Kris Aquino on alleged PNoy-Liz Uy sightings: "Liz is very much single and so is my brother."

"I think we should respect the fact na kahit kapatid ko siya, pinuno natin si Noy, siguro ibigay natin 'yong galang na pagbibigay ng certain level of privacy," Kris Aquino pleads with a media eager for updates on President Noynoy Aquino's lovelife.


Alangan ang TV host-actress na si Kris Aquino na magkomento tungkol sa umano'y mga sightings sa iba't ibang lugar sa kanyang kapatid na si Pangulong Noynoy Aquino at sa celebrity stylist nitong si Liz Uy.

Para sa tinaguriang Queen of All Media, ayaw na raw sana niyang makialam sa usaping ito.

Gayunpaman, hindi niya natanggihan ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment media nang bisitahin siya sa photo shoot nila ni Diether Ocampo para sa pelikulang Dalaw. Ginanap ang pictorialkagabi, Nobyembre 2, sa DPI XL Studio, Makati City.

Ito ang pahayag ni Kris: "Liz is very much single and so is my brother. If they're getting to know each other at this point, karapatan nila 'yan."

Bagamat hindi naman kinumpirma ni Kris ang mga nasabing pagkakataong nakitang magkasama sina PNoy at Liz, sinabi nito: "Alam naman ni Liz... kasi [Liz] knew us before she knew him. So, alam din niya kung sino kami, at kami, nakilala namin siya bilang Liz.

"Ako, parang ang gusto ko lang, maging happy sila. Kung pinapaligaya man nila ang isa't isa, sana magpatuloy 'yon—'yon lang."

PANSARILING BUHAY NI PNOY. Pagkatapos ay nakiusap si Kris sa publiko na bigyan ng kaunting privacy ang kanyang kapatid pagdating sa personal nitong buhay.

"I think we should respect the fact na kahit kapatid ko siya, pinuno natin si Noy, siguro ibigay natin 'yong galang na pagbibigay ng certain level of privacy," sabi ni Kris.

Sa kabilang banda, sinabi ni Kris na naiintidihan naman ng kanyang kuya kung bakit marami ang nag-aabang tungkol sa kanyang lovelife.

"But, of course, he also understands na he is the country's most eligible bachelor," pag-aamin ng Queen of All Media.

"Nag-aabang ang buong Pilipinas kung sino nga talaga ang makakabihag sa puso niya, kasi naman 50 na siya.

"Baka naman in the next six years or so, mag-settle talaga siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And ako, I always say na kung saan liligaya ang kapatid ko, at kung saan ko makikita na talagang aalagaan siya, 100 percent talaga ang suporta na ibibigay namin.

"Sa kanilang dalawa [ni Liz], kung nagkikita man sila, wala naman talaga dapat silang itago."

PABOR BA SI KRIS KAY LIZ? Kung sakali, magiging pabor ba si Kris kay Liz para sa kanyang kapatid?

"Alam niyo, it's up to Noy," pag-iwas ni Kris. "I mean, he's waited this long, di ba?

"So, kung saan talaga siya mapupuno as a person—mapupuno ang buhay niya ng kaligayahan at pagmamahal—kung sino man 'yon, sana dumating lang, kasi he deserves it."

Pag-ulit ng bunsong kapatid ni PNOY, "He truly deserves happiness.

"And I still pray na magkaroon siya ng anak, kasi I can only imagine kung gaano kahirap 'yong trabaho [niya] and mas mahirap 'yong wala kang inuuwian."

Samantala, pinuri naman ni Kris si Liz sa pagiging tikom nito pagdating sa kanyang mga relasyon. Si Liz Uy ay matagal ding naging girlfriend ng sikat na Kapamilya actor na si John Lloyd Cruz.

Ani Kris, "Ang pinakamaganda kay Liz, and siguro puwede kong maipagmalaki, is that she came from a very public relationship and she never spoke! Hindi ba, wala tayong narinig na anything?

"Kung meron mang nagaganap ngayon, wala rin tayong naririnig sa kanya. So, ang paghanga at respeto namin sa kanya ay buong-buo talaga.

"Nakikita ko naman kasi talaga na mabait, maalaga, maalalahanin, and sincere si Liz."

PAGHIHINTAY SA ANNULMENT. Kung gaano kaingay ngayon ang pag-aabang sa lovelife ni PNoy, ganun naman katahimik ang kay Kris.

Mainam ito, susog ni Kris, lalo pa't tuloy pa rin ang pagdinig ng korte sa kahilingan niyang mapawalang-bisa ang kanyang kasal sa basketbolistang si James Yap.

Kaya naman nang tanungin kung handa na siyang ma-link sa kanyang Dalaw co-actor na si Diether, natatawa ito at sinabing:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I would really wish na, number one, kasi marami kaming napagkuwentuhan na pinagdaanan, na parehong experience, so, siguro, I would also think na nando'n kami sa edad ngayon na hindi ka na papasok sa isang bagay na nag-aapura ka at hindi ka na siguro magpapaka-impulsive."

Iniiwasan din ni Kris na masangkot sa anumang puwedeng makaapekto sa kanyang nakabinbin na hiling sa korte.

Isang halimbawa na rito ay ang lumabas na balita noon na nakita raw siyang kasama ni Makati Mayor Jun-Jun Binay, ang anak ni Vice President Jejomar Binay.

Sabi nga ni Kris, "I would pray na my siblings will not comment na about who I'll be dating when I'm annuled. Kinaklaro ko po 'yan—when I'm annulled.

"Dahil sinabi nila sa aking lahat, 'Tatagal ang annulment na 'yan kung magde-date ka na ngayon. So—when I'm annuled."

Sa kabilang banda, dinepensahan naman ni Kris ang sarili sa napapabalitang balak ng abugado ni James Yap na humiling ng gag order sa korte.

Ito ay upang pagbawalan si Kris na gamitin ang kanyang social networking account, tulad ng Twitter, kung saan madalas umano siyang magpahayag ng reklamo tungkol kay James.

Ayon kay Kris, "Siguro kung nagsalita man ako, dinefend ko lang ang pagiging nanay ko.

"Nagkausap naman kami nang mabuti ni James. Matino na kaming nagkausap, and let's leave it at that. Matino na ang pag-uusap namin ni James.

"So, kung sila... Kung anu-ano na naman ang ibinato sa akin ng kampo nila. So, kung ngayon, feeling nila na sila ang natatamaan, wala na akong magagawa. Okay lang. Good.

"It will be a blessing for Bimby, na wala nang magsasalita. Ultimately naman talaga dito, ang kailangan protektahan ay 'yong feelings ng anak ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN