Grace Poe offers her fate in politics to her late father, Fernando Poe Jr.

May 9, 2016
<p>Iniaalay ni Senator Grace Poe ang kanyang kapalaran sa botohan sa namayapang ama na si Fernando Poe Jr. Dumaan muna si Senator Poe sa puntod ng yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino sa Manila North Cemetery bago siya bumoto sa San Juan City.</p>

Bandang tanghali ngayong araw, May 9, ay nakaboto na si Senator Grace Poe sa Sta. Lucia Elementary School sa San Juan.

Halos 15 hanggang 20 minuto ang itinagal ng senadora sa voting precinct.

Pero bago siya bumoto ay dumaan muna si Grace sa puntod ng kanyang amang si Fernando Poe Jr. sa Manila North Cemetery upang magpasalamat.

Continue reading below ↓

(Screen Grab from TV5)

Sabi ng standard-bearer ng Team Galing at Puso, “Dahil naman talaga sa kanya ito, e.

“Hindi naman ako makikilala ng ating mga kababayan kung hindi dahil sa kanya.

“Kaya nga hinahandog ko rin ito sa kanya.”

Pagkatapos daw ng araw na ito, gusto ni Grace na magkaroon ng salu-salo kasama ang lahat ng mga tumulong sa kanya sa kampanya.

Continue reading below ↓

Sabi pa niya, “Para sa akin, ang pinakamahalaga sa kampanyang ito, unang-una, nagpakita tayo kung ano yung ating mga plataporma para makatulong sa ating mga kababayan, lalo na yung mga mahihirap, mga naapi.

“Pangalawa, na naging maayos ang pagpapatakbo sa ating sarili, hindi ko winala ang aking sarili at ang aking paninindigan para sa kampanyang ito.

“At pangtalo, sa tingin ko, e, nakita ko rin na kaya ko rin pala ang lahat ng mga hamon na ito.”

Matapos bumoto, umuwi muna sa kanilang tahanan ang senadora para makapagpahinga at dito na rin daw sila maghihintay ng resulta ng bilangan.

Read Next
Read More Stories About
Grace Poe
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
<p>Iniaalay ni Senator Grace Poe ang kanyang kapalaran sa botohan sa namayapang ama na si Fernando Poe Jr. Dumaan muna si Senator Poe sa puntod ng yumaong Hari ng Pelikulang Pilipino sa Manila North Cemetery bago siya bumoto sa San Juan City.</p>
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results