Pilita Corrales sympathizes with "former balae" Nora Aunor who has lost her singing voice

"Kung gusto niya, mag-acting na lang muna siya. Maybe relax her voice first. Baka siguro meron siyang mga treatment. Baka merong treatment na ginagawa... I hope so," says Pilita Corrales (main photo) about Nora Aunor (inset).


Hindi magkatulad ang nangyaring "pagkawala" ng boses nina Nora Aunor at Jed Madela, taliwas sa mga naging ulat at pagkukumpara sa dalawa.

Habang ang Superstar ay nagkaroon ng problema sa kanyang tinig, matapos mag-undergo ng cosmetic/beauty enhancement operation sa Japan, ang Pinoy singing champion na si Jed ay nagkaroon lamang ng pamamaos matapos ang naunang pagku-concert sa ilang key cities sa Canada.

Naging mainit ang isyu kaugnay kay Jed dahil nagkaroon siya ng problema sa isang Winnipeg, Canada, show producer.

Nabalita ngang nagkaroon ng problema sa boses ang male singer at nang magsabi itong hindi siya makakakanta, doon na nagalit, nagtatalak, at nag-hysteria ang show producer.

Naihambing pa ng prodyuser si Jed kay Nora Aunor. Diumano, ito ay "ikinagalit" ng male singer at naging dahilan pa ng "pagwawala" at pagwu-walkout" daw nito sa venue.

Samantala, sa nakaraang concert ni Nora sa Sydney, Australia, noong August, walang alitang naganap between her and her show producer. Kaiba sa naging kaso ni Jed, walang producer na nag-tantrums o nag-hysterical sa Sydney, Australia, kahit hindi nakakanta si Nora.

Kamakailan ay nagpahayag na rin si Jed ng kanyang panig hinggil sa issue.

Ito ay bilang pagrespeto na rin sa Superstar, na hindi sinasadya'y nadawit ang pangalan sa usap-usapan dahil sa hindi magandang inasal ng producer kay Jed. (CLICK HERE to read related story.)

Sa maiksing salita, sinabi ni Jed na hindi totoo ang mga paratang sa kanya. Sinabi rin niyang naayos naman nila ng producer ang sigalot bago siya umalis ng Canada.

PILITA' STORY.Kaugnay ng nakaraang show ni Nora sa Australia, may naikuwento naman ang Asia's Queen of Song na si Ms. Pilita Corrales sa interview niya sa PEP (Philippine Entertainment Portal) kamakailan, bago ang actual guesting niya sa programang Jojo All The Way! ng TV5.

Here's Pilita Corrales's story about the Superstar:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Nora, nung nandito pa siya [sa Pilipinas], we used to talk. Pero ngayon, the only thing we hear is... because, di ba, Kuya Germs [German Moreno] had to go to Australia for a concert, kasi hindi na siya [Guy] makakanta?

"Sa kanya [German] nanggaling yung mga balita, na talagang hindi kumanta [si Nora]. Siya ang nagsabi.

"That's why the producers kept on calling and calling, 'You must come, Kuya Germs...' He didn't want to go. But the producers said, 'You must come, Kuya Germs, because this contract was signed...meron pang boses si Nora.'

"So, what happened was, at least si Kuya Germs ang lumabas sa stage. Sinabi niya, 'Ladies and gentlemen, this is to let you know [that the contract for the show] was signed so many months ago. Then, this thing happened. But she's [Nora] here. She's here!'

"Nakaupo lang si Nora," ayon daw sa kuwento ni Kuya Germs.

At naunawaan ng maraming fans ang sitwasyon.

"Mabuti naman," sabi ni Pilita. "May mga umiiyak nga raw. And just to let you know, the fans of Nora are still there. They're still there. Dito nga lang [sa Pilipinas], they're waiting for her."

FORMER "BALAE." Dating mag-balae sina Pilita at Nora noong hindi pa annuled ang marriage nina Ramon Christopher (Pilita's son) at Lotlot de Leon (Nora's legally adopted daughter).

Madalas mabalita noon na may hindi pagkakaunawaan sina Pilita at Lotlot kaya pati ang ugnayan ng mag-balae ay nalalagay sa alanganin.

Pero ayon kay Pilita, wala siyang sinasabing masama laban kay Lotlot, at lalo na ngayon, naroon ang concern niya para kay Nora.

"Oh, yes," ani Pilita. "Because, you know, can you imagine, such a fantastic singer and now she cannot sing because of some small operation?

"They can fix that pala. But she needs $40,000 to be operated in Boston [Massachusetts]."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May mga ulat ng pagre-raise ng kaukulang funds para sa pagpapagamot ni Nora. Magmumula raw ito kundi sa mga kaanak at kaibigan ng singer-actress ay sa iba pang sources na hindi pa kumpirmado.

Isa na rito ang sinasabing Canadian film producer na mayroon daw movie offer kay Nora.

"I hope so," pag-asam din ni Pilita para sa dating balae. "Can you imagine? Okay, she's a fantastic actress, but the singing is always with you. And then suddenly you find out [the voice is gone]."

PILITA'S ADVICE TO NORA. Kuwento pa raw ni Kuya Germs sa Asia's Queen of Song, "'Alam mo, Pilits, ako na ang kumanta. Inumpisahan ko, 'Dahil sa 'yo... nais kong mabuhay...' Tapos, pasok siya [Nora], 'Dahil sa 'yo... hanggang...'"

At that point, hindi na raw kaya ni Nora.

Kuwento ni Pilita, "Sometimes daw, even her speaking, after a little while, after talking, naaano na siya...napapagod ang boses. It is really, really a disaster for her if the truth is that happened after she underwent the cosmetic/beauty enhancement. Kasi ang ganda daw ni Nora ngayon!"

Anu't anuman, eto ang advice ni Pilita kay Nora sa kasalukuyan nitong kalagayan:

"Kung gusto niya, mag-acting na lang muna siya. Maybe relax her voice first. Baka siguro meron siyang mga treatment. Baka merong treatment na ginagawa... I hope so."

On Pilita's part, PEP mentioned that her voice is still in good condition. Katunayan ay may bago siyang ginagawang album—may Spanish at may Tagalog album para sa kanyang mga tagahanga.

"Because when you don't stop singing naman, the better your voice gets," aniya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN