Newcomer Sam Pinto attracts controversy

"Second movie ko lang ito, tapos si Sen. Bong pa ang leading man ko. But I'm also very thankful dahil sa naging box-office hit ang first movie ko, ang Petrang Kabayo," sabi ni Sam Pinto.


Ikalawang pelikula na ng dating Pinoy Big Brother Double Up housemate na si Sam Pinto ang Metro Manila Film Festival 2010 entry na Si Agimat Sa Mundo Ni Enteng Kabisote.

Una siyang napanood sa blockbuster hit na Petrang Kabayo ni Vice Ganda.

Si Sam ang leading lady ni Senator Bong Revilla sa Si Agimat Sa Mundo Ni Enteng Kabisote.

Ano ang naging reaksiyon ni Sam nang sabihin sa kanyang siya ang maging leading lady ni Sen. Bong sa pelikula?

"Nagulat din po ako, but I'm honored and flattered," sambit ni Sam nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng Si Agimat Sa Mundo Ni Enteng Kabisote sa Tanay, Rizal noong October 30.

"Second movie ko lang ito, tapos si Sen. Bong pa ang leading man ko. But I'm also very thankful dahil sa naging box-office hit ang first movie ko, ang Petrang Kabayo."

Prangka pang sinabi nito, "Salamat din po na hindi lang ako dekorasyon sa movie kahit bago pa lang ako.

"Naranasan ko na rin na mag-harness. Mahirap, masakit sa katawan, pero sulit naman dahil iba rin ang feeling. Para akong lumilipad habang nakikipaglaban."

KONTROBERSYAL KAAGAD. Bakit naging kontrobersiyal agad si Sam Pinto kahit bago pa lamang siyang nag-aartista?

Kung matatandaan, na-link siya noon sa ilang Kapamilya male stars, gaya nina Gerald Anderson, Jake Cuenca, at ang fellow PBB housemate niya na si Paul Jake Castillo.

"Ewan ko po ba kung bakit," nakangiting sabi ni Sam.

"Nagsimula ito nang lumabas ako ng Pinoy Big Brother. Pero kahit noong nasa loob pa ako, hindi ko naman inisip na mag-artista. Pero after ngang lumabas ako, naisip kong ituloy na ito.

"Noon din ako na-link kay Gerald, Paul Jake, at kay Jake.

"Ang nagulat po ako, yung issue kay Gerald," banggit niya.

Paliwanag niya, "Natanong lang ako noon kung sino ang crush ko, nasabi ko na si Gerald.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero pinalaki nila ang issue, hanggang sa magalit na rin sa akin ang mga fans nila ni Kim Chiu. They said I'm using Gerald to be famous.

"Pero thankful ako kasi siguro nalaman na rin nilang nagsasabi ako ng totoo at hindi naman ako talaga niligawan ni Gerald.

"Si Paul Jake, minsan ko lang nakasama when I visited Cebu. He, and his family, was kind enough to show me around.

"Ini-link din nila ako to an old friend, si Jake."

Sabi pa niya, sabay tawa, "Kaya po ngayon, kapag may nagtanong sa akin kung sino ang crush ko, ayoko nang sumagot, mahirap na, baka ma-issue na naman sa akin!"

Kumusta naman ang lovelife niya ngayon?

"Wala po," sagot ni Sam. "Two years na po akong walang lovelife. Gusto ko na munang mag-concentrate sa trabaho ko."

Pero inamin ni Sam na, at 20—she celebrated her birthday last September 11—ay naka-four boyfriends na siya na non-showbiz lahat. Ang pinakamatagal daw ay two years at ang pinakamaikli naman ay tumagal lang ng two months.

INTRIGA SA PAG-ARTE. Iiniintriga ngayon si Sam na hindi raw siya mahusay umarte at kahit ang role niya ay hindi niya alam.

Ano ang masasabi niya rito?

"Aware po ako sa intrigang 'yon, dahil noon daw sa presscon namin ng Petrang Kabayo, hindi ko nasagot kung ano ang role ko roon.

"Ang totoo po, medyo lito ako noon kasi nagti-taping ako ng Bubble Gang at kailangan kong mag-attend ng presscon. Pinayagan nila ako, pero kailangan ko raw bumalik sa taping.

"Hindi ko po masyadong naintindihan ang tanong sa akin, kaya ang sagot ko, panoorin na lang nila ang movie.

"Nang bumalik ako sa taping, na-miss ko na rin 'yong isang eksena, nag-sorry po ako at naintindihan naman nila ako," paliwanag ni Sam.

SI SAM SA LABAS NG INTRIGA. Nag-graduate si Sam ng high school sa Christian Harvest Academy sa Parañaque at second year college siya ngayon sa College of St. Benilde, where she is taking up Fashion Designing and Merchandising.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang ina ni Sam ay corporate lawyer at ang kanyang dad ay graphic artist.

Noong bata pa si Sam ay gusto rin niyang maging lawyer. Pero nang malaman niyang matagal pala ang Law, ayaw na niya.

Dagdag niya, "Six years old lang ako nang mag-separate ang parents ko. Dalawa kami ng sister ko, who's already 23 years old. Kahit po hiwalay na ang parents namin, may communication kami sa daddy ko kahit may bago na siyang family."

Nag-start si Sam bilang isang commercial model. She is co-managed by the Viva Artist Agency and GMA Network.

Saan niya gustong mag-excel: drama, comedy, or action?

"I just want to try everything," sabi niya.

Kasama si Sam sa cast ng gag show na Bubble Gang, at semi-regular siya sa musical-variety show na Party Pilipinas.

"Nag-audition din ako sa Captain Barbell as one of the leading ladies of Richard Gutierrez," banggit ni Sam.

Wala ba siyang balak mag-join ng beauty contest?

"Hindi po puwede kasi may tattoo ako," sabi ni Sam.

"Bawal daw ang may tattoo sa mga contestant ng beauty contests. Noon pa, fascinated na ako sa tattoo, nagpalagay ako ng Indian design sa left foot ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN