Nyoy Volante stressed out by questions about "debt" to Nina

"Everyone is always talking about, and everyone is asking, kung ano ba talaga yung totoo... Parang ang hirap naman, you always have to explain. Most especially kung ang talagang pakay mo lang naman is to always prefer everyone to get along," sabi ni Nyoy Volante tungkol sa pagkakautang niya diumano sa dating kasintahang si Nina.


Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang singer na si Nyoy Volante kaninang tanghali, November 4, sa presscon ni Jovit Baldivino para sa concert ni Jovit na Faithfully: A Night of First.

Si Nyoy ang musical director ng first major concert ng Pinoy Got Talent winner.

Kinumusta ng PEP kay Nyoy ang kaso na isinampa ng dati niyang girlfriend na si Nina sa kanya kaugnay ng pagkakautang daw nila ng kanyang ina ng P1.4 million.

Ayon sa hiwalay na panayam kay Nina, hindi naman daw gumagawa ng paraan si Nyoy na mabayaran ang kanyang pagkakautang kaya tuloy pa rin ang isinampa niyang kaso sa dating nobyo.

"Well, the thing is kasi, kung tuloy pa rin yun, dun na lang yun," sabi ni Nyoy. "Hindi naman siguro dapat tina-tackle anything that is outside the industry."

Sa pagpapaunlak na lang niya, sinabi nitong, "Of course, right now, as far as legal matter is concerned, hindi puwedeng sabihin na hindi inaasikaso yun, e.

"Ako, I would like to believe, sa nakikita kong development.... Kasi unang-una, hindi rin naman ako yung direct na involved with that, e. It is not me.

"Kaya nga medyo nakaka-depress na palaging nadidiin ako, which is hindi naman talaga ako yung involved."

Sino ba ang talagang involved?

"Kasi it's a transaction between her and my mom," sagot ni Nyoy.

Hindi ba niya alam yung naging transaction sa pagitan ng mom niya at ni Nina?

"Well, alam ko what is happening... I know yung mga technicalities, of course. Lahat ng basehan na naririnig natin, ano na lang yun, e, bits and pieces of the information.

"Again, uulitin ko, I would not like to discuss it [the case] here because it does not belong here. It does not belong sa media because wala naman tayong maitutulong as far as that is concerned.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pagdating na lang nung last moment there, masasabi na talagang tapos na yun, or talagang meron mas malaking problema, saka na lang natin i-tackle."

Wala bang amicable settlement na nangyayari?

"The thing is, hindi na sa amin yun, e. It is not for us to decide na ayusin na 'yan.

"Kasi kami yung klase ng tao na laging nakikipag-ayos. We will always be on the side of things na, 'Tara, ayusin na natin ito. Let's work for a better environment for everyone.'

"Pero kung kami lang ang magde-decide nun, mahirap naman," saad niya.

Paano nakaapekto sa kanya ang pagsasampa ng kaso ni Nina?

"Siyempre, unang-una, nakaka-stress na. Everyone is always talking about, and everyone is asking, kung ano ba talaga yung totoo.

"Which is, as far as I'm concerned, parang ang hirap naman, you always have to explain. Most especially kung ang talagang pakay mo lang naman is to always prefer everyone to get along."

Nakakaapekto rin ba ito sa trabaho niya bilang isang singer?

"Buti na lang when it comes to music, people will always look for music. People will always look for the performance that we give.

"And I'm very happy to say that a lot of my supporters have ignored...they have ignored the issues and focused directly on the music.

"Of course, meron pa ring mga hindi, which is hindi na natin mababawi yun."

Regular performer si Nina sa Sunday musical-variety show ng ABS-CBN na ASAP bilang bahagi ng grupong Sessionista. Kung minsan ay naggi-guest si Nyoy sa naturang show.

Pag nagkikita ba sila ni Nina doon ay nagpapansinan sila?

"I don't see any reason right now for us to say hi or hello to each other pag nagkikita kami. Kasi it would be wrong. And it would be a lie if sasabihin namin that we're okay," honest na sagot ni Nyoy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN