Mary Grace Poe Llamanzares prepares for challenge of chairing MTRCB

"Ang lagi ko lang sinasabi, basta sa aking pananaw, sa abot ng aking makakaya at sa aking konsensiya, kung alam kong patas ang aking pagtingin, at palagi kong pinangangalagaan kung ano ang makatarungan, kahit na magulo pa, sa bandang huli, sa tingin ko ay mauunawaan din ng mas nakararami ang punto ng gagawin natin," sabi ni bagong MTRCB head Mary Grace Poe Llamanzares tungkol sa kanyang tungkulin.


Matapos ang pormal na panunumpa sa kanyang tungkulin bilang bagong chairperson ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) noong Oktubre 21, nag-umpisa na ang unang linggong pamumuno ni Mary Grace Poe Llamanzares sa naturang ahensiya ng pamahalaan.

Ang formal oathtaking or swearing-in ceremony sa Malacañang ay pinamunuan ni Pangulong Benigno "Noynoy" Aquino III.

Dumalo rin ang pamilya ng bagong MTRCB appointee na sina Neil Llamanzares, Grace's husband, and their three children: Bryan, 18 years old; Hannah, 12; and Nika, 6.

Noong Oktubre 26, na siyang transition date niya sa bagong opisina at katungkulan, ipinakilala si Chairperson Llamanzares sa mga miyembro ng Board ng outgoing MTRCB chief, si Consoliza Perez Laguardia.

Chairperson Llamanzares described the transition as "quiet and pleasant."

"Iba talaga ang mood pag showbiz, di ba?" sabi ng bagong MTRCB chief sa exclusive interview sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) noong Miyerkules, November 3.

"Yung mga board members, masaya sila, nagre-review pa sila ng pelikula. Yung mga nandito, matatagal na ang iba sa kanila, time pa ni Chairman Armida [Siguion-Reyna]. So, marami sa kanila, [nasa] civil service na talaga."

Kampante raw ang loob ng bagong MTRCB chief sa mga bagong kasamahan na kanyang pamumunuan.

"Mukhang okey naman," sambit niya. "Alam mo, kahit naman saan na posisyon, kahit na mataas o mababa ang ranggo mo, marami ka pang dapat matutunan.

"Para sa akin, napakahalaga talaga na ang mga dadatnan mo ay may malasakit sa mismong ahensiya na pinagtatrabahuhan nila.

"Kasi, kahit sino pa ang ilagay mo diyan na mamumuno, kung ang mga kasama ay wala namang pakialam na tumulong, kahit na sino pang magaling ay mahihirapan.

"Sa kanila naman, pag meron akong tanong, very generous naman sila na magbigay ng kanilang opinyon."

THANKFUL TO PHILIPPINE MOVIE INDUSTRY. "Ako ay nagpapasalamat at napili ako ni President Noynoy Aquino," banggit pa ni Ms. Mary Grace hinggil sa kanyang pagkaka-appoint bilang MTRCB head.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nahirang na bagong MTRCB chairperson ang anak ng yumaong Fernando Poe Jr., National Artist for Film, at former movie queen Ms. Susan Roces mula sa mga pangalang naisumite sa ating Pangulo.

Ang nominasyon ni Chairperson Llamanzares ay mula rin sa mga bumubuo at namumuno sa kasalukuyang industriya ng pelikulang Pilipino.

"Malaki rin ang aking pasasalamat na mga miyembro ng industriya ang mismong nag-nomina sa akin. Katulad ni Senator Jinggoy Estrada, ang Directors' Guild of the Philippines, at ang Actors' Guild of the Philippines.

"Napakahalaga na [ang nominasyon] ay galing mismo sa industriya," sabi pa niya. "Siguro dahil nakita ni President Noynoy na kinakailangang nakakaintindi sa industriya [ang mamuno sa MTRCB], kaya napili niya ako.

"Marami namang ibang magagaling din, pero hindi ko rin naman ipinagkakaila na malaking bagay para sa mga nag-nominate sa akin na ang mga magulang ko ay malaki din ang pagmamalasakit at ang naging kontribusyon sa industriya.

"Siguro dahil sa gano'n kaya pinagbigyan nila ako."

The new MTRCB chairperson says she was humbled by the industry's nomination at nang tuluyan niyang pagkakapili sa posisyon.

"Alam ko naman na noong lumalaki ako ay itinaguyod ako ng industriyang ito," wika niya.

"At dahil sa hanapbuhay ng aking mga magulang ay nabigyan naman ako ng isang kumportableng buhay. Kaya gusto ko namang makapagbigay uli sa industriyang ito."

"BE A DIPLOMAT." Lagi raw naisasaisip ni Chairperson Llamanzares ang sinabi sa kanya ni PNoy as she was sworn into office as new MTRCB chief.

"Hindi ko makakalimutan yung swearing-in ko," aniya. "Ang sinabi sa akin ni President Noynoy, 'Grace, you have to be a diplomat of sorts.'"

Sa pagpapatuloy ni Ms. Mary Grace, inisip daw niya, "Being diplomatic, I assume. Sa puntong 'yon, ang gusto talaga siguro ng Pangulo ay magkaroon ng kaayusan, na lahat ay mabibigyan ng tama at kaukulang pansin, at mapuprotektahan nang pantay-pantay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At hindi puro away lamang. Hindi puro sagutan sa media. Maganda siguro kung saka-sakali ay maunawaan ng isa't isa ang kanilang kinatatayuan."

Ang MTRCB ay isang ahensiyang madalas nasa sentro ng kontrobersiya dahil sa mga batas na ipinatutupad nito kaugnay ng wastong pananalita at imaheng katanggap-tanggap na ipakita sa lipunan, lalo sa mga musmos at may murang edad.

Handa na ba ang bagong MTRCB chairperson sa posibleng kakaharaping kontrobersiya o pakikipagtunggali sa media at mga kabahagi ng Pinoy showbiz?

"Alam ko na magkakaroon ng ganyang pagkakataon," sagot niya. "At inihahanda ko po ang aking sarili.

"Ang lagi ko lang sinasabi, basta sa aking pananaw, sa abot ng aking makakaya at sa aking konsensiya, kung alam kong patas ang aking pagtingin, at palagi kong pinangangalagaan kung ano ang makatarungan, kahit na magulo pa, sa bandang huli, sa tingin ko ay mauunawaan din ng mas nakararami ang punto ng gagawin natin.

"Sa tingin ko, ang mas mahirap maunawaan ay kung magiging makasarili lamang ang ating kilos. Ito ang mas lalong makakagulo [sa sitwasyon].

"Hindi rin dapat iniisip ang political repercussions kundi ang dapat iniisip palagi ay ano ba talaga ang tama sa implementing rules and regulations—ano ba ang tama para sa mga magulang? ano ba talaga ang tama para sa mga producers?

"Hindi mo maaaring pagbigyan lahat," diin ni Chairperson Llamanzares.

"Pero sa bawat circumstance, sa bawat mga mangyayari, merong palaging tama at mali. So, kailangan lang pag-aralan kung ano po talaga yun."

NEW BOARD. Ang mahalaga, at aware dito si Chairperson Llamanzares, ay maglilingkod siya bilang pinuno ng MTRCB ayon sa mga panuntunang naitakda ng batas.

"Yes, at nasa interpretasyon 'yan," pagsang-ayon niya. "May mga iba na literal. Pero may mga iba naman na subject to interpretation.

"Kaya kinakailangan na ang mga ilalagay sa Board ay malawak ang pag-iisip at merong kanya-kanyang expertise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Merong para sa mga bata. Merong para sa mga NGO [non-government organization]... Basta, dapat fair interpretation."

Ayon din kay Chairperson Llamanzares, nasa proseso ang ahensiya ng pagbubuo ng kaukulang bilang ng manunungkulan sa MTRCB sa ilalim ng bagong administrasyon.

"Sa ngayon po, holdover ang mga dating board members," pag-inform pa niya sa PEP.

"Hinintay ko talaga na magrekomenda ang iba't ibang mga grupo bago ako nag-submit [ng mga pangalan] sa Pangulo for his consideration.

"Baka meron din tayong nakaligtaan na maaari nilang idagdag," pahabol niya.

FPJ COMMEMORATIVE STAMPS. Samantala, bago matapos ang aming interview ay in-inform at nag-imbita na rin si Chairperson Llamanzares sa pormal na paglulunsad ng National Artists Series sa Philippine Postal Office sa November 10, ganap na ika-10 ng umaga.

Ang okasyon ay magtatampok sa formal launch ng "FPJ Commemorative Stamps" na dadaluhan ng MTRCB chairperson at ng kanyang ina na Ms. Susan Roces.

Bukod kay FPJ, mayroon ding commemorative stamps para sa iba pang yumaong National Artists, gaya nina Levi Celerio at Nick Joaquin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN