Toni Gonzaga thankful to be paired with John Lloyd Cruz in Star Cinema's My Amnesia Girl

Nabanggit ni Toni Gonzaga na nais niya ring gumanap sa isang dramatic role sa hinaharap. Lagi kasing sa light at comedic roles nahahanay ang nasabing Kapamilya aktres.

"Siyempre lahat naman ng actress, pinapangarap natin na magkaroon tayo ng isang challenging na role, na talagang mahahasa saka masusubukan yung abilidad mo bilang aktres. Pero siyempre, dahil sa yun pa lang yung mga available na ino-offer sa 'tin, e di go lang ako ng go," kuwento ni Ton


Nagsimula nang mag-shooting para sa My Amnesia Girl, ang pinakabagong pelikula ng Star Cinema, ang Kapamilya actress na si Toni Gonzaga. Makakaparehas niya rito ang multi-awarded actor na si John Lloyd Cruz, sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina.

Kuwento ni Toni sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at sa pili pang miyembro ng entertainment press, nararamdaman niyang suwerte na makatrabaho si John Lloyd. Nakausap namin si Toni sa shooting ng pelikula sa isang hotel sa Quezon City noong Huwebes, November 4.

Gaganapan ni Toni sa pelikula si Irene, isang babaeng magkaka-amnesia dahil marahil sa pag-ibig.

"Si Irene, lumaki siya nang walang mga magulang kaya very fragile siya, very vulnerable. Kaya pag may lalaking pumasok sa buhay niya, binibigay niyang lahat. Kaya, nung nasaktan siya, talagang masakit para sa kanya. Ayon," kuwento ng aktres.

Saad ni Toni, ngayon-ngayon lamang siya nakapaniwala na si John Lloyd nga ang kanyang kapareha.

"Naalala ko nung sinabi sa akin yung proyektong ito, hindi kasi ako naniwala pa. Hindi pa nag-sink-in, hanggang sa mag-shooting kami, makailang-days. Nung medyo tumatagal-tagal na yung shooting, sabi ko, 'Hay! Totoo na. Totoo na ang mga pangyayari.' So, saka ko lang ninamnam yung mga eksena, yung mga moments. Medyo nagiging at ease na ko."

Naiintindihan na rin daw ni Toni kung bakit itinuturing na magaling na aktor si John Lloyd.

"Ang sarap niyang katrabaho dahil he brings out the best in you. Kaya pala ang husay-husay ng mga pelikula niya, very effective siya, kasi hindi siya selfish na actor.

"Sine-share niya yung mga eksena, sine-share niya yung emotions niya, kaya madadala ka talaga pag nasa eksena ka. Nararamdaman ko talaga na ako si Irene na pag mahal niya ako, nararamdaman ko.

"Kahit ang husay-husay na niya, metikuloso pala talaga siya. At saka, ano, talagang sobra yung passion niya sa trabaho niya, sa craft niya. Talagang inaalam niya yung transition ng emotion ng character n'ya, yung mga pinanggalingan. And from there, natututo ako," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi naman daw nape-pressure si Toni kung maghi-hit man ang pelikula o hindi. Kilala kasi si John Lloyd na box-office king.

"Siyempre inisip ko 'yan nung bago pa ako pinanganak, inisip ko na 'yan," biro ni Toni. "Siguro, kung 'yan lang ang magiging batayan ng isipin ko e, baka hindi ko tinanggap yung proyekto. Baka hindi ko na ginawa. Dahil siyempre, natatakot ako at malaki ang risk. But at the end of the day, siguro you leave everything to God.

"Para sa akin sa panahon ngayon, para mabigyan ka ng ganitong opportunity, siguro maging grateful na lang at maging thankful ako, instead of being pressured. Mas ma-i-enjoy ko yung pelikula."

ON MARIEL. Kamakailan lang ay nabalitang nagkaroon daw ng hindi pagkaka-intindihan sa pagitan nina Toni at ang co-host niya sa Pinoy Big Brother na si Mariel Rodriguez sa 'di malinaw na kadahalinan. Inusisa ng PEP si Toni ukol dito.

Una munang nagbiro si Toni. "Wala naman. Wala namang latest update. Kasi, nagka-amnesia na 'ata ako. Nakalimutan ko na din ang mga bagay-bagay. Masyado ko nang ninamnam 'tong mga pangyayari sa pelikula. Nagka-amnesia na rin ako sa part na 'yon."

Tila pinipili naman ni Toni ang mga salita sa sumunod niyang pahayag. "Matagal nang tapos yun, so I think okay na lahat. Okay na, tapos na. Alam ko naman darating yung araw na ano, maaayos din ang lahat. Actually sinasabi ng tao na hindi kami nagkausap, basta daw lumabas 'to. May mga pag-uusap, pero, hindi nalinaw."

Hiling rin ni Toni na maayos na ang gulo bago mag-Pasko.

"So, hopefully, yun ang Christmas wish ko na maayos na ang lahat kasi ano, mahirap naman na hindi ka okay. Feeling ko darating din yung time na okay na ang lahat," sambit niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN