Vilma Santos celebrates 57th birthday with constituents and fans

Vilma Santos says she feels truly blessed and couldn't wish for anything more. "Hindi na material things, the mere fact that we're all together... Iyon lang ang ipinagdarasal ko, basta ganito lang kami Lord, happy na ako!"


Ang inakalang pamisa lang organized by her constituents and fans in celebration of her 57th birthday last Wednesday, November 3, turned out to be a grand event for Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

"I truly, truly appreciate it! Fifty-seven years, I've been very, very blessed," ang masayang bungad na pahayag ni Governor Vilma sa taped interview sa kanya kahapon ng StarTalk TX sa GMA-7.

Wala na raw materyal na regalong minimithi pa si Governor Vi.

"Hindi na material things, the mere fact that we're all together, we really had a nice time in Korea, the family is intact.

"Sa akin, kung nagdarasal ako, iyon lang ang ipinagdarasal ko, basta ganito lang kami Lord, happy na ako!"

Ang hindi alam ng marami, nag-leave of absence ang actress/governor due to health reasons.

"Yung back pain ko noong mayor pa ako, kung naaalala ninyo, bumalik! Maybe because napagod ako, because nagpunta ako sa different municipalities. 'Di ba nagkaroon ng alert level 1 ang Taal namin?

"Pero I'm better now, I'm better now."

Naging paksa rin sa interview ng StarTalk TX ang anak nina Governor Vi at Senator Ralph Recto na si Ryan Christian, now 14 years old, na kinakikitaan na raw ng political inclination.

Magiging very supportive naman raw ang mag-asawa if ever pasukin ni Ryan balang-araw ang pulitika.

"Basically, by example nakikita niya 'yung trabahong ginagawa ko, 'yung trabahong ginagawa ng nanay niya," saad ni Senator Ralph.

Ayon naman kay Governor Vi...

"Unang-una, matalino, makarinyo sa tao. Walang taong pinipiling kausap iyon. Kung diyan rin ang pupuntahan niya, I think kaya niya."

Inamin naman ni Ryan na interesado nga siya sa mundong ginagalawan ng kanyang mga magulang.

"Interested naman rin ako sa politics and my favorite subject is Social Studies, so why not," simpleng sinabi ni Ryan.

At 57, wala na raw mahihiling pa si Governor Vilma, pero...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"When it comes to being a public servant, it's a non-stop learning process, marami pa akong puwedeng gawin.

"Sa family wala naman akong ipinagdarasal kundi Lord ito lang, intact lang kami.

"As long as we are safe, we are healthy, iligtas mo lang kami sa lahat ng kapahamakan. I don't aim for more."

MOVIE WITH ATE GUY. Samantala, welcome news naman para kay Ate Vi ang pagbabalik-bansa ni Nora Aunor bago matapos ang taon.

Nang magtungo last year sa Los Angeles, California si Governor Vilma, ang dapat sana'y pagkikita nila ng Superstar ay hindi natuloy.

"That's good for her! E kahit sino naman, mami-miss mo talaga ang bumalik. At tsaka dito ang buhay niya, sa totoo lang, 'di ba?

"Iba, iba ang Pilipinas, so kung babalik siya dito, I think that would be good for her."

Sa tanong naman sa posibilidad na gumawa sila ng pelikula ni Ate Guy, ang sagot ni Governor Vi ay...

"I hope, 'di ba?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN