John Manalo wants to work on a movie with his uncle Jericho Rosales

John Manalo admits he turned down TV5's offer out of gratitude to ABS-CBN, his home network. "Mas gusto ko po dito kasi dito na ako lumaki. I was nine years old po nung mag-start ako sa Goin' Bulilit. Pero 7 years old pa lang ako ay lumalabas na ako sa ABS-CBN. Ngayon po [ay] 15 na ako."


Masayang-masaya si John Manalo nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng teen cast ng Mara Clara. Ginanap ito noong Biyernes ng gabi (November 5) sa 14th Floor ng ELJCC building sa ABS-CBN compound.

Very thankful si John sa break na ibinigay sa kanya ng ABS-CBN para mapabilang sa bagong teen cast ng Mara Clara kung saan katambal niya ang fellow Goin' Bulilit co-stars niya na si Julia Montes who plays Clara.

Kasali rin ang isa pang co-star niya sa Goin' Bulilit na si Kathryn Bernardo, who plays Mara in the Kapamilya teleserye directed by Jerome Pobocan.




TURNING DOWN TV5'S OFFER.
Tinanong ng PEP si John kung ang offer to do Mara Clara ang naging dahilan kaya hindi siya lumipat sa TV5. May balita kasi na inalok siya ng TV5 na pumirma ng kontrata sa Kapatid network.

"May offer po ang TV5 pero guest role lang ito. Hindi po ako pumirma kasi may contract pa kami sa ABS-CBN. Siyempre may utang na loob po ako sa ABS-CBN kasi dito po ako lumaki. So hindi po kami lumipat," paliwanag niya.

Pero talagang gusto kang kunin ng TV5?

"May offer po sila pero... may na utang na loob kami sa ABS-CBN [at] mas gusto ko po dito kasi dito na ako lumaki. I was nine years old po nung mag-start ako sa Goin' Bulilit. Pero 7 years old pa lang ako ay lumalabas na ako sa ABS-CBN. Ngayon po [ay] 15 na ako."

Masaya ka naman sa mga roles or projects na ibinibigay sa iyo?

"Opo, kahit na po anong role tatanggapin ko for ABS-CBN. Alam ko naman po na hindi ako pababayaan... na bibigyan ako nang mas challenging na role kaya very thankful ako sa ABS-CBN," paglalahad pa ni John, who played Sharon Cuneta's son in the 2008 movie, Caregiver.


EDUCATION REMAINS A PRIORITY. Pero kahit na abala siya sa Mara Clara remake ng ABS-CBN, hindi naman daw pinabayaan ni John ang kanyang pag-aaral. May oras pa rin siya sa kanyang studies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Opo, nag-aaral pa rin po ako kahit na nag-aartista ako... Kailangan mag-aral kasi hindi naman po permanente ang showbiz. Kailangan may back-up po," wika ng 15-year-old na pamangkin ni Jericho Rosales.

Pero masaya si John na napili siya to be a part of Mara Clara kahit na dumaan din siya sa audition to get the role that was portrayed by Christopher Roxas sa original series.

"Opo, sobrang saya po [ako] kasi mother of all teleseryes ang Mara Clara, di po ba? Tapos primetime pa po. Minsan lang po mabigyan ng ganyan kagandang break ang mga batang katulad namin kayo po masaya kami," sagot ng bagets.

Ano ang naging reaction mo nang malaman mo na kasali ka sa cast ng Mara Clara?

"Sobrang honored po kasi napakalaking karangalan and privilege po na makasama sa cast ng Mara Clara. Kaya nga po mas pinagbubuti ko pa ang pagganap kasi ayoko pong mag-mimic ng character. Iba na ang kultura ngayon at iba na po ang pagtakbo ng show kaya mas mabilis po siya," sagot ni John.

Paano no inihanda ang sarili mo for the role?

"Binasa ko po ang script. Ni-relate ko po ang character sa bawa't isa. I play the role of Christopher Roxas. Nagpapasalamat din po ako sa kanya dahil parang ipinagkatiwala po niya sa akin ang role niya.

"Nagkausap din po kami kasi nakasabay ko siyang mag-jogging sa Marikina Sports Center kasi taga Marikina rin po sila. Si Ate Gladys [Reyes] nakasama ko po siya sa ibang shows like Habang May Buhay kaya parang close din po kami," kuwento ni John.

Kumusta naman katrabaho si Julia Montes?

"Ay, napakabait po niya. Ibang klase po siya. At saka matagal na po kaming magkasama sa Goin' Bulilit pa. Mga bata po kami ay friends na kami. Sa tuwing after ng show, lumalabas-labas po kami. Nanonood kami ng sine kaya parang wala na pong pressure sa aming dalawa to work together," wika ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okay lang ba sa iyo na gawin kayong love team ni Julia?

"Okay na okay po sa akin kasi matagal ko na po siyang ka-loveteam. Kahit sa Goin' Bulilit pa lang ay magka-loveteam na kami. Kahit dati pa, nung bata pa kami, kami na talaga ang pinagpa-partner. Pero this time, sa Mara Clara, ang role ay serious na," dagdag pa ni John.

So made-develop na kayo ngayon kasi may love angle na ang kuwento nila sa Mara Clara?

"Hindi po natin alam pero siguro po masyado pa kaming bata para sa ganoon," nakangiting tugon ni John.



ENCOURAGEMENT FROM JERICHO ROSALES. Natanong rin si John kung ano ang nararamdaman niya pag ikinukumpara siya sa uncle niya na si Jericho Rosales.

"Masaya po ako kasi napakagaling po ng tito ko. Siya po ang inspiration ko."

Does he feel pressured when he is compared to his uncle?



"Hindi po, kasi kamag-anak ko naman po siya. Mahal na mahal po niya ako at mahal na mahal ko rin po siya. Pinupuri niya po ako kaya po parang iyon ang pinanghahawakan ko na mas galingan ko.

"Pag napapanood niya ako, nagte-text po siya sa akin na ang galing-galing ko. E, siya po pinapanood ko rin. Ang masasabi ko po, ibang klase po siya. Hanga ako talaga sa kanya," pahayag ni John.

Nagkasama na ba kayo ni Echo sa isang TV show?

"Sa MMK [Maalaala Mo Kaya] po pero ang role po na ginampanan ko ay young Jericho. Pero hindi po niya alam na ako yung gaganap na young Echo. Nagulat na lang po siya nang magkita kami sa taping. Matagal na po iyan. Bata pa po ako.

"Tapos nagkasama rin kami sa isang commercial. Hindi rin po niya alam na nag-VTR ako. Pero ngayon pong malaki na ako, wala pa po kaming TV project na magkasama kami. Binibiro ko nga po siya na sana gumawa kami ng movie together," sagot ni John.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Gusto ko pong gumawa ng movie [para] nakatatak sa iyo. Last movie ko po na ginawa ay A Journey Home with Toni Gonzaga, tapos I was also a part of Mano Po 6," pagwawakas niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN