Elma Muros, celebrity athlete, is now an actress

Elma Muros (left) plays the role of Coach Rose, who trains Thelma, a runner portrayed by Maja Salvador (right) in reel and real life. Says Elma: "Ang performance ni Maja maganda from start to finish. Talagang pinush ko siya. Kasi mahirap sa isang artista ang hindi ma-feel kung ano yung sinasabing 1,500 meters sa long-distance running."


Pinuntahan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang last training day ni Maja Salvador kaninang umaga, November 6, sa Ultra Track and Field Oval sa Pasig City.

Naghahanda ang aktres para sa pelikula na pagbibidahan niya na pamagat ay Thelma, kung saan isang runner ang role niya. Sa Martes, November 9, kasi ay magsisimula na sila mag-shooting sa Ilocos Norte.

Nasaksihan nga ng PEP kung gaano kahirap ang pagte-training na ginagawa ni Maja sa ilalim nina champion athlete Elma Muros at ng asawa nitong si Coach Jojo Posadas.

Kasama nila sa training ang direktor ng Thelma na si Paul Soriano. Present din doon ang producers na sina Rino Que at Samantha Chavez-Que, pati na rin ang isa sa cast members na si Tetchie Agbayani.

MAJA'S COACH. Kinausap ng PEP ang coach ni Maja na si Elma para kumustahin ang performance ng young actress sa training.

"Tumakbo kami ng 1,500 meters. Ang performance ni Maja maganda from start up to finish. Talagang pinush ko siya. Kasi mahirap sa isang artista ang hindi ma-feel kung ano yung sinasabing 1,500 meters sa long-distance running.

"So, I'm very proud of Maja kasi bilang artista mahirap po yun e. Hindi naman siya athlete sa totoong buhay," pahayag ni Elma.

Hinahangaan niya raw si Maja, kaya panay papuri para sa aktres ang bukambibig nito.

"Madali siyang turuan. Kasi tumatakbo na siya sa treadmill. Tapos may muscles na rin siya kasi nagda-dance pala siya. So, madali siyang maka-catch up. Tapos kahit papaano, may endurance na. Yung porma na lang. I'm sure makukuha niya rin yun."

In real life, athletics coach sa Brent International School si Elma at ang kanyang asawa.

FIRST MOVIE ROLE. May special guest appearance si Elma sa pelikula bilang Coach Rose, ang coach ni Thelma, na gagampanan naman ni Maja.

Aminado si Elma na kinakabahan siya dahil for the first time, ay aarte siya sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Bagama't nauna na siyang napapanood bilang isa sa castaways ng Survivor Philippines Celebrity Showdown ng GMA-7, ibang-iba raw yung pakiramdam na sasabak sa kanyang first movie.

"Dito sa Thelma kinabahan ako kasi first time ko talaga ito. Pero sabi ni Direk Paul, parang sarili ko rin naman ang gagampanan ko rito. Bilang coach sa totoong buhay, yun din ang role ko sa movie," paliwanag ni Elma.

"Kaya sabi niya ang kailangan ko lang daw ay i-memorize yung mga linya at ibigay ang tamang emosyon. Nandiyan naman si Direk, I'm sure hindi niya ako pababayaan."

Para sa kanya, ano ang mas mahirap, ang tumakbo o umarte?

"Palagay ko yung umarte. Kasi yung tatakbo ka, sandali lang yun e, mabilis lang yun. Yung umarte, talagang magsasalita ka. Ano ang sasabihin mo? Pero yun nga... naging coach naman talaga ako sa totoong buhay. Kaya siguro magiging madali na rin sa akin."

Ngayong nasimulan na niya itong pag-aartista, tuluy-tuloy na ba ito?

"E kung blessing na ni Lord at gumanda ang pag-arte ko, bakit hindi? Makadagdag din ito ng kikitain ko para sa family ko. Hindi naman kahiya-hiya ito, malinis naman na hanapbuhay ito. Kasi binibigyan ka ng pagkakataon so, i-grab ko din," sagot ni Elma.

Kung papipiliin siya, saan niya mas gusto - sa drama, comedy o action?

"Baka sa comedy siguro. Kasi ako, although mababaw din ang luha ko, mas mabilis akong ngumiti, kasi kikay ako, e."

SHE CAN RELATE. Sabi ni Elma, nakaka-relate daw siya sa story ng Thelma dahil pinagdaanan niya raw ang pagdadaanan ng character ni Maja sa pelikula. Maging si Direk Paul ay sinabi rin na ilang bahagi sa movie ay inspired by the life of Elma.

"Nakaka-touch kasi as a coach and athlete, karangalan mo rin na yung buhay mo ay nagiging inspirasyon sa iba."

SURVIVOR PHILIPPINES. Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Elma sa Survivor Philippines dahil nabigyan siya ng magandang exposure sa naturang show. May mga dumadating na bagong opportunities sa kanya hindi lang sa telebisyon kundi maging sa pelikula nga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Masaya ako sa nangyayari sa buhay ko ngayon dahil binigyan talaga ako ng break ng Survivor."

Ano ang pakiramdam ng marami ang sumusuporta na siya ang manalo?

"E, pasasalamatan ko na. Pero hindi pa po kasi tapos. Mahirap namang mag-judge kasi December 3 pa po yung live finale. So, sa mga gustong manalo ako, thank you," ani Elma.

Sinong celebrity ang naging close sa kanya sa Survivor?

"Halos lahat po sila. kasi wala po talaga akong siniraan sa kanila. Kaya nga po hirap na hirap talaga ang kalooban ko dahil honest kasi ako. Ayokong may masaktan."

Aminado rin si Elma na medyo sumama rin ang loob niya sa ilang castaways lalo na noong mapanood na niya kung ano ang sinasabi ng ilan tungkol sa kanya.

"Syempre noong nandun ka, hindi mo napapansin yung mga usapan kasi nga busy ka rin, e. Pero noong napanood ko na, bakit ganun? Hindi naman ako ipokrita. May naramdaman din akong sama ng loob. Tao lang din ako.

"Pero hindi ko naman dinibdib kasi nag-enjoy naman ako noong nasa isla ako. Marami akong natutunan at humaba pa ang pasensiya ko," aniya.

"Noong pinapanood ko na, grabe pa lang mag-strategize si Aubrey [Miles] at saka si Ervic [Vijandre]. Hindi ko akalain. Pero okay lang, part of the game yun. Fight, fight na lang," natatawang sinabi ni Elma.

Ngayong wala na sila sa isla at nagkikita-kita na lang sila sa mall shows, ano ang reaksyon nila sa isa't isa?

"Wala na yung tampo-tampo," sagot ni Elma. Magkakasama kami sa kainan. Pag nag-uusap, 'A ganun pala ikaw, ha.' Parang nagbibiruan na lang kami. Wala na kaming magawa nandun na yun, pinapanood na lang namin. Nasa-shock na lang kami minsan. Pero okay na kami lahat."

Bukod sa kanyang sarili, sino pa ang isang celebrity castaway na gusto niyang manalo o makasama sa Top 2?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa nakita ko, pwedeng si Aki [Akihiro Sato]. Dahil deserving siya. Naawa rin talaga ako dahil naghirap siya. Feeling ko lang yun, ha. Pero yun nga hindi pa naman tapos. Ang isa pang gusto ko pag sa babae, si Moi [Marcampo]. Sinabi ko talaga sa kanya yun. Sabi ko, 'Moi, gusto rin kita [manalo].'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN