Jolina Magdangal celebrates her 32nd birthday with an exhibit of 32 photographs and an asalto

Jolina Magdangal says her boyfriend Mark Escueta, drummer of rock band River Maya, spent days organizing her surprise party.


Isang photo exhibit at birthday party ni Jolina Magdangal ang naganap kagabi, November 6, sa Thaipan Restaurant on Tomas Morato in Quezon City. Pagdating nga ng mga guests ni Jolina ay nakita nila agad ang 32 photographs ni Jolina na siya mismo ang kumuha.

Ayon sa singer/actress, ang 32 images na ito ang pinaka-favorite niya among the thousands of photographs na kuha niya.

32 at 32 ang dating ng photo exhibit or 32 photographs sa 32nd birthday ni Jolina.

Tingin ng mga nakakita sa exhibit, tila lumalabas daw ang personalidad ni Jolina sa mga shots niya.

"Alam niyo, hindi ko alam kung nagre-reflect ba ang personality ko sa mga pictures or may istorya ba yun talaga. Ang sa akin lang, basta pini-piktyuran ko siya, sumasaya lang ako," pahayag ni Jolina sa ilang entertainment press kabilang na ang PEP (Philippine Entertainment Portal).

Tinanong namin si Jolina kung nag-e-edit din ba siya ng mga pictures niya.

"Pinaka-edit na siguro diyan... either iki-clear mo ng konti or i-e-enhance mo yung color. Pero hindi ako marunong gumamit ng Adobe Photoshop. Tapos, gusto ko, pagkakuha ko, yun na. At kung puwede, hindi na ma-enhance. Kasi, gusto ko na makita nila kung ano yung nakita ko."

Ano ang mga favorite niyang subjects?

"Ang gusto ko talaga, macro shots. Doon ako nakakita kung paano gawin ng spider ang web. E, takot ako sa spider. Doon ako nakakita kung paano nag-aaway ang mga langgam na malalaki. Eh, takot ako sa mga insekto.

"Pero gusto ko rin ang landscape," aniya.

Ayon kay Jolina, ang 32 photographs sa exhibit ang pinaka-favorite niya sa lahat ng shots niya.

"Marami na kasi akong pictures. Kaya nga siguro naisip na ni Perry [Lansigan] at ng family ko na sige, i-exhibit na. Eh, naiisip ko, kapag sinabing exhibit, napaka-suntok sa buwan sa akin dahil hindi ako pro, tapos, talagang natatawa nga ako kapag sinasabing maganda 'yan. Eh, at least, birthday ko naman kaya pagbigyan na natin, 'di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katulong daw niya ang boyfriend na si Mark Escueta at ang best friend niya sa pamimili ng 32 photographs na ini-exhibit niya.

"Nahirapan akong mamili riyan. Nagkaroon ako ng mga categories. Sineparate-separate ko pa siya: Lahat ng macro, lahat ng plants, lahat ng landscape. Hindi lang ako ang namili."

HOW IT STARTED. Ikinuwento rin ni Jolina kung paano siya nagkaroon ng hilig sa photography. Later na lang niya nalaman na may talent pala siya rito.

"Noong bata ako, mahilig ako piktyuran ng daddy ko. Ako ang nagmo-model talaga. Tapos, noong mga bandang 4 or 5 years ago, sabi ko, parang ang gusto ko yata, ako na ang kumuha ng picture.

"Tapos, ang camera ko noon, point-and-shoot lang. Picture-picture ako noong I Luv New York. Tapos, yung best friend ko, nakita niya. Maganda 'to, palakihan natin 'to, sabi niya. Sige, tuloy mo lang 'yan.

"Tapos, nag-New York kami nila Kuya Kiko [Francis Magalona], e, photographer yun, 'di ba? Sobrang na-inspire ako sa kanya hanggang nagtanong na ako ng camera na magandang bilhin.

"Sabi niya, 'Ito ang bilhin mo.' Ang first SLR ko, yung 400D na Canon. Siya yung may sabi na, ' 'Yan ang perfect sa kamay mo kasi, maliit ka. At handy siya, pero SLR.' Kaya pinagmamalaki ko na [si Kiko] ang nag-inspire sa akin [na mag-photography]."

Aminado si Jolina na malaki ang nakukuha niyang suporta sa boyfriend niyang si Mark Escueta, ang drummer ng River Maya, pagdating sa photography.

"Si Mark yung nag-encourage sa akin na, sige, mag-exhibit ka. Sabi ko nga, dapat tayong dalawa kasi nag-photography din sila ng brother niya. Artist sila.

"So, ang sarap ng feeling na sinusuportahan ka ng ganoon. I could say na na-a-appreciate niya rin yung nakikita ko."

Jolina celebrated her 32nd birthday yesterday, November 6. Is this birthday different from last year's?

"Alam niyo, pangalawang birthday ko na ito na masaya ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hirit namin, dahil ba sa presence ni Mark?

ASALTO. "Siguro... dahil sa mga surprises na ginagawa niya para sa akin. Kagabi, meron siyang asalto. Wala akong kakutob-kutob na may nangyayari na pala sa bahay.

"Inipon niya yung mga naging friends ko na family ng River Maya. Tapos, inipon niya rin ang close friends ko na akala ko, busy kapag Friday night. Nagulat ako na nandoon silang lahat sa bahay."

Wala raw talagang naging feeling si Jolina na may niluluto palang surprise para sa kanya si Mark.

"Nag-band rehearsal kami, e for Party Pilipinas. Tapos, nag-dinner kami sa Trinoma. Oras na ng uwi, ihahatid na ako sa bahay. Pero sabi ko, bakit yung dapat aakyat na kami sa terrace, bakit parang gusto pa rin niyang uminom ng tubig. Yun pala, lahat nasa sala.

"Mabuti na lang wala akong nasabi. Kasi, kung anu-ano ang nasasabi ko kapag nagugulat ako. Pero ito, talagang alam mo, patay lahat ng ilaw tapos, Surprise!" nakangiti niyang kinuwento.

Isang Lumix camera raw ang naging advance birthday gift sa kanya ni Mark.

Naiyak ba siya sa asalto na inihanda ni Mark?

"Ay hindi naman," natatawa niyang sabi. "Kasi, kuwela naman yung mga nandoon. Pero at the end of that day, ramdam ko na masuwerte akong tao dahil sa kanya," sabi ni Jolina.

Dugtong pa niya, "Ang hindi ko lang siguro makakalimutan na palagi niyang sinasabi, 'Basta, kakampi ko siya. Kahit na ano pa ang dumaan sa buhay ko, masaya man o malungkot, basta, kakampi ko siya.' Para sa isang babae, marinig mo yun sa loved one mo, medyo something na yun."

ANOTHER SURPRISE. So, very happy si Jolens?

"Oo, very happy," nakangiti niyang pagsang-ayon.

Dugtong pa niya, "Ang huli kong birthday party, noong debut ko pa. Pero dahil alam ko na masaya ko this year, maraming nangyari sa akin this year, ang daming rason para mag-celebrate. Tapos, naisama pa itong suntok sa buwan na exhibit ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa huli, tinanong namin si Jolina kung posible kayang surpresahin siya ni Mark with a wedding proposal?

Nangiti si Jolens. "Hindi ako nag-e-expect, pero, palagi niya akong sinu-surprise. Kaya pagdating sa mga ganyang bagay, tingnan na lang natin."

Kung sakali, ready na ba siya?

"Parang..." ang nakangiti niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN