Raymart Santiago and Claudine Barretto want to put an end to recent controversies surrounding their marriage

Raymart Santiago and Claudine Barretto look forward to spending Christmas with their kids Sabina and Santino.


Magandang balita ang bumati kay Raymart Santiago sa set ng early primetime series na Bantatay. Mae-extend kasi ng three more weeks ang series dahil sa magandang performance nito sa ratings.

Dagdag pa rito, makakasama niya ang kanyang asawa, ang kilalang artistang si Claudine Barretto, sa series as a special guest star for next week.

Claudine will play a veterinarian na tutulong kay Bantay (the dog persona of Raymart). Mapapalapit ang character ni Claudine kay Bantay.

Pinuntahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng ibang pang entertainment writers kahapon, November 5, ang set ng naturang TV show na ginagawa sa Subic Bay sa Zambales. Sabay na nagpa-interview ang mag-asawa.

"Hindi kami love team dito," biro ni Claudine.

Sabi ni Raymart, hindi sila magkakaeksena ng kanyang misis. Pero present siya sa mga eksena na ite-tape ni Claudine with the Labrador Retriever na gumaganap bilang Bantay.

"Ako yung makikita ng tao. Si Claudine hindi niya ako makikita. Panget naman na nagsasalita yung dog. Sa umpisa siguro, nandoon ako," sabi ni Raymart.

"Actually, nabibigyang buhay ko ang role na patay," pahayag ng aktor.

Madali naman daw para kay Claudine na tanggapin ang guest role sa show ng kanyang asawa. Nag-guesting na rin daw kasi dati si Raymart sa weekly drama anthology ng aktres na entitled Claudine.

"Pinapanood kasi namin every day," sabi ni Claudine tungkol sa serye ni Raymart. "Siyempre support talaga. Palitan lang kami."

Bukod sa kasama niya ang kanyang asawa sa series, natutuwa si Raymart na halos kumpleto din ang cast ng 1986 film Angelito San Miguel: Ang Batang City Jail, na kinatampukan niya.

"Kulang na lang si Keempee [de Leon]. Nandiyan si Kier [Legaspi], si Joko [Diaz], at si Gary [Estrada]."

Sabi ni Claudine, sinasama pa ni Raymart sa set ng Bantatay ang dalawa nilang anak na sina Sabina at Santino. Dapat sana raw ay kasama nila ang dalawa nang araw na dumalaw ang PEP ngunit nagkaroon daw ng pagbabago sa scheduling ng mga eksenang kukuhanan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ang set namin, sa Tagaytay. Nagpa-book na ako ng hotel doon. Ngayon, kailangan ng airport kaya pumunta [kami] dito. Plano pa ng mga kaibigan ko na mag-beach pa sa may Taal. Kaya after nito, derecho naman kami ng Tagaytay."

Dagdag ni Claudine, "Kasama ng mga kaibigan namin yung dalawang bagets."

FACING ISSUES AND CONTROVERSIES. Hindi raw naman nagsisisi si Claudine sa naging desisyon niya na lumipat sa GMA-7 mula sa ABS-CBN, na naging bahay niya ng labimpitong taon.

Matagal naman na mainstay ng Kapuso network ang kanyang asawang si Raymart.

"Happy ako. Kasi every after na gumagawa ako ng pelikula or TV show, talagang nag-i-stop ako para makapagpahinga. Lalo ngayon, sobrang hectic. Kasi may mga days dati na hindi na ako nakakatulog talaga. Pagkatapos ng taping e, didiretso ka naman sa shooting ng movie," sabi ni Claudine.

Mas naa-appreciate raw niya ngayon, na sa GMA-7, may time na siya para sa pamilya.

"Naghananap na nga ng kapatid [si Santino]," hirit ni Raymart.

"Makulit na nga. Sinasabi na 'I want baby,'" susog ni Claudine.

Sa saya raw ng kanilang buhay pamilya, natanong ang dalawa kung hindi ba sila nagagalit sa gumagawa ng mga intriga na naghiwalay na silang mag-asawa.

"Matagal na iyon," sabi ni Claudine.

Dagdag naman ni Raymart, "Siyempre, kahit papaano, naapektuhan din kami. Siyempre, tatawag din yung pamilya mo.

"Kwento ka nang kwento na hindi. Kasi napanood daw nila. Nabasa daw nila," dagdag ni Claudine.

"Hassle din," sabi ni Raymart.

Hindi naman naiwasan sa pag-uusap with the couple kung tapos na nga ba ang mga unos sa buhay nila. Naharap kasi ang dalawa sa ilang kontrobersiya, lalo si Claudine tungkol sa isyu with her sister Gretchen and ABS-CBN star Angelica Panganiban.

Napaisip nang ilang sandali si Claudine bago sumagot.

"Minsan. Minsan meron pa," sabi niya.

Sinalo ni Raymart ang misis niya, "Para sa amin, wala na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hiningan din si Claudine ng kanyang nararamdaman ngayon na si Raymart ang nagsasalita para sa kanya. Nangyari ito noong away nina Claudine at Angelica.

Sa birthday party last week ni Annabelle Rama, nag-ambush interview ang mga entertainment press sa kanya. Ngunit si Raymart pa rin ang nagsalita that time.

"Of course, feeling mo na parang napoprotektahan ka," pauna niya.

"And kahit andami mong gustong sabihin or andami mong gustong isigaw at may sarili kang side, hindi mo pwedeng sabihin. Pero since he's there, kahit papaano, yung message nasasabi."

Nagdagdag si Raymart, "Pero, siyempre, may mga bagay rin na hindi mo nasasabi lahat. Ang babae kasi maraming iniisip. Ang lalaki kasi, derecho na sa punto. Kung minsan, mayroon ka rin na hindi nasasabi."

Matagal din raw bago nakapagsalita si Raymart, ayon kay Claudine.

"Akala ko kasi mawawala nang ganun lang. Marami lang kasing nakisawsaw," sabi ni Raymart patungkol sa sigalot sa pagitan ng misis niya at ni Angelica.

Gusto na rin daw ng aktor na matigil ang mga usapan tungkol sa awayan na kinasangkutan ng misis niya.

"Sasabihin ko na lang, yung mga tsismis na ganun. Wala naman katotohanan yun," panimula niya.

"Sinabi ko naman sa interview, na tumawag sa akin yung lalake at naging kaibigan ko rin naman 'yon. 'Uy Raymart, may tsismis na ganito, hindi totoo iyon.' E, kampante naman ako na hindi talaga totoo iyon.

"So, sa akin, bakit ko papatulan ito, e, hindi naman totoo. Inisip ko, sa pananahimik ko, e, titigil na ito. Hindi ko lang in-expect na lalaki nang ganoon."

Nang magsalita na si Raymart, tumahimik bahagya ang isyu. Ngunit, kung titingnan ang ilang nangyayari pa ngayon, hindi pa ito natutuldukan.

Halimbawa, hindi pa rin nakikita ni Claudine na magbabati sila ng kapatid niyang si Gretchen.

Sabi lang nito, "Kaya nga siguro, ganito na lang muna. Bahala na. You never know."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN