Maja Salvador trains under athlete Elma Muros for her first indie film, Thelma

"Kaya ko po tinanggap ito para mai-prove na may iba pa akong kayang gawin at ipakita. Yun po ang challenge sa akin na maipakita ko sa inyo na kaya ni Maja na gumawa ng indie film," says Maja Salvador about accepting the indie film, Thelma.


First indie film ni Maja Salvador ang Thelma, produced by Time Horizon Pictures in cooperation with Abracadabra Productions and directed by Paul Soriano.

Kaya naman excited na ang young actress sa shooting nila na magsisimula na next week. Sampung araw raw silang magsu-shoot sa Ilocos Norte para kunan ang ilan sa mahahalagang eksena sa pelikula.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang press si Maja sa presscon ng Thelma kagabi, November 4, sa Dulcinea restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Bukod kay Maja, present din sa presson sina Direk Paul Soriano at ang iba pang cast ng pelikula na sina John Arcilla, Eliza Pineda, at Elma Muros. Kasama rin sa cast si Tetchie Agbayani, pero hindi siya um-attend.

FIRST INDIE FILM. Kaagad na tinanong ng PEP kay Maja kung paano siya nakumbinsi na tanggapin ang title role sa Thelma. Bago kasi ito ay panay mainstream movies at ABS-CBN teleseryes ang ginagawa niya.

"Nung dumating itong Thelma, si Mr. M [Johnny Manahan of Star Magic], sinabi sa handler ko na may movie si Direk Paul na indie film nga. Gusto raw ako yung gumanap.

"Tapos yun, hanggang sa nag-meeting kami ni Direk Paul, ikinuwento niya sa akin yung story. Tapos nagandahan ako, na-inspire ako doon sa kuwento pa lang ni Direk Paul.

"Kumbaga, bago para sa akin kasi first time ko gumanap na runner ako. Tapos makikita n'yo dito sa movie na ito yung halos true-to-life na nangyari sa buhay ng mga totoong runners," paglalahad ni Maja.

Natsa-challenge din daw kasi si Maja sa pelikulang ito.

"Gusto ko kasi ibang Maja yung makita n'yo, yung ibang akting ang makita n'yo. Hindi yung sasabihin n'yo na nakita n'yo na yung akting ko na yun sa TV," saad niya.

Paliwanag pa ni Maja, "Kaya ko po tinanggap ito para mai-prove na may iba pa akong kayang gawin at ipakita. Yun po ang challenge sa akin na maipakita ko sa inyo na kaya ni Maja na gumawa ng indie film."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TURNING DOWN OTHER INDIE OFFERS. Ayon kay Maja, marami na raw offers sa kanya para gumawa ng indie film, pero tinatanggihan niya ito. Ano ba ang dahilan?

"Marami na pong dumating na offers na indie films, pero hindi ko po nagugustuhan yung istorya, kasi po halos lahat medyo sexy," sagot niya.

Dagdag pa ng Kapamilya actress, "Yung istorya, kumbaga, hindi ko kayang gawin. Hindi ko kayang gampanan yung character kasi hindi puwedeng dayain yung sexy scenes.

"Pag indie kasi, kung ano yung natural, yun ang ginagawa. Unlike kasi sa TV at sa mainstream movies, puwedeng suggestive lang yung sexy scenes.

"So, hindi ko po matanggap yung ibang offers kasi hindi ko nakikita ang sarili ko na gagawin ko po yun.

"Gusto ko pag tinanggap ko ang isang proyekto, yung magagampanan ko nang maayos yung ipinapagawa sa akin na hindi against sa gusto ko."

Hindi rin daw malaking isyu kay Maja kahit na maliit ang talent fee niya sa Thelma dahil limited lang ang budget ng isang indie film.

"Ako po kasi, pag mahal mo yung trabaho mo, hindi na po usapin yung pera, e," sabi ni Maja. "Basta maganda po yung gagawin mong trabaho, yung gagawin mong proyekto.

"Kung alam mo naman na ikakaganda ito ng career mo, tapos yung mga kasama mo pa matutulungan kang gumaling bilang isang artista, hindi ko na po iniisip yung pera.

"Basta naman gusto ko yung trabaho, yung istorya, wala naman po akong reklamo."

Nakikita rin daw ni Maja ang sarili niya sa kanyang character bilang Thelma. Hindi man bilang isang atleta kundi ang damdamin at pagkatao ni Thelma.

"Yun ang pagkakapareho namin ni Thelma," banggit ng young actress. "Tatakbuhin ko talaga kahit gaano kalayo matapos ko man lang o makuha ko ang pangarap ko para sa akin at para sa pamilya ko. Para masabi ko man lang na ang ganda ng itinakbo ng career ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TRAINING UNDER ELMA MUROS. Para mas maging makatotohanan ang pelikula at bilang paghahanda na rin sa kanyang role, kailangang sumailalim ni Maja sa training para sa isang athlete. May regular schedule ng training si Maja sa Ultra Sports Complex sa Pasig.

Ang trainor niya ay walang iba kundi ang champion athlete na si Elma Muros-Posadas, na gumaganap din bilang trainor ni Maja sa Thelma.

Gaano kahirap ang training niya?

"Ay naku, si Coach Jojo [Posadas, asawa ni Elma] at saka si Ms. Elma, grabe talaga!" bulalas ni Maja.

"Feeling ko tuloy pagkatapos nitong movie, parang gusto ko na ring sumali sa mga fun run o kaya tumakbo.

"Tapos, nakakatuwa pag sinasabi nila na nakakasunod daw ako agad dun sa training. Tapos yung porma raw, kuha ko raw.

"Gusto ko kasi yun, e. Bilang isang runner, ayoko yung nagpipilit.

"Ayun, sa tulong ni Ms. Elma at saka ni Coach Jojo, nailalabas naman nila yung athlete in me.

"Masarap sa pakiramdam yung tine-train ka nila kasi alam mo na maganda yung kakalabasan kapag nakinig ka sa kanilang maigi sa mga itinuturo nila."

Paano siya nai-inspire kay Elma?

"Nai-inspire ako pag sabay kami sa pagtakbo sa training ni Ms. Elma," sabi niya. "Tapos habang nasa training kami, nagpapakuwento kasi ako kay Ms. Elma ng mga nangyari sa buhay niya.

"Tapos yung sa movie din, halos parehas... Hindi naman parehas na parehas, pero nakikita niya rin sa movie na Thelma yung nangyari sa kanya noon. Yung mga struggles sa buhay.

"Kaya mo bang iwan yung pamilya mo sa probinsiya para abutin ang mga pangarap mo? Yung tatakbo ka talaga para tapusin yung finish line para masabi mo na naabot ko yung pangarap ko. Itong pangarap na ito maganda ang maibibigay nito sa pamilya ko."

ADMIRING DIREK PAUL. Bagamat hindi pa talaga nagsisimula ang shooting nila para sa Thelma, malaki na ang paghanga ni Maja sa direktor niyang si Paul Soriano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Si Direk Paul, nakakatuwa kasi lagi siyang kasama sa training. Talagang nakikitakbo.

"Kung ano yung ginagawa ko, ginagawa din niya. Kung nahihirapan ako, nahihirapan din siya. Talagang sumasabay siya sa training.

"Sinasabi niya nga, 'Sabay tayong tumakbo.' Sa aming lahat, 'Let's run together,' sabi niya para daw magandang lumabas yung pelikula."

Hindi ba siya nag-aalala na maintriga sila o ma-link sa isa't isa ni Direk Paul?

"Ano ba 'yan? Ate Toni [Gonzaga], I love you so much!" natatawang sagot ni Maja, na ang tinutukoy ay ang gifrlfriend ni Direk Paul.

Pero ani Maja, "Siguro po hindi maiiwasan na may mang-iintriga. Pero wala po...

"Ngayon pa lang, sinasabi kong walang kapupuntahan ang intriga na 'yan kasi malaki po ang respeto ko kay Direk Paul, malaki ang respeto ko kay Ate Toni.

"Magsasama kami ni Direk Paul para gumawa lang ng isang magandang pelikula. Yun lang po yun at huwag nating lagyan ng malisya. Huwag nating lagyan ng kuwento," mariin niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN