Roxanne Guinoo returns to showbiz after giving birth

Si Roxanne Guinoo ay magbabalik na sa telebisyon pagkatapos niyang manganak noong September 13.


Pagkatapos ng mahaba-habang pahinga mula sa mundo ng showbiz ay magbabalik na si Roxanne Guinoo. Tampok siya sa isang episode ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya kung saan kasama niya ang actor-director na si Albert Martinez.

Nawala pansamantala sa sirkulasyon si Roxanne nang mabuntis at manganak siya sa una nilang anak ng partner niyang si Elton Yap. Isinilang ni Roxanne ang anak na si Rain Eliana noong September 13 ng taong kasalukuyan.

Sa pagbabalik ni Roxanne sa telebisyon, may intriga agad na hindi raw pabor si Elton dito. Pero nilinaw ito ng 24-year-old actress sa taped interview sa kanya ng The Buzz na ipinalabas kahapon, November 7.

"Hindi naman rason," sabi niya. "May kanya-kanya kaming plano sa buhay. Nagsisikap siya sa trabaho niya, at ganoon din ako."

Pero kahit nagtatrabaho siya, may panahon pa rin daw si Roxanne para sa anak nila na si Rain Eliana.

"24/7 tutok ako sa kanya. Hands-on mom ako at nag-aalaga ako lalo na sa madaling-araw. Breastfeeding din dahil iba kasi maa-attach sa iyo ang bata," pahayag ng aktres.

Ipinahayag din ni Roxanne ang ilang detalye tungkol sa nalalapit na binyag ng kanyang anak kagaya ng mga ninong at ninang. Kabilang dito sina Pokwang, Mariel Rodriguez, Arlene Muhlach, at Smokey Manoloto.

"Probably sa last week ng November," dagdag niya. "Simple lang naman ang binyag, e. Ang importante ay mabinyagan ang bata para mailabas din siya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN