anniversary special namin. Second year na namin ito sa show. Magkakasama kami ni Zanjoe at John Prats."

Matagal na ring kasama ni Jayson sina Zanjoe at John, kunsaan nakabuo sila ng kakaibang comedy trio. Nagsimula ang samahan na ito sa 2006 sitcom na Aalog-Alog at nagtuloy sa afternoon series na Parekoy.

"Nakita na kasi nila na nagdye-jell kami. Kapag gusto ng isa, gusto din ng dalawa. Yung nga, may sinasabi—may cute, may pogi, may guwapo. Ako yung cute!" biro niya.

Sabi pa ni Jayson, ang maganda sa trio nila ay iba-iba sila ng personalidad.

"Sa amin kasi, si Zanjoe kasi pilyo.

"Guwapito si John Prats, cutie-cutie na parang heartthrob.

"Ako naman dito, pambasag. Kung ano yung ibigay nila, sinasalo ko lang. Parang receiver lang ako dito," aniya, sabay na rin ang patawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN