Angel Aquino's friendship with Gretchen Barretto deepens during the making of Magkaribal

"Kapag nasa set siya, buhay na buhay ang set. She likes to play around. She likes to feed people. Alam na alam mo kapag nandiyan na si Gretchen sa set. Excited na ang lahat ng tao," paglalarawan ni Angel Aquino tungkol sa Magkaribal co-star niya na si Gretchen Barretto (inset).


Magkasabay na dumating sa dedication ng ELJ Communication Center (ELJCC) kagabi, November 4, ang Magkaribal co-stars na sina Angel Aquino at Gretchen Barretto.

Obviously, isang magandang friendship ang nabuo sa dalawa kahit magkaaway ang roles nila sa nabanggit na ABS-CBN primetime series, na magtatapos na ngayong gabi, November 5.

Sabi nga ni Angel sa PEP (Philippine Entertainment Portal) during the event, "Actually ako, konting-konti lang ang mga nagiging kaibigan ko sa industry.

"Kasi, nakikita n'yo naman, labas-pasok lang ako dito. Hindi n'yo nga ako nakikita nang nakababad.

"Ngayon lang sa soap na ito na sobra akong na-attach... Kay Bianca Manalo, kay Gretchen lalo na... Si Gelai [Bea Alonzo] told me some secrets that I never thought, you know, she'd share with me.

"So, I guess, may mga friendships talaga rito sa Magkaribal na nabuo."

THE CONTROVERSIAL SHAMPOO PICTORIAL. Ayon kay Angel, sila raw ni Gretchen ay unang nagkaroon nang chance na magkasama sa kanilang Pantene commercial na naging controversial din at that time.

Matatandaang nagkaroon ng intriga sa pagitan ni Gretchen at ng kasama nila sa commercial na si Dawn Zulueta, habang nagpi-pictorial para sa isang fashion magazine noong 2006. Kasama rin nila noon si Ruffa Gutierrez. (CLICK HERE to read related story.)

Kuwento ni Angel, "Natatandaan ko, we had a one hour or even longer na phone call kasi pinag-uusapan namin yung mga intrigang nangyari do'n sa shoot.

"So, kahit papaano, noong time na yun, something brought us together na rin. Tapos, mas lumalim lang noong nag-Magkaribal na kami.

"Lalo pa kasi nagkaroon kami ng workshops. So, lumabas lahat ng apprehensions namin sa sarili. Kung ano yung totoong kami.

"So, yun, na-appreciate ko talaga 'yun."

ANGEL'S REVELATION. May revelation pa si Angel tungkol kay Gretchen: "Nakakatakot siya kapag nagagalit siya!"

Kuwento niya, "Kasi, may anger exercise 'yan, e. Parang let out your biggest anger.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Noong nakita ko siya, napatahimik ako kasi dapat sabay kami noon na mag-vent. Pero noong makita ko siya, napatahimik ako. Wala lang, nakakatuwa.

"Doon ko nakita yung totoong siya. Kasi, she loves deeply. So, madali rin siyang masaktan," paglalarawan ni Angel tungkol sa kaibigan.

Sinabi rin ni Angel na nakakatakot man magalit si Gretchen, hindi naman daw ito madaling magalit.

"She's actually very pasensiyosa. And very gracious to every one," banggit niya.

"Kapag nasa set siya, buhay na buhay ang set. She likes to play around. She likes to feed people.

"Alam na alam mo kapag nandiyan na si Gretchen sa set. Excited na ang lahat ng tao.

"Meron kaming mga clips na, 'O, we're professional here, we're striving for perfection.' Lahat 'yan galing kay Gretchen.

"And she makes me smile and I'm really glad that I got to see her beyond the Gretchen that you hear on the news or you see on TV."

GRETCHEN'S GENEROSITY. Na-experience din daw ni Angel ang pagiging generous ng isang Gretchen Barretto.

"Ay, oo, grabe!" sambit ni Angel.

"Si Victoria? I remember noong last day namin, yung mga ibinigay niya sa staff was really... Hindi lang siya yung mga basta-bastang mga gamit, pero talagang something that someone will cherish at alam mong galing talaga sa puso niya.

"And not just on the last day! Halos every day, meron 'yang surprise na pagkain...Cake. 'Yung kalahati niyan kay Angel.'

"We always look forward to her coming because alam naming it's a treat when she's there."

PLAYFUL GIRL. Nagpapasalamat si Angel na dahil din sa Magkaribal, nadagdagan ang mga kaibigan niya.

"I thank God na naayos din yung gusot na yun," sabi ng actress-model, na ang tinutukoy ay ang issue sa pagitan nina Gretchen at Angelica Panganiban.

"Kasi, si Gretchen naman, she's such a playful girl. She likes playing around. Ano lang siya, malambing... Not just to the guy, not just to me, but to everyone of us.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At siyempre, parang nira-ride along niya yung character niya as Victoria. And I'm glad that Angelica saw that.

"She] finally realized na ganoon talaga ang trabaho natin, may kasama talagang ganoon at naintindihan niya yun—sa wakas!

"At ako," patuloy ni Angel, "I admire that she [Angelica] came up on TV and told about her realization. I thought that was really brave and gracious of her."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN