Court of Appeals junks ABS-CBN's TRO petition against Willie Revillame's new show on TV5

Magdadalawang linggo nang umeere ang TV5 primetime program ni Willie Revillame na Willing Willie.


Ibinasura ng Court of Appeals (CA) ang petisyon ng ABS-CBN para agad na maipatigil ang pagpapalabas ng Willing Willie, ang variety-game show ni Willie Revillame sa TV5.

Ayon sa report ng Philippine Star noong Lunes, November 1, hindi pinagbigyan ng CA ang petisyon ng Kapamilya network na patawan agad ng temporary restraining order (TRO) ang Willing Willie.

Sa three-page resolution na sinulat ni Associate Justice Priscilla Baltazar-Padilla, binigyan muna ng limang araw ang kampo ni Willie para sagutin ang petition ng ABS-CBN.

Binigyan din ang network ng lima pang araw upang sagutin ang magiging komento ni Willie.

Isinampa ng ABS-CBN ang isang TRO laban kay Willie noong October 4 sa Quezon City Regional Trial Court. Ayon sa network, nakapirma pa ang TV host sa kanila ng kontrata hanggang September 2011 kaya't hindi siya dapat gumawa ng programa o lumabas sa ibang network.

Matatandaang hindi naglabas ng desisyon hinggil sa TRO si Judge Luisito Cortez ng QCRTC Branch 84, noong October 8 hearing. Ayon kay Judge Cortez, sa pagtatapos ng Oktubre pa siya maglalabas ng desisyon.

Dahil dito, nagsampa muli ang ABS-CBN ng petisyon sa QCRTC noong October 15 upang mapabilis ang desisyon ni Judge Cortez. Ayon sa ABS-CBN, dapat maibaba na ang TRO bago pa maipalabas ang premiere ng Willing Willie noong October 23.

Ngunit nabigo muli ang ABS-CBN na makakuha ng TRO. Ayon kay Judge Cortez, hindi napatanuyan ng network na may "urgent need" para maglabas ang korte ng desisyon bago ang premiere ng show ni Willie.

Dahil dito ay dumiretso na ang ABS-CBN sa Court of Appeals. Ngunit nabigo pa rin sila sa CA.

RATINGS NG WILLING WILLIE. Matagumpay naman ang launch ng Willing Willie noong October 23. Tuwang-tuwa ang host ng programa, pati na rin ang staff, nang tuluyan na ngang mai-ere ang kanilang primetime program.

Sa ngayon ay magdadalawang-linggo nang umeere ang Willing Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa data mula sa AGB-Nielsen, pangatlo ang Willing Willie sa ratings noong October 29, with an 8% audience share.

Nangunguna rito ang 24 Oras ng GMA-7 with 10.8% audience share, at pangalawa ang TV Patrol ng ABS-CBN with a 9% audience share.

Sa data naman mula sa Kantar-TNS, pangatlo pa rin ang Willing Willie sa ratings noong October 29 with a 10.1% audience share.

Nangunguna naman dito ang TV Patrol with a 26.2% audience share, at pangalawa ang 24 Oras with a 19.2% audience share.

LABANAN NG KUWENTO. Nagsimula ang gulo sa pagitan ni Willie at ng network noong May 4 nang bantaan ni Willie ang management ng ABS-CBN na magre-resign siya mula sa programang Wowowee kung hindi mapapatalsik ang showbiz reporter na si Jobert Sucaldito. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon kay Willie, nag-apologize na siya sa mga kinauukulan matapos noon. Ayon pa rin sa kanya, may pag-uusap na sila ng network tungkol sa bagong format na ipapalit sa format ng Wowowee.

Dito nga raw ay mawawala na ang mga co-hosts niyang sina Pokwang, Mariel at iba pa sapagkat kukunin na sa audience ang kasalo niya sa mikropono sa bagong format. At babalik na nga raw siya para mag-host.

Ngunit bigla na lang daw napalitan ang Wowowee ng Pilipinas, Win na Win noong July 31. (CLICK HERE to read related story.)

Ang huling pagkakataong nakita si Willie sa ABS-CBN ay noong Mayo 4.

Noong August 9, nagpa-presscon si Willie upang i-announce ang pagpapaalam niya sa ABS-CBN. Nagsampa rin si Willie ng kaso laban sa ABS-CBN upang matapos na ang kanyang kontrata. (CLICK HERE to read related story.)

Ayon naman sa ABS-CBN, hindi raw nangyari ang sinasabi ni Willie na pagkaka-ayos nila ng management, o ng paghahanda ng bagong format, o ng pagbabalik na niya bilang host dahil may mga kinokonsidera pang bagay-bagay ang management.

Higit sa lahat daw, hindi puwedeng tapusin ni Willie ang kanyang kontrata dahil, ayon sa network, ito ang "aggrieved party." (CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN