Dingdong Dantes is confident his relationship with Marian Rivera remains strong

"I'm very confident na we're very much in love and nothing is wrong," says Dingdong Dantes about his relationship with Marian Rivera.


Malugod na tinanggap ni Dingdong Dantes ang mga panibagong responsibilidad na binigay sa kanya ng National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ng Philippine Management Association of the Philippines (PMAP) kung saan siya ay tatayo bilang isang huwaran para sa mga kabataan.



Para kay Dindong, mainam daw ito dahil maaring isabay niya ang advocacy na isinusulong ng kanyang pinamumunuan na Yes Pinoy Foundation.



"Medyo natuwa ako doon kasi isa talaga 'yon sa plano ng Yes Pinoy, to really go around and promote our projects.

"So, kanina, parang pwede naman naming gawing pareho... the same advocacy with different agencies and institutions backing us up," sabi ni Dingdong sa interbyu matapos ang press conference na hinanda para sa kanya kaninang hapon, Nobyembre 6, sa Cerchio Restaurant, Scout Limbaga, Tomas Morato sa Quezon City



Bukod dito, isang oportunidad din umano ito para sa 30-year-old actor na maipakita sa publiko na ang mga artista ay may kakayahan ding tumulong para sa ikabubuti ng bansa.



"I believe [people] should not be one-dimensional. If you're good in your craft, you should go beyond that. That's what I'm doing.



"For the NCCA, kinuha nila ako to help promote the culture and the arts. Siyempre, [I'm] part of the movie industry [and] the movie industry is part of the arts... naniniwala ako sa yaman ng Filipino talent," sabi ni Dingdong.



"My advocacy is to promote our talents, not only here but also abroad. So, everything starts from oneself. Ako, bilang isang aktor, doon ako magsisimula.



"Lahat may kinalaman sa isa't isa, e. The arts are related to youth empowerment which is [important to] nation-building."



Samantala, muli namang itinanggi ni Dingdong ang mga sabi-sabi na kaya niya ito ginagawa ay dahil may balak siyang sumabak sa pulitika.

Paliwanag niya, "We all have to get out of our comfort zone. Hindi porket kuntento na tayo sa trabaho natin, e, titigil na tayo roon. Kung mayroon namang kakayahan na gumawa ng iba, mayroon namang kakayahan na tumulong sa ibang cause, bakit hindi?'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



STRONGER RELATIONSHIP WITH MARIAN. Sa kabilang banda, inamin ni Dingdong na sa lahat ng kanyang ginagawa, kasama na ang mga proyekto sa labas ng showbiz, isa ang kanyang girlfriend na si Marian Rivera sa nagbibigay sa kanya ng inspirasyon.



"Kapag ni-relate nga natin sa arts, if you're an artist, it starts with an inspiration," wika ni Dingdong.



Isang patunay ito na mali ang mga napapabalitang nagkakalabuan na sila ng kanyang kasintahan.



Sa katunayan, dinepensa pa ni Dingdong, "We are at the strongest point in our relationship right now. Hindi namin nararamdaman kung ano yung... I'm very confident na we're very much in love and nothing is wrong. I mean, it's not a perfect relationship but there are more positive than negative things."



Para kay Dingdong, hindi na rin raw bago ang ganitong uri ng balita tungkol sa kanila ni Marian.



Kung tutuusin, kasama na raw iyon sa pagiging public personalities nila. Dagdag pa niya, "We [have] to share with the public and the media, parts of our relationship. So, medyo expected na mayroong konting stumbles na mano-notice ng tao.

"At maaari [itong] ma-misinterpret. That's why it's also good for me, and it's also my responsibility, to clarify things."



Kaya naman sa huli, siniguro ni Dingdong na walang problema sa relasyon nila ni Marian kahit pa hindi na sila magkakasama sa kanilang mga susunod na proyekto sa telebisyon.



Paliwanag niya, "May tiwala na kami sa kanya-kanya naming kakayahan, sa kanya-kanya naming gustong mangyari. At saka mature na kami so, tiwala na lang talaga.


Si Dingdong ay magsisimula nang mag-taping para sa dramedy series sa Kapuso network na I Heart You Pare. Makakapareho niya rito ang Asia's Songbird na si Regine Velasquez.

Habang si Marian naman ay gagawin ang Undin sa Tubig para sa kanyang susunod na proyekto sa GMA-7. Huling nagkasama ang dalawa sa local adaptation ng Koreanovela na Endless Love.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN