Jolina Magdangal on boyfriend Mark Escueta: "This is the best relationship I ever had!"

"Kung panahon na para magpakasal, mangyayari naman, e. Pero kung hindi pa panahon, hindi mo maipipilit 'yon. Sa lahat naman, may tamang panahon. Ayaw namin ni Mark na ipilit ang hindi pa napapanahon. If it happens, it happens," says Jolina Magdangal about settling down.


"This is the best relationship I ever had!"

Ito ang masayang deklarasyon ni Jolina Magdangal nang tanungin siya tungkol sa relasyon niya sa kanyang boyfriend na si Mark Escueta, drummer ng bandang Rivermaya.

Hindi mawala ang matamis na ngiti ni Jolina sa ginanap na birthday celebration niya last November 6 sa Thaipan Restaurant in Quezon City.

Lagi niyang nasa likod si Mark. Ikinatuwa rin ni Jolens na tinugtugan pa siya ng kasintahan habang hinihipan nito ang mga kandila sa kanyang birthday cake.

Ayon sa 32-year-old actress-singer, for the first time ay wala siyang nararamdaman na pressure sa kanyang relationship ngayon. Hindi raw tulad ng mga nakaraan niyang relasyon na parating may intriga na nakakabit.

"Sinabi ko nga na, for the first time, hindi ako ngarag sa love life ko. Hindi ako yung naii-stress. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari. Parang ang gaan lahat. Walang negative talaga.

"'Tsaka, iba talaga. Ngayon ko nga lang naranasan na halos lahat ay boto kay Mark. Wala silang masabing hindi maganda sa kanya. Kaya siguro ganito ang pakiramdam ko. Happy talaga ako," nakangiting sabi ni Jolina.

FRIENDS TO LOVERS. Dahil naging magkaibigan muna sila, maganda ang naging simula ng kanilang relasyon. Nandoon na raw kaagad ang tiwala nila sa isa't isa dahil mas nakilala nila nang husto ang isa't isa.

"Ngayon ko nga lang na-realize na kailangan maging best friend muna kayo bago kayo magkaroon ng serious na relationship," sabi ni Jolina.

"Kasi as friends, nandiyan yung may mga pagdadaanan kayong mga personal problems at magdadamayan kayo. Malalaman mo naman ang tunay na kaibigan kapag nandiyan siya sa pinaka-worst time of your life.

"Mark was there noong may mga pinagdadaanan akong mga hindi magaganda sa buhay ko. Hindi ko inaasahan na he would stick around, pero nandiyan siya, e.

"Doon ko naramdaman na ibang klaseng kaibigan siya. He's a friend who genuinely cares.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya noong pumasok na ang panliligaw, naging madali na, e. Wala na yung naghuhulihan pa kayo ng ugali kasi nakita na niya lahat 'yon.

"Mark saw me at my best and at my worst. May choice siya na ituloy ang panliligaw niya or tumigil na lang siya. Pero nandiyan pa rin siya.

"Kaya I can really say that this relationship with Mark is the best for me dahil wala na akong mahihiling pa. Nasa kanya na yung matagal ko nang hinahanap. Kumbaga, he completes me!" deklara pa ni Jolina.

SI MARK AT ANG MEDIA. Kine-credit kay Jolina ang pagiging very open ni Mark sa media tungkol sa kanilang relasyon. Marami kasi ang nakakakilala kay Mark na never itong nagpapa-interview. Kay Jolina lang daw siya natututong makiharap sa mga taga-showbiz.

"Gano'n ba?" tawa ni Jolens nang hingin namin ang kanyang reaksiyon.

"Si Mark kasi, mahiyain talaga 'yan. Noong una ko nga siyang makilala, tahimik talaga siya.

"'Tsaka alam n'yo naman, ang image ng mga taga-banda ay hindi tulad sa mga artista. Kailangan parang serious sila.

"Pero noong nakilala ko na talaga si Mark, madaldal din siya. Marami kaming napag-uusapan.

"Pero, siyempre, kapag may mga reporters na, pormal lang siya. Hindi naman sa nagpapakasuplado siya. Mahiyain lang talaga siya.

"Nagugulat nga ako kasi hindi na siya nahihiyang magpa-interview na kasama ako. Hindi ko alam kung impluwensiya ko ba 'yan or nagiging relax na kasi siya sa sitwasyon namin.

"Either way, gusto ko ang nakikita ko ngayon sa kanya. Improvement ito sa part niya. Alam niya kasi na ito ang mundo ko at gusto niya akong sabayan. It's something na hindi ko inaasahan na gagawin niya."

WALA PANG PROPOSAL. Marami ang nag-e-expect na may proposal na magaganap noong birthday ni Jolens. Pero wala ngang gano'n na nangyari.

"Kaya pala parang excited kayong lahat!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Alam ko na marami nang naghihintay para diyan. Pero hindi natin puwedeng madaliin ang lahat.

"Kami ni Mark, two years pa lang kaming magkakilala and we want to take time na mag-enjoy pa kami sa relasyon namin.

"We've been talking about it and hanggang doon pa lang muna. Siyempre, may plano ang lahat. Si God, may plano 'yan para sa ating lahat.

"Kung panahon na para magpakasal, mangyayari naman, e. Pero kung hindi pa panahon, hindi mo maipipilit 'yon.

"Sa lahat naman, may tamang panahon. Ayaw namin ni Mark na ipilit ang hindi pa napapanahon. If it happens, it happens."

Ang theme song pala nina Jolina at Mark ay ang classic theme song ng pelikulang Breakfast At Tiffany's na "Moon River" ni Andy Williams. Tuwing nagkakasama nga silang dalawa, ang awitin na ito ang lagi nilang kinakanta sa isa't isa.

"Maganda kasi yung lyrics ng song, di ba?" kinikilig na sabi ni Jolens. "Ewan ko kung bakit namin nagustuhan yung 'Moon River.' Parang bagay lang sa amin yung song."

HAPPY SA LOVE LIFE, HAPPY RIN SA CAREER. Bukod sa kanyang lovelife, masaya rin si Jolina sa itinatakbo ng kanyang career.

Maganda ang rating ng kinabibilangan niyang primetime series sa GMA-7, ang Grazilda, kunsaan gumaganap siya bilang si Fairy Godmother. Every Sunday naman ay nasa Party Pilipinas siya.

May album siyang sisimulan na sa ilalim ng Viva Records at pumirma siya ng exclusive network contract with GMA-7.

"Very thankful ako sa lahat ng blessings na ito mula kay God," sambit niya. "I also celebrated my 20th year in showbiz na kasabay ng birthday ko.

"Sa tinagal ko na sa trabahong ito, marami pa rin akong gustong gawin. Hindi natatapos sa ganito lang ang lahat. Marami pang puwedeng ma-explore sa buhay natin. May mga adventures pa tayong gagawin.

"And sa patuloy na paghahanap ko ng kung anu-ano pa, alam ko that Mark will be there. He inspires me a lot and I know that he will take that adventure with me," pahayag ni Jolina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN