Kathryn Bernardo graduates from "the young" roles; she plays Mara, the part which gave Judy Ann Santos her biggest break

Kathryn Bernardo cried tears of joy when she was reunited with Judy Ann Santos during a pictorial for Mara Clara. "Sabi po ni Ms. Judy Ann, 'O Bulinggit, huwag kang umiyak! Ang tawag nila sa akin sa Krystala noon, Bulinggit. So iyon po, natawa ako sa sarili ko na naiyak ako."


Maaaring bansagang "the young" ang teen actress na si Kathryn Bernardo.

Karamihan kasi sa mga nagampanan na niya in the past ay yung mga batang karakter ng mga sikat na aktres sa iba't-ibang soap operas at maging sa pelikula.

Sa Magkaribal, si Kathryn ang gumanap na young Gretchen Barretto.

Ang very first project naman niya ay ang pelikulang It Might Be You bilang batang Bea Alonzo.

Sumunod dito ang Sana'y Wala Ng Wakas bilang young Kaye Abad at sa Vietnam Rose ay siya ang gumanap bilang young Maricel Soriano.

Masuwerte si Kathryn dahil kahit exclusive contract artist siya ng Star Magic ng ABS-CBN ay pinayagan siyang "tumawid" sa kabilang bakod ng GMA-7 at gumanap bilang young Marian Rivera sa Endless Love.

"Kasi po nagkataon lang po talaga na sabay silang ipinalabas, yung Magkaribal at yung Endless Love, [pero] una po tineyping ang Magkaribal.

"Nagpaalam naman po ako siyempre, at thankful po ako sa management dahil nagtiwala po sila sa akin sa dalawang roles na iyon, yung kay Ms. Marian po pati yung kay Ms. Gretchen.

"Nagpaalam po kami before nag-guest sa Endless Love."

"Pinayagan po ako kasi young na role lang naman po so, okay lang po," umpisang kuwento ni Kathryn nang nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa 14th floor ng ELJ building ng ABS-CBN noong Biyernes ng gabi, November 5.

Paano niya kinaya ang mga nabanggit na papel na ginampanan na niya?

"As young Marian po kasi parang yung role ko childish, so nag-workshop po ako tapos iyong pagka-Marian ko po parang ako lang yun, happy-happy, ganun.

"Tapos sa Magkaribal po, mas mabigat yung role na pinagawa.

"Kasi po [as the young Gretchen] malalim po yung pinaghuhugutan [ng emotions] niya. As in hindi po basta umiiyak, kailangan galing talaga sa puso. Kaya natuwa naman po ako kasi naging maganda yung result niya. Kasi po, nahirapan talaga ako dun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos dito naman po [sa Mara Clara], mas mature. Iyakan, sampalan, tapos meron na po kaming mga ka-loveteam, ganun. Parang mas naging teen, naging tween."

BIG BREAK. Sa Mara Clara, bilang si Mara, mabigat ang role niya na ginampanan dati ni Judy Ann Santos.

Nang unang sabihin sa kanya that she will play the role of Mara, ano ang naging reaksyon niya?

"Kinabahan po! Kasi nga ipinagkatiwala sa akin ang role na ito. Tapos po siyempre masaya ako kasi ito po ang naging big break ni Ms. Judai.

"Nagkasama na rin po kami noon sa Krystala, nakita ko po kung gaano siya kabait."

Sa Krystala, gumanap si Kathryn bilang younger sister ni Ryan Agoncillo.

Muling nagkita sina Kathryn at Judy Ann sa pictorial ng Mara Clara, pati sina Julia Montes at Gladys Reyes na gumanap namang Clara ngayon at noon, respectively.

"Before po kami nag-taping, nag-meet po kami, nag-pictorial po kami yung para sa teaser po, na-meet po namin silang dalawa."

Ano ang mga sinabi kay Kathryn ni Judai?

"Ang sabi lang po niya huwag daw sayangin yung break na ibinigay sa akin, tsaka siyempre pangalagaan yung role dahil maganda po talaga yung role na iyon."

TEARS OF JOY. Umiyak pa nga raw si Kathryn habang kausap ni Judy Ann!

"Naiyak nga po ako kasi hindi ko alam, parang tears of joy na kinakabahan talaga ako, hindi ko napigilan.

"Tapos sabi po ni Ms. Judy Ann, 'O Bulinggit, huwag kang umiyak!'

"Kasi po ang tawag nila sa akin sa Krystala noon, Bulinggit. So iyon po, natawa ako sa sarili ko na naiyak ako."

Aminado si Kathryn, matindi ang pressure sa kanya [at maging kay Julia] sa nakaatang na responsibilidad sa kanilang mga balikat bilang si Mara at si Clara.

"Sobrang nakaka-pressure po, sa aming dalawa ni Julia, kinakabahan po talaga kami pero tinutulungan naman po kami sa set kaya kahit papaano, nagiging okay naman po."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya hina-handle ang pressure?

"Iyon, sabi nga po sa akin ni Ms. Judy Ann, huwag daw akong ma-pressure kasi pag nauna yung pressure, baka pangit yung kalabasan ng acting.

"So lagi ko pong tinatandaan yun, so yung script mina-master ko talaga para huwag ako ma-pressure at tsaka ginagalingan ko naman po."

Noon, Si Judy Ann ay nakilala dahil sa galing umiyak at kahusayang umarte. Kayanin kaya ni Kathryn na lampasan o tapatan man lang ang pagiging aktres ni Judy Ann?

"Hindi po siguro lampasan o tapatan. Siya po ang nagsisilbing inspiration para sa akin. Kasi, ang galing niya talagang umiyak, ang galing niya mag-motivate.

"Tuwing may scene po ako sa Mara Clara, parang iniisip ko kung paano rin ako magiging ganun, para huwag masira yung project."

Ang mga bidang young male stars sa Mara Clara ay sina Albie CasiƱo na gumaganap na Christian (na papel noon ni Wowie de Guzman) at John Manalo sa papel naman noon ni Christopher Roxas bilang si Eris.

Napapanood ang nasabing teleserye mula Lunes hanggang Biyernes sa Primetime Bida ng ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN