Aljur Abrenica helps a waitress in distress

"Kuya Aljur, thank you sa lahat! Malaking utang na loob ko sa iyo. Basta thank you," a tearful Rosalinda Tuban, who fell and hit her head, tells Aljur Abrenica (in photo) who not only brought her to the hospital, but he also paid for her hospital bills.


Ayon sa report ng StarTalk TX kahapon, November 6, hindi inaasahan ni Rosalinda Tuban, a 20-year-old waitress, na magiging customer sa restaurant na pinapasukan niya sa Scout Ybardolaza St. sa Quezon City ang aktor na si Aljur Abrenica.

Subalit ang lalong hindi inasahan ni Rosalinda ay ang mga sumunod na pangyayari.

"Nagse-serve po ako sa kabilang table, tapos nadulas po ako, may ice akong naapakan. Tapos, sila yung nakakita. Hindi ko na kasi nalaman at nawalan ako ng malay," ayon sa kuwento ni Rosalinda sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX.

Tumama ang ulo ni Rosalinda sa isang poste ng restaurant na kanyang pinagtatrabahuhan.

"Tapos yung puwet ko nauntog diyan sa semento, tapos nawalan ako ng malay. Paggising ko nakaupo na ako doon sa bandang pintuan, tapos sila yung tumulong sa akin pumuntang ospital.

"Dinala ako ni Aljur sa ospital tapos siya na ang nagbayad lahat, hinintay niya hanggang matapos ang x-ray ko tapos hinatid niya ako pabalik dito.

"Hinatid niya ako dito kasi sabi niya kung saan niya ako kinuha doon niya ako ihahatid.

"Nagpapasalamat kami sa kanya, sabi nga ng kasamahan ko, 'Pasensiya na po sa abala!'

"Sabi niya, 'Walang anuman!' Tulong daw niya iyon," ayon pa sa kuwento ni Rosalinda.

At ang muling pagkikita nina Rosalinda at Aljur ay naganap sa StarTalk TX kanina kung saan live na nag-guest ang dalawa.

Unang kinausap ng host na si Joey de Leon si Aljur.

Ayon sa StarStruck hunk, palagi siyang nagpapabili sa naturang restaurant pero that day daw, galing sila ng kapatid niya sa gym at nag-decide sila [along with their trainer] na kumain sa restaurant.

Sabi ni Rosalinda ay iyon daw ang first time niyang nakita ni Aljur.

Tinanong ni Joey si Aljur kung ano ang naging reaksyon ng ibang tao sa loob ng restaurant nang makita siyang tumutulong dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"'Yung iba nag-panic, yung iba hindi alam ang gagawin pero ni-request talaga namin na dalhin sa ospital nga.

"E ayaw naman naming mangialam kasi hindi naman ako yung may-ari ng place."

And eventually, si Aljur na rin mismo ang nagsugod kay Rosalinda sa pagamutan.

At this point ay tinawag naman ni Joey ang dalaga at kinumusta niya ito at kung ano ang findings ng doktor sa kanyang naranasang aksidente.

"Okay na po. Negative naman raw po, may konting bukol lang po."

Base rin daw sa x-ray ay walang pinsalang tinamo sa ulo ang naturang biktima.

Kinumpirma rin ni Rosalinda na lahat ng ginastos sa ospital ay binayaran ni Aljur.

Nang tinanong naman si Rosalinda ni Joey kung ano ang ginawa ng may-ari ng restaurant, ang sagot niya ay ...

"Ay nagbigay po yung boss namin ng one thousand pesos."

Sandali lang daw sa ospital si Rosalinda at hindi na kinailangang i-confine siya.

Tinanong naman ni Joey si Aljur kung hindi ba ito ninerbiyos at bagkus nga ay gumawa pa ng kabayanihan sa isang taong hindi niya kilala.

Ayon kay Aljur, "Ninerbiyos kami nung nawalan siya ng malay."


Kaya raw pumunta si Rosalinda sa StarTalk ay para muling pasalamatan nang personal si Aljur sa kabutihang ginawa ng binata.

"Kuya Aljur, thank you sa lahat! Malaking utang na loob ko sa iyo. Basta thank you," ang tila naiiyak na pahayag ni Rosalinda.

Na sinagot naman ni Aljur ng...

"Rosalinda, wala naman akong hangad kundi ang makatulong sa kapwa, kung nangangailangan."

Dagdag pa ni Aljur na pagbibiro sa dalaga.

"E nagkataon pa na nadulas ka."

Na ayon nga kay Joey ay parang pinagtiyap ng panahon na kung kailan nadulas si Rosalinda ay naroroon si Aljur.

Kinumusta rin ni Aljur kung nakapagpahinga si Rosalinda at ayon sa dalaga, two days na siyang hindi pumasok sa trabaho para makapagpahinga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN