Claudine Barretto on sister Gretchen: "Siguro, what's best is that she just talks about her own life, her own love life, kesa sa pag-usapan niya ang tungkol sa samahan namin ng mister ko."

"I find it so funny and strange na they can say that, as if parati silang pumupunta sa bahay namin at nakikita nila ang nangyayari sa relasyon namin ni Raymart," mariing sinabi ni Claudine Barretto tungkol sa intrigang hiwalay na sila ng mister niyang si Raymart Santiago.


Natuloy na kaninang hapon, November 5, ang taping ni Claudine Barretto para sa toprating primetime series ng GMA-7 na Bantatay. Naganap ang taping ni Claudine sa Volunteer's Park sa loob ng Subic (Subic Bay Metropolitan Authority) sa Zambales.

Sa naturang serye ay gaganap si Claudine bilang Sheila, isang veterinarian na tutulong sa asong si Bantay. Sa alagang aso na ito namamalagi ang espiritu ni Bernardo, na ginagampanan naman ni Raymart Santiago, ang mister ni Claudine sa tunay na buhay.

Ipapalabas ang one-week guest stint ni Claudine simula sa Lunes, November 8.

Sa naging panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Claudine matapos makunan ang isang eksena niya kasama si Raymart, sinabi nitong masaya siya na natuloy na ang taping niya para sa Bantatay.

Excited daw ang aktres dahil paborito nilang panoorin ng kanilang mga anak na sina Sabina at Santino ang show.

"Pinapanood talaga namin ang Bantatay," sabi ni Claudine. "Natutuwa ang mga bata na napapanood nila ang daddy nila, lalo na kapag na loob siya ni Bantay.

"Nire-record pa namin ang mga episodes. We watch it again kapag nasa bahay na si Raymart.

"Gusto ko kasi ang tinatakbo ng story ng Bantatay, kaya hindi na nila ako masyadong pinilit na mag-guest sa series. Kumbaga, naibenta na nila sa akin yung role na Sheila. Wala nang pilitan pa."

Pagpapatuloy ng aktres, "Siyempre, bilang suporta sa mister ko, magge-guest ako sa show niya. Ginawa naman niya 'yan noong mag-pilot ang drama anthology ko na Claudine. Kaya tulungan lang kaming mag-asawa."

TAKING A BREAK. Halos dalawang buwan namahinga si Claudine pagkatapos ng kanyang self-titled drama anthology at ng movie niyang In Your Eyes kasama sina Richard Gutierrez at Anne Curtis.

Desisyon daw ni Claudine na magpahinga muna dahil nagkasunud-sunod ang kanyang trabaho.

"Ganyan naman talaga ako," sambit niya. "I always take a break lalo na kung alam kong masyado na akong nawiwili sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm also a mother kaya mas iniisip ko ang mga nawawalang time ko with my kids. Since I started nga with Claudine, tapos sumabay pa yung In Your Eyes, marami akong time na nawala na kasama sina Sabina at Santino.

"They always ask me kung nasaan ako. Minsan sasabihin nila, 'Mommy, you have work again?' So, minsan talaga, as a mother, nagi-guilty ka. I try to make it up to them naman.

"Nataon pa ngang pareho kami ni Raymart na may ginagawa sa GMA-7. So they don't see us together parati sa bahay, unlike noong hindi ako busy pa.

"So, I said nga na after Claudine and the promo for In Your Eyes, I will take a break muna. Kahit na one or two months para makabawi lang sa mga bata.

"Marami kasi akong nami-miss out sa mga bata. Ako pa naman, ayoko yung mahuhuli ako sa anumang bago na ginagawa nila."

HINDI NAGTATAGO. May intrigang lumabas na kaya raw nawala sa eksena si Claudine ay dahil sa pagkakasangkot niya sa ilang masalimuot na isyu.

Kasama na rito ang mainit na pinag-usapang away nila ni Angelica Panganiban at ang balitang hiwalay na raw sila ni Raymart.

Paliwanag ni Claudine, nagkataon lang na during her break, biglang pumutok ang mga kontrobersyang ito.

"It happened kasi all at the same time," sabi niya. "I was taking na my break from work, tapos bigla ngang dumating 'yon.

"Hindi naman kasi dapat lalaki 'yon. Pero, for whatever reason, it happened and it really got ugly.

"Mabuti na lang at tapos na lahat ng mga commitments ko sa TV that time kaya umiwas na lang ako."

Dagdag ng aktres na lumaki sa bakuran ng ABS-CBN, "Hindi ko naman masasabing nagtatago ako kasi hindi naman ako pumunta sa ibang bansa. I was just here and nakikita naman ako ng maraming tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi ko lang talaga sinasagot ang tungkol sa issue na 'yon. I was advised na tumahimik na lang because lalaki pa nang husto yung issue.

"I already said naman what needs to be said. Tama na 'yon. Kung sasagot pa ako nang sasagot, hindi matatapos, e.

"So, tama naman ang naging advice sa akin, and the issue eventually died down. Though may mga nagtatanong pa rin, umiiwas pa rin ako sa pagsagot sa mga 'yon."

INIYAKAN NANG HUSTO. Sinabi ni Claudine sa PEP na iniyakan niya nang husto ang isyu nila ni Angelica. Sumama raw talaga ang loob niya dahil ang involved dito ay itinuturing niyang kapatid sa industriya.

"I really cried over it," sabi niya.

Dagdag pa niya, "Si Raymart nga, nakikiiyak na rin sa akin kasi he knows how much I was hurt during those times.

"Wala naman kasi akong magawa, e. I need to be quiet about it kaya dinaan ko na lang sa pag-iyak. Until now naman, I still cry over it, pero hindi na yung sobra."

Kinastigo rin niya ngayon ang ilang taong hindi niya pinangalanan: "Ang masakit kasi ay marami ang nakisawsaw sa issue. Hindi naman dapat, di ba? May mga lalaki pang sumali sa usapan. So, it made it even worse.

"But day by day, I cope with it and I have my husband to tell me that everything will be all right.

"Kapag naririnig mo kasi 'yan mula sa taong mahal mo, it makes things better, di ba? Alam mo na someone is there to protect you kahit saan man kayo makarating."

PROUD KAY RAYMART. Humanga rin daw si Claudine sa pag-handle ng mister niyang si Raymart sa isyung ito.

Ayon sa kaniya, hindi raw nagpakita si Raymart ng anumang outburst. Mas nangibababaw raw ang pagiging mahinahon nito sa pagharap sa problema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento pa ni Claudine, "Sinasabi nga nila sa akin na kung nangyari ito noong bata-bata pa si Raymart, baka ang dami na niyang inaway. Mainitin daw kasi ang ulo niya noon, lalo na kapag sa tsismis na walang basehan.

"But I am proud of my husband kasi nga ipinakita niya na walang dapat na magalit, or magkaroon ng exchange of bad words. He remained cool throughout.

"Siya kasi ang sumasagot for me and bumilib ako sa pag-deal niya sa naging problema ko. He's ready to fight for me, pero in a decent and non-violent way."

Bagamat sinasabi ni Claudine na naging mahinahon ang kanyang mister sa pag-handle ng sitwasyon, taliwas ito sa naging pahayag sa PEP ni Gretchen Barretto, ang kapatid ni Claudine.

Ayon kay Gretchen, hindi naging mahinahon si Raymart kay Angelica Panganiban, ang kaaway ni Claudine nang panahong iyon.

Sabi ni Gretchen, "napagsalitaan nang masama at napagtaasan ng boses ni Raymart" si Angelica. (CLICK HERE to read related story.) Ito rin ang usap-usapan sa Kapamilya network noon, lalo na sa paligid ng set ng Banana Split, kung saan isa sa mga stars ay si Angelica.

HER SISTER GRETCHEN. Hiningan ng PEP ng reaksiyon si Claudine tungkol sa sinagot ni Gretchen kamakailan, nang tanungin ito tungkol sa isyu na hiwalay na sina Claudine at Raymart.

"No comment" at "ayaw ko kasing magsinungaling" ang isinagot ni Gretchen sa tanong.

Ano ang masasabi niya rito?

Sagot ni Claudine, na walang pagbabago sa mukha ngunit mariin ang pananalita: "Regarding that nga, I find it so funny and strange na they can say that, as if parati silang pumupunta sa bahay namin at nakikita nila ang nangyayari sa relasyon namin ni Raymart.

"The truth is, it's been a long time since we've talked to one another. Matagal na kaming hindi nagkikita or nagbabalitaan, so paano siya makakapagsalita nang gano'n?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malinaw na may ibig ipahiwatig si Claudine, ngunit pinanatili nitong malumanay ang pananalita, sabay payo kay Gretchen: "Siguro, what's best is that she just talks about her own life, her own love life, kesa sa pag-usapan niya ang tungkol sa samahan namin ng mister ko."

Dagdag ng bunso nina Mike at Inday Barretto, "I have respect for my family. As much as possible, kapag tinatanong ako about it, I will say na things are okay with us.

"It may not be perfect, but as far as I am concerned, okay kami. Walang problema with my family."

REUNION MOVIE WITH MARK ANTHONY. Ibinalita naman ni Claudine sa PEP na sisimulan na ang shooting para sa reunion movie nila ng ex-boyfriend na si Mark Anthony Fernandez.

Wala pa raw itong title, pero sa pagkakaalam ni Claudine ay hango sa isang popular love song ang magiging title.

"Magkakaroon pa muna kami ng story conference para malaman namin ang story. This month na kami mag-uusap-usap.

"Definitely, sa 2011 na ito ipalalabas. I think it's for Valentine's day. Malalaman ko siya within this month," masayang pagbabalita ni Claudine.

Isa raw si Raymart sa nag-push kay Claudine na gawin ang movie project with Mark. Wala naman daw problema kay Raymart dahil trabaho raw 'yon at hiling ito ng fans nina Claudine at Mark.

"That's how supportive Raymart is," pagkuwento ni Claudine. "Kaya blessed siya with Bantatay, e.

"Isa siya sa nagsabi na gawin ko because it will make many people happy, lalo na ang mga fans namin ni Mark na nandiyan pa rin after so many years.

"Tsaka tapos naman na ang anumang issue ko with Mark. Nagkaroon na ng closure when he guested sa Showbiz Central at nagharap kami after so many years.

"Then we did the last episode for Claudine. Doon na namin na-feel na everything's okay. Wala nang ilangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We are now friends again, and the movie will be a special thing for our renewed friendship."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN