Tween Hearts starring Joshua Dionisio and Barbie Forteza extended indefinitely

Dahil sa mataas na ratings ng youth-oriented drama na Tween Hearts, na pinangungunahan nina Barbie Forteza at Joshua Dionisio, nagdesisyon ang GMA-7 management na i-extend ang show "indefinitely."

Sabi ni Barbie, "Since extended po kami, marami pang mangyayari sa story naming mga tween stars. Paiiyakin namin sila pero masasayahin din namin sila."


Napuno at nagkagulo sa loob ng SM City Clark sa Pampanga noong October 29 dahil sa fans day ng GMA-7 tween stars na sina Barbie Forteza at Joshua Dionisio.

Maaga pa lang ay sumugod na sa venue ang loyal fans ng dalawa, na kung tawagin ay "Josh-Bie."

Kahit alas-singko pa ng hapon ang simula ng fans day, lunch time pa lang ay nagsidatingan na ang mga tagahanga at matiyagang naghintay sa mga iniidolong kabataan.

Nang umakyat na sa stage sina Barbie at Joshua, halos hindi na marinig ang mga sinasabi ng dalawa dahil sa lakas ng tili ng fans.

Parehong may solo numbers ang dalawa at kinilig nang husto ang fans nang mag-duet sila.

Hindi agad umalis sina Barbie at Joshua dahil nag-pose pa sila for pictures with the fans at nag-sign din ng autographs.

Nagkaroon din ng ilang games at namigay ng giveaways ang dalawa sa kanilang fans.

Ikinatutuwa nina Barbie at Joshua na nandiyan pa rin at sumusuporta ang kanilang fans sa bago nilang hit show na Reel Love Presents Tween Hearts sa GMA-7.

JOSH-BIE. Nabuo ang bansag na "Josh-Bie" kina Joshua at Barbie dahil na rin sa kanilang fans na parating present sa mall shows nila.

"Nakakatuwa naman po, kasi hanggang dito sa Pampanga ay pinuntahan kami ng Josh-Bie," nakangiting sabi ni Barbie nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa backstage ng SM City Clark.

Aniya pa, "Parati silang nandiyan at alam nila ang activities namin ni Joshua. Kaya very special ang fans sa amin kasi sila ang nagpapakita ng sobrang pagmamahal sa love team namin."

Masayang-masaya rin si Joshua dahil karamihan ay mga girls na kasing-edad niya ang sumisigaw ng pangalan niya. Never daw niyang naisip na balang-araw ay magkakaroon siya ng fans.

"Ibang level na kasi ito, e. Masarap ang feeling!" natatawang sabi ni Joshua.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong ginagawa namin ang First Time, doon ako nakaranas na magkaroon ng fans talaga. Iilan pa lang sila noon. Ngayon, dumami na sila. Hindi ko na sila mabilang!

"Kaya natutuwa ako kasi hindi ko naisip na dadami silang susuporta sa amin ni Barbie."

Dagdag pa niya, "Kaya mahal namin silang lahat, dahil kahit saan kami pumunta, nandoon din sila."

TWEEN HEARTS. Hindi na nga mai-deny ang mabilis na pagsikat nina Barbie at Joshua.

Lalo na't big hit tuwing Sunday afternoon ang kanilang show na Tween Hearts, na extended indefinitely dahil sa magandang rating at feedback mula sa mga manonood nito.

Sabi ni Barbie, "Nagpapasalamat po kami ni Joshua sa mga parating nag-aabang sa Tween Hearts. Dahil sa kanila, maganda po ang ratings namin at extended pa po kami.

"Ginagawa po namin ang lahat para magustuhan nila ang show at maabangan nila every Sunday afternoon.

"Since extended po kami, marami pang mangyayari sa story naming mga tween stars.

"Paiiyakin namin sila pero masasayahin din namin sila."

Bukod kina Barbie at Joshua, kasama rin sa Tween Hearts ang ilan pang young talents na ihinahanda rin ng GMA-7 para sa stardom.

Kasama rito sina Jkahe Vargas, Bea Binene, Kristoffer Martin, Joyce Ching, Lexi Fernandez, Louise delos Reyes, at Derrick Monasterio.

Laking pasasalamat naman ni Joshua sa kanilang director na si Ms. Gina Alajar dahil ito raw ang nagtuturo sa kanila ng tamang pagganap sa roles nila sa Tween Hearts.

Aniya, "Malaking tulong sa amin si Direk Gina Alajar. Siya yung tumututok sa amin, at gusto niya ay happy siya sa makikita niyang performance namin sa show.

"Kami naman, sinusunod namin siya kasi alam namin na magandang lalabas."

Pagtukoy pa ni Joshua, "Kaya salamat Direk Gina at pati na sa writers ng show at sa buong staff ng Tween Hearts kasi maganda ang outcome ng show namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

JOSH-BIE IN THE MOVIES. Pelikula na lang daw ang kulang kina Joshua at Barbie para matuwa na nang husto ang kanilang fans.

Kaya naman isang malaking regalo para sa Josh-Bie fans ang special appearance ng kanilang idols sa Metro Manila Film Festival 2010 entry na Si Agimat Sa Mundo Ni Enteng Kabisote.

"May special guest role kami ni Barbie sa movie nila Tito Vic at Senator Bong," banggit ni Joshua.

"First time namin ni Barbie na lumabas sa isang movie kaya abangan po nila ito."

Excited nga si Barbie dahil gusto niyang makita ang magiging hitsura nila ni Joshua sa big screen.

Aniya, "Hindi naman mahaba ang labas namin sa movie, pero happy kami na makasama sa MMFF movie na ito.

"Last year kasi dalawa ang movie na kasama ako sa MMFF, yung Ang Darling Kong Aswang at Wapakman. This time, with Tito Vic ulit at kasama pa si Senator Bong.

"'Tsaka gusto ko rin makita ang hitsura namin ni Joshua sa isang malaking movie."

Pakiusap niya sa fans, "Sana po ay suportahan ito ng mga fans namin come December 25."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN