Shaina Magdayao reunites with Ang Tanging Ina co-stars for movie's "last" installment

Shaina Magdayao is not bothered by her love scene with Jason Abalos in Alyna. The young actress explains, "'Yong treatment naman ng scene namin, sobrang careful naman ang pagkakagawa, hindi naman siya bastos."


Tuwang-tuwa ang young actress na si Shaina Magdayao dahil nagmistulang reunion ang ikatlo at sinasabing huling installment ng hit comedy movie ni Ai-Ai delas Alas na Tanging Ina.

Ang dating child star na si Yuuki Kadooka, na nagmula pa sa Japan, ay magbabalik din sa Ang Tanging Ina Mo Rin: (Last Na'To).

At magbabalik din ang mga hindi nakasama sa ikalawang installment, Ang Tanging Ina N'yong Lahat (2008), tulad nina Nikki Valdez, Marc Acueza, at Kaye Abad.

Ang panganay na anak ni Ai-Ai sa pelikula, na si Marvin Agustin, ay ipinagpaalam din mula sa executives ng GMA-7 upang makasama sa pelikulang ito ng Star Cinema, na kalahok sa 2010 Metro Manila Film Festival (MMFF).

"Sobrang saya!" nakangiting sabi ni Shaina nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa set ng pelikula kagabi, November 4, sa Star City sa Pasay City.

Patuloy pa niya, "Nakumpleto kaming mga kapatid ko. And ever since naman, 'yong environment namin, para kaming isang pamilya—from our director, si Direk Wenn [Deramas], to our assistant director, hanggang sa staff.

"Kasi, 'yong staff namin sa part one and two, sila rin 'yong nandito. So, parang isang malaking pamilya kaming nagtratrabaho, kaya it's always fun."

Kung noong una ay "para lang kaming naglalaro," ayon kay Shaina, malaking pagbabago sa bawat karakter ang ipapakita sa ikatlong pelikula ng Tanging Ina. Mas nag-mature din daw ang pakikitungo sa isa't isa ng bawat miyembro ng cast.

"'Yong closeness namin, mas naging mature ang conversations namin. Siyempre, these past few years, marami ring pinagdaanan kami mismo. So, iba rin ang nase-share namin. Kasi noong una, parang laro lang ang ginagawa namin. So, definitely better!" paglalarawan ni Shaina.

Kaya naman kapag naiisip ni Shaina na last installmant na ang ginagawa nilang pelikula, "Nakakalungkot isipin na parang last na talaga.

"Kasi, para kasi kaming naging pamilya talaga. Nakikita n'yo naman sa kung paano kami off-cam. Kung paano kami on-cam, mas grabe pa kami off-cam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Yong kaming magkakapatid, parang magkakapatid din talaga kami. Si Direk Wenn [Deramas], kasama talaga namin sa pamilya, si Mama Ai, parang mama talaga namin. Si Ate Uge [Eugene Domingo], parang ninang talaga namin.

"Mami-miss ko definitely ang buong team namin."

Samantala, hindi naman ikinaila ni Shaina ang kanyang panghihinayang na hindi makakasama sa pelikula si Heart Evangelista. Si Heart ang tumayong ikaapat na anak ni Ai-Ai sa Ang Tanging Ina.

Nang tanungin ng PEP at ng iba pang media groups kung bakit hindi nakasama ang ngayo'y Kapuso actress na, nagtataka rin siyang sumagot.

"Alam n'yo, ang alam ko talaga, kasama siya. Even before we started, they said na, 'Finally!' Kasi nga, sa Part Two, hindi kami kumpleto. So, sabi namin sa Part Three, at last, makukumpleto kami.

"But I don't know the reason kung bakit bigla na lang wala si Heart. Sana mas kumpleto na kami. Sayang, pero at least, 'yong kuya namin dito, si Kuya Marvin, kasama namin," saad ni Shaina.

WORKING EVERY DAY. Sa pagitan ng bawat eksena na gagagawin, sinasamantala ni Shaina ang pagkakataon upang magpahinga sa kanilang dressing room.

Ayon sa dalaga, isang linggo siyang nagtratrabaho ngayon.

Bukod sa Ang Tanging Ina Mo Rin, abala rin si Shaina sa taping ng MMFF entry ng Regal Films, ang Shake Rattle and Roll XII. Kasama rin sa kanyang mga ginagawa ang pinagbibidahan niyang teleserye, ang Precious Hearts Romances Presents Alyna.

"Grabe ang trabaho ko talaga, 'yong workload ko," sabi ni Shaina. "Pero kapag nandito ako sa set [ng Ang Tanging Ina], nawawala ang pagod ko kasi puro tawanan lang kami, ang gaan-gaan lang."

Bagamat halos wala nang panahon si Shaina para sa kanyang sarili, hindi naman ito iniinda ng dalagang aktres. Bagkus, natutuwa pa siya dahil ibig sabihin daw ay may trabaho pa rin siya.

"At the end of the day, parang worth it din 'yong pagod ko. Kasi at least, mayroong trabaho ngayong Pasko, na napakaimportante.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Dapat kasi, by November tapos na ang Alyna, e. Pero dahil nga sa pagtanggap ng mga tao, na-extend kami hanggang next year.

"So, kahit gaano kahirap, sabi ko, at least lahat ng staff namin, lahat ng crew namin, may trabaho ngayong Pasko! Alam naman natin na 'yon ang importante, na mayroon tayong trabaho para sa pamilya natin kapag Pasko."

DARING ALYNA. Sa kabilang banda, napag-usapan din kung gaano ka-daring ang karakter ni Shaina sa TV series na Alyna.

Aminado ang dalaga, "Compared to my roles before, definitely mas daring siya."

Gayunman, hindi raw ito ikinababahala ni Shaina. Aniya, "I don't think it's that daring kasi hindi naman ako nagpapakita ng skin masyado roon sa show. Ni two-piece [swimsuit] nga, hindi ko nagawa.

"Siguro, sa sensuality lang, pagdating lang sa story, kasi nga very mature lang ang plot namin. Siguro, doon lang. Doon lang naging senswal. But other than that, hindi naman.

"Ako, basta ang sinasabi ko, basta maganda ang story, ang director namin, Direk FM Reyes, na napakagaling, respetado ng lahat, it was such an honor working with him.

"Trusted ko rin naman ang aking leading men, sina Sid Lucero and Jason Abalos, magaling pareho."

Samantala, tinanong namin si Shaina kung nagiging isyu ba sa kanila ng kasintahan niyang si John Lloyd Cruz ang pagtanggap ng mga ganitong uri ng role.

Natawa si Shaina at sinabing, "Alam naman namin ang trabaho namin ever since, so walang problema doon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN