Mark Anthony is grateful for the legacy of his father, Rudy Fernandez

The Kapuso network plans to adapt for television, movies of the late Rudy Fernandez, father of Mark Anthony Fernandez (in photo), who hopes to be part of the project.


Nitong katatapos lamang na Undas, nag-ukol ng panahon si Mark Anthony Fernandez upang madalaw ang puntod ng amang si Rudy Fernandez. Ikinatuwa ni Mark Anthony na makitang buhay pa rin ang suporta ng mga tagahanga ng yumaong ama.

"Sobrang nagpapasalamat ako na yung legacy ni papa, laging nasa puso nila.

"Nagpapasalamat din ako kay Papa, na nakagawa siya ng maraming magagandang pelikula, na kahit papaano na-pave niya yung way para sa akin," umpisang pahayag ni Mark sa taped interview sa kanya ng StarTalk TX kahapon, November 6.

Masayang ibinalita ni Mark na mukhang nasa plano na ng Kapuso network ang pagsasalin sa telebisyon ang ilang pelikulang nagawa ng amang si Daboy.

"Pinag-iisipan nila."

Kung sakaling maibigay sa kanya ang proyekto, may naisip na rin si Mark na maaaring maging makatambal niya, kabilang dito ang Little Star co-star niyang si Lovi Poe.

"Nagkaroon na kami ng rapport sa trabaho."

Inamin rin ni Mark na hanga siya sa anak ng yumaong King of Philippine Cinema na si Fernando Poe Jr.

"Sa tuwing nakikita ko siya, parang nakikita ko si Da King, so nakakatuwa parang ka-eksena ko si Da King, ganun.

"Ako talaga completely professional yung paghanga ko sa kanya."

READY TO WORK WITH CLAUDINE. Ang isa pa sa pinaghahandaan ni Mark ay ang muling pagtatambal nila sa pelikula ng kanyang dating nobya na si Claudine Barretto.

"Early January, mag-uumpisa. Hopefully February, tapos na, ready to roll na.

"I think it's still the same as the original plan. If I'm not mistaken, isa sa mga classics ni Ms. Vilma Santos."

Aminado si Mark na kabado siya sa gagawin nilang pelikula ng dating kasintahan.

"Mas nananaig ang tensyon ng konti, dahil siyempre pelikula iyan, iba ang pelikula sa TV, tsaka talagang pulido, dapat pulidung-pulido."

Samantala, taliwas naman sa mga bali-balita, dahil ayon kay Mark, walang kaso sa kani-kanilang asawa ang gagawin nilang pagsasama ni Claudine sa pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw siyang nakikitang magiging problema sa asawa ni Claudine na si Raymart Santiago.

"Okay na okay kami ni Raymart, walang problema at tsaka hanga talaga ako sa kanya kung paano siya maging gentleman sa akin."

Si Melissa Fernandez naman na asawa ni Mark ay hindi rin daw affected sa napipintong muling pagtatambal nina Mark at Claudine.

"Suportado rin naman niya, actually medyo excited na rin siya, gusto niyang magawa na rin yung pelikula para hindi namin masyadong, kumbaga, napapaghintay yung mga tao."

Aminado siya na dumaan din sa pagsubok ang relasyon nila ng asawang si Melissa.

Pero ito ang nais linawin ni Mark...

"Napagdaanan rin namin yung napagdaanan ng ibang mag-asawa. Buti maganda ang kinahantungan katulad ng ibang mag-asawa din, at nalampasan din namin iyon.

"Once and for all, wala kaming problema, okay na okay kami," pagtatapos pang pahayag ni Mark sa StarTalk TX.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN