Caught on video: Mo Twister and Rhian Ramos holding hands

"It just happened na lumalakad kami sa kalye ng Eastwood, hindi sa sidewalk. So siyempre, maraming kotse ang dumaraan. So hinawakan ko na lang yung kamay niya para naman kahit paano... safety," Mo Twister explains why he and Rhian Ramos were holding hands.


Nakausap ng PEP (Philppine Entertainment Portal) si Mo Twister kahapon, November 6, sa taping ng Paparazzi sa TV5, kung saan ay isa siya sa hosts nito kasama sina Cristy Fermin, Dolly Ann Carvajal at Ruffa Guttierez. Inamin ni Mo na totoo ang nasulat na nag-date sila kamakailan sa Eastwood City sa Libis ng nali-link sa kanyang si Rhian Ramos.

Exclusively dating na ba sila ni Rhian?

"I don't know kung exclusively. Siguro itanong ninyo na lang kay Rhian kung exclusively o hindi," sagot ni Mo.

Habang nasa Eastwood at naglalakad ay magka-holding hands sina Mo at Rhian. Pero nang makasalubong nila ang isang host ng Tweetbiz, isa ring talk show na napapanood naman sa QTV 11, ay agad nilang tinanggal ang pagkakahawak ng kanilang mga kamay.

"The reason binitawan namin yung mga kamay namin ay dahil yung lumapit, si Dansen sa Tweetbiz, naka-camera siya. Sabi niya, 'Uy, Tweetbiz ito! Tweetbiz ito!' gumaganoon siya. Siyempre bibitawan namin yung mga kamay namin. Nakakagulat din, di ba?

"And it's okey. Hindi naman kailangang naka-glue yung kamay namin sa isa't-isa palagi. Nagho-holding hands lang naman. Hindi naman kailangang nakayakap kami o magkahawak yung kamay namin forever o sa buong gabi.

KEEPING HER SAFE. "It just happened na lumalakad kami sa kalye ng Eastwood, hindi sa sidewalk. So siyempre, maraming kotse ang dumaraan. So hinawakan ko na lang yung kamay niya para naman kahit paano... safety. Nakita naman sa video na lumalakad kami sa street mismo, umiiwas kami sa mga kotse.

"Pero puwede rin namang i-assume na may gusto kami sa isa't-isa, di ba? Pero hindi naman ibig sabihin din nun na exclusive na kami, that we're formally dating na. Pero oo, nanliligaw na ako sa kanya," ang sabi ni Mo.

Ilang buwan na siyang nanliligaw kay Rhian?

"Matagal na rin, mga months na," sagot ng radio at TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanliligaw pa lang ba siya kay Rhian o talagang may relasyon na sila at ayaw lang nilang aminin?

"Kung ayaw naming aminin, aaminin ko ba sa 'yo ngayon? Nanliligaw pa lang talaga ako," natatawang sabi ni Mo.

Sa tingin ba niya ay may magandang patutunguhan ang panliligaw niya kay Rhian?

"Well, I hope so. Kasi hindi mo naman hahayaan na ang isang lalaki manliligaw, kung hindi rin naman papunta dun di ba?

"So kung mag-work out siya e, di mabuti. Yun nga ang birthday wish ko two weeks ago, na sana sagutin ako ni Rhian.

"Sa ngayon we're very close. Yun nga ang sinasabi namin sa isa't-isa. She's close to me. I'm close to her. Nag-date kami, that's true. Nag-holding hands, yes. Pero hindi naman din ibig sabihin na kami na. Kung sasagutin niya ako, I'll tell everyone kasi good news yun e," ang sabi ni Mo.

Nakikipag-date pa ba siya sa iba bukod kay Rhian?

"No! And I think siya rin hindi nakikipag-date sa iba. But if she is, ahh..."

Masasaktan ba siya?

"A little bit," pag-amin ni Mo. "But she's not the type rin na makikipag-date sa maraming guys e. So I don't think she's dating anyone else. I don't think she's holding anyone else's hand. Pero alam ko na marami talaga ang may gusto sa kanya. I'm not the only one."

Seloso ba siyang boyfriend?

"A little bit. I think everyone is a little bit ahh... seloso. Dapat lang siguro, so you show naman that you care. Yung hindi mo naman pababayaan kahit kanino, di ba?"

KISSING SCENES. So kung magiging sila na ni Rhian, pagseselosan ba niya ang mga kissing scenes nito sa kanyang magiging leading men? Sa mga serye kasing ginawa ni Rhian ay lagi siyang may kissing scenes.

"I'd like sana, if one day, mangyari na maging kami, tapos may mga kissing scenes siya, sana naman yung guy, kahit i-text man lang ako o tawagan ako, 'Pare may kissing [scene] kami. Just want you to know.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi before, I had girlfriends na dramatic actresses din, na pag may kissing scene siya... tumatawag yung guy para sabihin sa akin, 'Oy pare, magkakilala naman tayo, may kissing scene kami, sana naman okey lang sa yo.' Yung mga ganun na tipong nagpapaalam, di ba?" ang pahiwatig ni Mo.

"Kung halimbawa, may kissing scene ako kasama si... let's say Jennylyn Mercado, tatawagan ko si Dennis [Trillo, ang boyfriend niya]. Sasabihin ko 'Dennis I want you to know, you're an actor, we all understand naman mangyayari ito. I want you to know may kissing scene kami ni Jennylyn.'

"I will inform him. Dapat talaga ganoon. Pero kung hindi, okey lang din," pagtatapos ni Mo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN