Kristine Hermosa on her wedding to Oyo Boy Sotto: "Secret nga e."

Kristine Hermosa is very guarded about details of her upcoming wedding to Oyo Boy Sotto but PEP (Philippine Entertainment Portal) has snapped a photo of the actress' diamond bling on her left hand (inset). "Secret nga, e. Mababalitaan niyo na lang iyan lahat," she says when pressed to reveal when and where the ceremony will take place.


Special guest si Kristine Hermosa at fellow Star Magic artist na si Megan Young sa opening ng isang bagong outlet ng direct selling company kung saan mga endorsers sila ng beauty products.

Matagal nang endorser si Kristine ng Splash Corp. at nakilala siya bilang nagpo-promote ng mga whitening products nito. Ngayon naman ay make-up line ang kanyang ginagamit.

"I'm very happy to still be with them until now. Sobrang happy ako at kini-keep pa din nila ako," pahayag ni Kristine na medyo pagod dahil sa busy schedule niya para sa teleserye na Noah kung saan kasama siya.

"Sobrang happy din ako for Noah kasi okay ang feedback. Gusto siya ng mga tao. Yun naman ang importante, yung mapasaya namin yung mga tao," aniya.

Sabi ni Kristine na isa sa mga dahilan na maganda ang Noah ay dahil nakatambal na niya si Piolo Pascual in their early years.

"Yung first soap ko with ABS was Sa Sandaling Kailangan Mo Ako. Kasama ko na si PJ [palayaw ni Piolo] doon. Ok naman. Kumbaga kami na yung mga 'lolo't lola' sa teleserye," natawa niyang sabi.

After Noah, hindi pa raw alam ni Kristine kung ano ang next show niya sa Kapamilya network.

"I'm not sure kasi I'm getting married," nadulas na pahayag ng aktres. "Hindi ko pa alam kung ano ang next project ko. Siguro naman up to the end, magiging part pa din ako ng Noah.

NO WEDDING DETAILS, PLEASE. Pilit naman siyang inusisa tungkol sa detalye ng kanyang kasal with Oyo Boy Sotto pero sigurado na next year na gaganapin ang kasal.

"Fun at exciting talaga," nang tanungin siya tungkol sa paghahanda na ginagawa niya. "Saka, medyo nakaka-kaba rin."

Ito ba'y magiging kapareho ng kasal ni Ryan Agoncillo and Judy Ann Santos who only gave notice about their wedding on the day itself?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Very simple, very intimate, and very private," Kristine said. "Kami naman, alam na ng mga tao. We just don't want to share the details talaga. Basta mga kapamilya niya at mga kapamilya ko."

Pero hands-on daw silang dalawa tungkol sa mga detalye ng upcoming wedding nila.

"Pero ina-ask pa din namin ang mga parents namin. Siyempre, mas alam nila iyon, 'di ba? So, kami naman, first time naman namin ito. So, binibigyan nila kami ng advice, kung anuman yung maibibigay nila. Pero siyempre, kami pa rin yung may last say," she said.

Kristine related that she also spends time with the family of Oyo Boy.

"Kapag may time, kapag okay ang schedule ng lahat, talagang we make it a point na talagang magkikita-kita kaming lahat. Kapag Sunday, kung kaya naman ng lahat, we go to church."

SHE'S NOT LEAVING SHOWBIZ. Mayroon mga bridal showers na inihahanda raw para sa kanya ang mga friends niya. May ihahanda raw silang separate party for friends to attend after the wedding. Naitanong kasi kung gusto ba niya imbitahin ang mga ex-boyfriends niya na si Diether Ocampo at Jericho Rosales.

"As much as I want to, kasi naging parte din naman sila ng buhay ko, at si Oyo Boy naman ay may mga naging parte ng buhay niya, separate party na lang. No exes na lang muna," paglilinaw niya.

Natawa na lang din si Kristine nang tanungin siya kung saan gaganapin ang honeymoon.

"Wala pa nga. Kasal muna. Kayo talaga andami niyong mga tanong," naka-ngiti niyang sagot.

But one thing for sure, she won't be leaving showbiz soon after the wedding.

"Gagawa pa rin ako ng mga projects. Pero piling-pili na," sabi ni Kristine.

Hindi rin naman daw siya pinagbabawalan ni Oyo Boy na tumanggap ng projects. Medyo pinagdadahan-dahan na lang daw siya sa trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siguro not like before na minsan, hindi ko na namamalayan na 7, 8 months na pala akong nag-wo-work. Ngayon, kailangan ko i-prioritize yung mga bagay-bagay. Siyempre kailangan priority yung family. So yun, piling-pili na lang yung gagawin ko."

Ayos lang sa kanya ang paglabas niya sa Noah at mga guesting sa ibang shows.

"Okay na muna iyon kasi talagang madugo yung [wedding] preparations," sabi niya.

Importante para kay Kristine ang nakakapag-trabaho pa siya since ito na ang nakagisnan niyang gawain.

"Masarap naman mag-work. Actually, hindi ako sanay na nababakante ako nang matagal kasi nga, since 12 years old ako, heto na yung ginagawa ko. Every day talagang work, work, work.

"Kaya gusto ko rin na may work pa din ako after ng wedding. Siguro, hindi na yung three times a week. Yung hindi sobrang hectic talaga," ang sabi pa ni Kristine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN