Mara Clara star Julia Montes admits feeling awkward when asked about love and relationship

Hindi lang raw acting ang talent ni Julia Montes.

"Marunong po ako nang konti ng piano. And then sign laguage. Mahilig ako sa sports katulad ng basketball, swimming. [Mahilig din ako sa] singing, dancing," sabi niya.


Ngiti at tawa lamang ang sinasagot ng tween star na si Julia Montes kapag tinatanong siya ng entertainment press tungkol sa mga isyu ng pag-ibig at pakikipag-relasyon. Bata pa kasi siya, at hindi pa akma para sa kanya ang ganitong mga isyu.

Si Julia ang isa sa mga bida ng bagong primetime series sa ABS-CBN na Mara Clara, kasama ang kapwa tween stars na sina Kathryn Bernardo, Albie Casiño, at John Manalo. Nakausap sila ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang reporters sa presscon ng nasabing show sa ABS-CBN noong Biyernes, November 5.

"Awkward" ang ginamit na salita ni Julia para ipaliwanag kung ano ang nararamdaman niya kapag tungkol sa pag-ibig ang tanong sa kanya.

"Kumbaga wala pa akong experience doon. Siguro crush-crush siguro makaka-relate pa po, pero about love... Natatawa ako parang, hindi ko po alam kung ano ang isasagot," saad ni Julia nang nakangiti.

"Kasi 15 pa lang, e," dagdag niya. "Kaya kanina, parang speechless po ako. 'Di ko po alam kung ano ang isasagot. Parang, wala natatawa lang. Ganun po."

May mga limitasyon din daw ang mga role na kaya niyang gampanan.

"Kiss, po siguro hindi pa ako ready, pero yung mga kilig-kilig ano, medyo ready na po," saad niya. "Sa role, kasi parang si Clara po e, patay na patay na siya kay Christian [Albie Casiño]. So parang iniisip ko na lang po, yung crush ko. Actually minsan inisip ko na siya si John Lloyd, si Kuya John Lloyd Cruz, ganun."

Bakit si John Lloyd?

"Idol ko po kasi siya," sagot ni Julia. "Crush ko po siya, super guwapo. Parang minsan, iniisip ko, siya yung ka-eksena ko, tapos parang, oh my gosh, kinikilig ako."

Idol din daw ni Julia ang isa sa mga naging ka-loveteam ni John Lloyd na si Bea Alonzo.

"Idol ko po si Ate Bea. And then, gusto ko po rin talaga si Kuya John Lloyd. Super kinikilig po ako sa kanilang dalawa. Yung tandem nila, super gustong-gusto ko. Fan nila ako," sabi ni Julia.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

KONTRABIDA ROLE. Ang Mara Clara ay remake ng classic Pinoy soap opera na may parehas din na pangalan. Tampok sa unang bersyon nito sina Judy Ann Santos sa role na Mara, at si Gladys Reyes sa role na Clara.

Si Clara ang ginagampanan ni Julia Montes sa bagong Mara Clara, ang kontrabida na magpapahirap kay Mara, na ginagampanan ni Kathryn Bernardo.

Hindi ba natatakot si Julia na ma-typecast sa kontrabida roles?

"Hindi naman po natatakot," sagot niya. "Kumbaga, parang iniisip ko lang po na sana kung malilinya po ako sa ganun, tuloy-tuloy pa rin po yung mga projects. Tangkilikin pa rin ng tao gaya ng pagtangkilik nila kay Ms. Gladys. Kasi bihira lang po yung mga kontrabida na tinatangkilik ng tao."

Hindi rin daw matatakot si Julia kung maging masama ang tingin ng mga manonood sa kanya.

"Kung nangyari po yun, hindi ako magagalit sa tao. Parang matutuwa pa ako kasi pag nag-react sila nang ganun, ibig sabihin naapektuhan sila sa role ko. Palakpak yun sa mga tenga ng gumaganap na kontrabida," sagot niya ng walang pag-aalinlangan.

Hindi naman daw kasi masamang tao si Julia sa totoong-buhay.

"Kaya nga sa interview ng lola ko, parang sinasabi niya na kapag nagagalit daw ako, nagso-sorry ako agad kasi hindi talaga ako yung super mean. Kung magagalit man ako, may reason," sabi niya.

Kaya naman kinailangan pa niyang mag-practice na maging masungit sa dalawang kapatid na lalaki para lamang makuha ang tamang acting para sa Mara Clara.

"So parang sabi nila, practice okay lang sa amin. E nung nagpa-practice na ako sa kanila, natatakot sila kasi sabi nila, what if kung totoo nga," kuwento niya.

Saka nagso-sorry raw siya agad kay Kathryn kapag nasasaktan niya ito sa isang eksena.

"Opo, nagso-sorry po ako sa kanya. Saka, ano nga po, e. Yun po ang maganda sa tandem naming dalawa. Mas gusto po namin yung tinototoo. Kasi mas nakaka-react," sabi ng tween star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN