Iza Calzado more comfortable now with two-piece swimsuit in Beauty Queen

"Bago naman kami mag-taping for Beauty Queen, I've been taking care of my figure na. Hindi naman sa nagpapa-sexy, but being physically fit is the right term for it. I'm very active in joining marathons, I work out, and I'm on a special diet. Kaya kahit papa'no, noong isuot ko ang two-piece bathing suit, I feel comfortable naman," says Iza Calzado (in photo, with Luis Alandy) about wearing a two-piece swimusit for a scene in Beauty Queen. &l


Overwhelmed si Iza Calzado dahil sa magagandang feedback at reviews na natatanggap ng pinagbibidahan niyang primetime series sa GMA-7, ang Beauty Queen.

Bukod kay Iza, na gumaganap bilang Maita San Miguel, pinupuri rin ang pagganap ng multi-award-winning actress na si Elizabeth Oropesa at award-winning actor na si Bembol Roco.

Gumaganap si La Oropesa bilang Amparo, ang ina ni Maita; at si Bembol naman bilang si Anya, ang bading na tiyuhin ni Maita.

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Iza sa taping ng big scene para sa Beauty Queen sa Metrobar sa West Avenue, Quezon City last Saturday, November 6, sinabi nito na masuwerte siya at nabigyan siya ng pagkakataon na makatrabaho ang mahuhusay na artista ng Philippine cinema.

"I cannot thank GMA-7 enough sa pagbigay nila sa akin ng role as Maita San Miguel in Beauty Queen because I will never have this chance to work with Tita Oro and Tito Bembol.

"Kung noong bata pa ako, nababasa ko lang sila at napapanood ko lang sila sa TV at sa pelikula, ngayon nakakatrabaho ko na sila. It's every actress' dream na makatrabaho ang mga tulad nilang magagaling. Wala akong masabi talaga sa husay na ipinapakita nila sa show namin," saad ni Iza.

ALL-NERVES WITH LA OROPESA & BEMBOL. Inamin ni Iza na sobra siyang nahiya sa mga eksena niya with veteran actors Elizabeth Oropesa and Bembol Roco.

"Hindi ko kasi alam ang ikikilos ko kapag eksena na namin. Ayokong mapahiya sa kanila at kailangan take one lang talaga!" natatawang sabi ng 28-year-old actress.

"Sinasabi ko nga kay Tita Oro na nahihiya ako sa kanya dahil ang husay-husay niya. Mata pa lang ni Tita Oro, kapag tinititigan niya ako sa eksena namin, para na akong natutunaw.

"Pero mabait si Tita Oro. Sinabi niya sa akin na mahiyain din daw siya noon, pero na-overcome niya 'yon dahil marami ang nagtiwala sa kanya bilang isang artista. Kapag pinagkatiwalaan ka raw, ipakita mo na deserving ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinabi pa niya na huwag akong mahiya dahil ako ang bida ng show. Ipakita ko lang na kaya ko at tama ang desisyon ng network na ako ang kinuha nilang bida. Confidence lang daw ang kailangan naming mga baguhang artista.

"Si Tito Bembol naman," patuloy ni Iza, "natatawa ako sa kanya kasi ang galing niyang mag-shift ng character. Kapag wala kaming take, lalakeng-lalake siyang kausap kapag nagkukuwentuhan kami. Pero kapag take na namin, may transformation siya kaagad as Anya.

"Kaya tawang-tawa ako sa kanya and he is such a brilliant actor talaga."

DIREK JOEL AS IZA'S MENTOR. Sobra rin ang pasasalamat ni Iza sa kanilang director na si Joel Lamangan dahil sa mga magagandang eksena nila sa Beauty Queen.

"Para na nga kaming pelikula and si Direk Joel lang ang makakagawa niyan sa GMA-7," papuri pa ni Iza sa kanyang direktor. "Malaki ang pasasalamat ko kay Direk Joel because of the trust he has given me to portray Maita.

"Ever since naman na nagsimula ako, nandiyan na si Direk Joel to guide me in my performances. He was my first director in my first drama series na Kung Mawawala Ka [2001 to 2003]. I was an inexperienced actress that time, but Direk Joel was there to help me.

"Alam niyang nahihirapan ako sa ilang eksena namin sa Beauty Queen, but wala akong complaint. Gusto ko ang ginagawa ko and working with the best people in the industry, sino pa ang magrereklamo, di ba?

"I owe Direk Joel a lot, lalo na sa career ko as an actress. He molded me and taught me what I know now in acting. Forever kong tatanawin na utang na loob ko 'yan sa kanya."

BIKINI CONTEST. Tiyak na aabangan ang pagrampa ni Iza na naka-two piece bathing suit sa Beauty Queen simula mamayang gabi, November 8. Sa eksena, na kinunan sa Metro Bar, ay sumali si Maita sa isang bikini contest para makakuha ng pangpiyansa sa kanyang ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin ni Iza na sumali sa bikini contest si Luis Alandy, who plays Dante, ang kanyang kababata at masugid na manliligaw.

"Sa totoo lang, sobra akong kinabahan sa scene na 'yon," pag-amin ni Iza.

"Parang nakiusap pa nga ako na sana i-move muna nila ang bikini contest scene para may mahaba akong time to prepare. Kasi bikini contest na ito, katawan ko na ang makikita rito!" tawa pa niya.

"Kaso, nagawa na nga ng mga writers ng show ang scene and kailangan na raw makunan 'yon. Okey lang naman din sa akin.

"Bago naman kami mag-taping for Beauty Queen, I've been taking care of my figure na. Hindi naman sa nagpapa-sexy, but being physically fit is the right term for it.

"I'm very active in joining marathons, I work out, and I'm on a special diet. Kaya kahit papa'no, noong isuot ko ang two-piece bathing suit, I feel comfortable naman.

"Like what Tita Oro said, confidence lang 'yan. I took her advice at siyempre, sinabayan ko pa ng dasal."

Pero hindi raw natatapos sa bikini contest scene ang kaba ni Iza dahil ipinarating na sa kanya na may kukunan siyang love scene. Pero matagal-tagal pa raw 'yon kaya sinabihan na siya nang maaga para hindi siya mataranta.

"It will be my first time din to do a love scene on television. Kaya heto at yun naman ang iniisip ko ngayon. Para nila akong tino-torture, di ba?" tawa niya ulit.

"Matagal pa naman daw yun kukunan at hindi ko pa alam kung kanino ako magkakaroon ng love scene. It's either kay Luis Alandy or kay TJ Trinidad. Hindi ko alam kung sino sa dalawa, e.

"Ngayon pa lang, hinahanda ko na ang sarili ko. I know na makakaya ko 'yon tulad ng pag-survive ko sa pagsuot ng two-piece bathing suit!"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN