KC Concepcion admits that Sam Milby is her good friend

May usap-usapan na magkakatambal sa isang teleserye sina KC Concepcion at Sam Milby. Pero hindi pa man sigurado kung matutuloy ito, ngayon pa lang ay nali-link na sa isa't isa ang dalawang Kapamilya stars.


May balitang kumakalat na ang makakatambal ni KC Concepcion sa kanyang susunod na teleserye sa ABS-CBN ay ang Fil-Am actor-singer na si Sam Milby.

Kung matutuloy ito, hindi na magiging katakataka na, as early as now, mali-link sila sa isa't isa.

Hindi naman itinatanggi ni KC na close sila ni Sam noon pa man.

"Marami ba ang na-surprise?" nakangiting tanong ni KC nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa dedication ng Eugenio Lopez Jr. Communication Center (ELJCC) sa loob ng ABS-CBN compound kagabi, November 4.

Kuwento niya, "Nag-start ang friendship namin sa ilang common friends. Marami kaming mga kaibigan na noong una kong datíng dito [sa ABS-CBN], sila agad ang nakilala ko.

"Si Sam... I think, kalalabas pa lang yata niya ng PBB [Pinoy Big Brother] noong dumating ako rito.

"Pero hindi kami agad naging close, naging friends. Kasi, hindi naman namin ine-effort na magkita kami, yung gano'n.

"And then, a few months passed... parang, di ba, may mga friends ka rin na hindi mo maalala kailan kayo nagkita, kailan kayo nag-swak? Yung gano'n? Gano'n yung kay Sam!

"Ang alam ko lang, sobra kaming magkasundo ngayon."

Noong unang pagkakita niya ba kay Sam ay nagustuhan niya agad ang personalidad nito?

"Kay Sam, mahirap lapitan," sabi ng bagong Star Magic talent. "Kasi, sa Araneta [Coliseum] yata kami nagkita. Tahimik lang, tapos typical na Amerikano, na yung hindi naman siya masungit, pero hindi agad friendly."

Pero bago man ang pagsasamahan nilang show—kung matuloy nga ito—ay na-link na sina KC at Sam noong 2008. Si KC pa nga ang naiturong dahilan daw ng breakup ni Sam at ng dati nitong girlfriend na si Anne Curtis.

"I remember, oo, ina-ambush [interview] niyo ako sa Araneta, sa likod..." pagbabalik-tanaw ni KC.

"Ano nga ba ang nangyayari noon? Parang, bago akong datíng, so lahat ng mga girls and boys, pini-friend ko at saka pini-friend din ako. Kahit papaano, wala pa akong kilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, isa siya sa sobra kong nakasundo, kaya napagbintangan ako. Pero wala, sobrang friends talaga yung turing namin sa isa't isa—especially at that time."

Kung matuloy ang KC-Sam project, tiyak na marami ang mag-aabang kung ano naman ang mangyayari sa relasyon ni KC sa nali-link sa kanya ngayong si Piolo Pascual.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN