Mark Escueta ready to take the next step with Jolina Magdangal, but biding time for auspicious moment

"Nakikita ko na yung sarili ko kasama siya, na pinag-uusapan na namin kung sino ang susundo sa school... Nai-imagine ko na yun nang walang pag-aalinlangan," says Mark Escueta on going to the next level in his relationship with girlfriend Jolina Magdangal.


Actions speak louder than words.

Pero sa kaso ni Mark Escueta, drummer ng Rivermaya, at ni Jolina Magdangal, parang magkatimbang talaga ang paggawa at salita.

Ito ay base sa ipinapakita nilang pagmamahal sa isa't isa.

Kapansin-pansin nga ito sa 32nd birthday celebration ni Jolina sa Thaipan restaurant last Saturday, November 6.

Bukod sa kanyang birthday celebration ay nagkaroon din ng photo exhibit si Jolina ng 32 photos niya.

Sa pagkakaalam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), si Mark ang nagbigay ng idea kay Jolina, na matagal nang may personal na hilig sa photography, para magkaroon ng photo exhibit.

Pero paglilinaw ni Mark, ang manager ni Jolina, si Perry Lansigan, ang may kagagawan nang pag-mount ng photo exhibit kasabay ng birthday celebration.

Aniya, "Matagal ko nang sinasabi sa kanya na mag-exhibit. Pero ang may ideya nito sa birthday niya, si Perry Lansigan. Pero dati rin, sina-suggest ng daddy niya at saka ako. Pero si Perry rin ang nakaisip na isabay sa birthday niya."

Ngunit ayon kay Jolina, sa kanilang dalawa raw, si Mark ang mas magaling kumuha ng pictures. Anong masasabi rito ng musikero?

"Hindi, e, nahihiya lang siya," nakangiti sabi ng guwapong drummer.

"Pero magaling talaga siyang photographer. Kahit hindi niya inaamin, which is good din. Maganda rin na natural hobby niya ang photography.

"Ayaw nga niyang mag-exhibit kasi hindi naman daw siya professional. Wala siyang training, hindi niya alam ang technical.

"Pero sabi ko nga, hindi importante 'yan, e. Basta sinasabi nilang may mata sa photography, siyempre, meron siya."

Nakita nga raw agad ni Mark sa girlfriend ang talent na 'yon.

"Noong una ko ngang makita ang mga gawa niya, sabi ko, 'Ang ganda ng mga gawa mo. Bakit hindi ka mag-exhibit?' Para ma-share niya rin sa ibang tao na may iba pa palang side of Jolina."

BIRTHDAY SURPRISE. Advance ang naging birthday gift ni Mark kay Jolina, isang Lumix camera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May reason daw kung bakit maaga niya itong ibinigay.

"Kasi, sabi ko, baka sakaling may maidagdag pa siya para rito [photo exhibit]. Nagamit naman niya, pero wala rin nasama rito sa exhibit," sabi ng Rivermaya drummer.

Pero noong bisperas ng kaarawan ni Jolina ay sinorpresa ni Mark ang kasintahan sa pamamagitan ng pagbibigay rito ng asalto. Ikinaligaya ito ni Jolina dahil nasorpresa talaga siya na magagawa raw pala ni Mark na ma-contact ang mga kaibigan niya.

"Yung mga high-school, grade-school friends niya," banggit ni Mark. "Kasi, kahit noong bago pa lang kami, na-meet ko na rin sila. And minsan nagkikita-kita kami sa bahay niya or kung saan man.

"So, noong palapit na ang birthday niya, nag-isip ako ng surprise party for her.

"Kasi, noong una, medyo alangan pa siya sa idea ng malaking party. Kasi yung huli pa niya, yung debut niya. Masaya na raw siyang sa bahay lang, kasama ang friends niya, family.

"Para lang gusto ko kumpleto ang birthday niya, ginawan ko nang paraan na meron din siyang ganoon. So, yun ang salubong kagabi.

"Para 'eto, ito ang ma-showcase ang photography niya and for her other friends. Yung kagabi, yung gusto niya sanang mas personal na engagement."

Ano ang naging reaction ni Jolina sa mga naging surprises niya?

"Natuwa naman siya," nakangiting sabi ni Mark. "Siyempre, thankful siya.

"Wala siyang idea, e. So, sinabi niya, 'Kailan mo plinano 'yan? Paano mo sila nakontak?'

"Yung kagabi kasi, yung grade-school friends niya at mutual friends na namin, mga kabanda ko, mga staff namin, nandoon sila."

HAPPY AND INSPIRED. Nabanggit ng PEP kay Mark kung gaano ka-vocal si Jolina sa pagiging masaya at inspired niya dahil sa relasyon nila. Ganito rin ba ang nararamdaman ni Mark?

"Oo, oo..." sagot niya.

"Kanina nga, may nag-interview rin sa amin, parang tinanong kung masasabi ko bang ito ang best na naging relationship namin. Sabi ko, ito yung best at saka ito rin yung first.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"First in a sense na ngayon lang din ako nagmahal nang ganito. Na sa kanya ko lang... Hindi, e, mali yung sabihin ko na sa kanya ko lang...

"Parang yung sa amin, yun ang first time kong ma-experience na puwede palang ganito."

Pagpapatuloy ni Mark, "Na mula sa pinakasimpleng bagay hanggang sa mga mas usual na bagay, masaya kami. And we realized na yung mas simple pala, yun ang mas importante.

"Kasi, may naisip na ako noong isang araw, may nagrereklamo sa relationship nila na, 'We don't talk. Hindi kami nag-uusap, e.' Pero actually, yung problema do'n sa relationship na yun, hindi yung talking, e, yung we.

"Kapag na-realize mo na kahit kayong dalawa lang, magkatabi lang kami. Minsan naglalaro siya ng game sa computer, naglalaro rin ako ng ibang game. Mga ilang oras hindi kami nag-uusap. Pero hindi ko masasabi na nabo-bore ako na kasama ko siya.

"And I think, kapag mahal mo ang isang tao, ma-bore man kayo, okey lang yun. Kasi, alangan naman na every minute of your life, parang pelikula. Hindi naman ganoon, e."

At this point, masasabi raw ni Mark na si Jolina na talaga ang gusto niyang makasama habambuhay.

"Oo, puwede kong sabihin 'yan. Pareho naming... I think, pareho naming masasabi yun.

"Talagang kahit na paminsan-minsan lang namin napapag-usapan yung, kumbaga, next step sa relationship namin, all the more na nararamdaman ko ang importance.

"Yung, wala lang, hindi niya pinaplano na, 'O, bukas, pag-uusapan natin yung ganyan.' Minsan nasa labas kami, makikita namin yung ganito, do'n na agad mapupunta."

THE NEXT STEP. What's the next step? Nag-propose na ba siya kay Jolina? Wala pa ba silang planong magpakasal?

"Of course, may plano," diin ni Mark. "Siguro hinihintay ko lang yung proper time and place para mangyari yun. Pero, definitely, actually, araw-araw ko nga iniisip yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi, importante siyang moment. And to some people, mas memorable pa nga ang proposal sa wedding, e.

"And I think, for me and for us, ganoon din. Lalo na sa amin na, yung mga detalye, yun ang important, e. So, hindi man siya engrande or ano, basta nasa tamang panahon."

Posible kayang sa 2011 na ito maganap?

"Posible...posible. Ako, gusto ko siyang mangyari na next year at okay ako do'n," nakangiti niyang sagot.

Ready na siya to take the next step?

"Oo, ready na ako do'n. Nakikita ko na yung sarili ko kasama siya, na pinag-uusapan na namin kung sino ang susundo sa school... Nai-imagine ko na yun nang walang pag-aalinlangan.

"So, alam ko na hindi ko na kailangang tanungin sa sarili ko yun. So, yun talaga. Hindi rin ako nagpapa-pressure sa oras. Kami rin, enjoy naman kami sa pang-araw-araw na ano...

"Kapag dumating yung time na yun na maise-share na rin namin sa mga kaibigan namin, sa family namin, I'm sure ready na kami by that time."

BIRTHDAY WISH. Ano naman ang birthday wish niya sa 32nd birthday ni Jolina?

"Twentieth year niya ngayon sa showbiz, di ba? And maraming nagugulat kapag nalalaman nilang 32 years old na pala siya, 20 years na pala siya.

"I think it's because she's been so consistent for 20 years. Never siyang nawala sa TV. Sa movies, parati siyang active sa industriya niya.

"And ang dami niyang na-inspire na tao mula 20 years ago hanggang ngayon. Nandiyan pa rin dahil binibigyan niya ng importansya ang work niya at ginagawa niya every time na may rehearsal siya sa Party Pilipinas.

"Dati, noong nag-u-Unang Hirit pa siya, parang first day palagi of work. Papasok siya na alam niyang hindi siya puwede ma-late. Kahit alam na niya ang kanta, magre-rehearse pa rin siya.

"Yun yata ang nakikita ng fans niya na nakaka-inspire sa kanya. Plus the fact na sobrang simple pa rin niya kaya sila nagugulat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ang wish ko, more opportunity na maka-inspire siya ng younger generation na yun. And, on the other hand naman, more opportunity to enjoy the fruits of her 20 years.

"Minsan kasi, ang daming tao, trabaho nang trabaho. One day, gusto nilang mag-travel, pero hindi na nila magawa kasi ang tanda na nila. So, sana, mas maraming chance siya na ma-explore pa niya."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN