Dingdong Dantes says he and Marian Rivera will keep their relationship stable and private as their love team dissolves

"Inaamin naman namin na nabuo kami dahil sa show business. Nabuo kami dahil sa show. Hindi naman ibig sabihin na dahil doon, e, bibigyan namin ng 100 percent na detalye sa lahat. Pero dahil sa aming respeto at binibigyan namin ng credit itong industry that put us together, we share only details that are essential," says Dingdong Dantes about what to disclose publicly when it comes to his relationship with girlfriend Marian Rivera.


Maraming naging isyu sa relasyon nina Dingdong Dantes at Marian Rivera nitong mga nakaraang buwan. Lalo na noong kasagsagan ng kanilang primetime series na Endless Love hanggang sa matapos ito.

Ilan sa mga isyu na naglabasan ay ang selosan sa pagitan ng magkasintahan at mga babaeng bigla na lang nali-link kay Dingdong. Kabilang na rito ang baguhang si Sam Pinto at isang babaeng hindi taga-showbiz na ang tanging description lang na naibigay ay "mestiza."

Nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Dingdong sa launching niya bilang Youth Ambassador for the Arts noong Sabado, November 6, ay tinanong namin siya kung napipikon ba siya sa mga isyung ikinakabit sa kanila ni Marian.

"Actually, natatawa nga ako, e," sagot niya. "Hindi ko nga alam. Wala talaga.

"Kung totoo at mapikon ako, mas mukhang parang totoo. Pero dahil hindi talaga, walang bahid, talagang natatawa ako. Wala talaga, as in.

"E, di ba, walang pangalan kung mestiza man? Ang dami kong pinsan na mestiza, baka yun ang akala nila!" natatawang sabi ng 30-year-old actor.

Kung si Dingdong ang tatanungin, naniniwala siyang mas strong ang relationship nila ni Marian ngayon.

"Oo, sobra!" sambit niya. "Mas maganda ang relasyon namin ngayon. Happy kami ngayon."

SELOS ISSUE. Pagkatapos ng Endless Love ay magkahiwalay na proyekto ang gagawin nina Dingdong at Marian sa GMA-7. Si Dingdong ang magiging leading man ni Regine Velasquez sa romantic-comedy series na I Heart You Pare, samantalang si Marian ang bida sa epicserye na Bai Amaya.

May intrigang dahil magkaiba na ang mga proyektong ginagawa nila ngayon at hindi na sila ang magkasama, nandiyan na raw ang selosan at ang pamimili ng magiging kapareha nila. Ito raw ang dahilan kung bakit shaky ang relationship nila at baka mauwi pa ito sa hiwalayan.

"Wala, hindi dapat," sabi ni Dingdong.

"Nangyari na rin naman sa amin na nag-Darna siya, nag-Stairway to Heaven ako. Doon, maaaring nawalan ng konting time para sa isa't isa. Pero ito naman, there are really things that we really have to do.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And with this, as long as these are things na makakadagdag sa gusto naming mangyari, e, di okay lang. As long as yung suporta namin sa isa't isa ay nandoon at huwag lang mawawala."

Paano niya ipinagtatanggol si Marian sa intrigang selosa raw ito?

"Normal yun, e. 'Eto nga, may mga ganyang bagay na out of nowhere, e, biglang umuusbong. Importante lang talaga ang trust sa akin," sabi niya.

Pero si Marian ba ay tinatanong siya tungkol sa mga babaeng nali-link sa kanya?

"She asks me because other people ask her. Pero kung ako, manggaling sa akin, wala namang nagtatanong sa akin, wala namang magsasabi sa akin. Unless ngayon, meron tayong pag-uusap or may lumabas man, kaya nga hindi ko nga maintindihan," saad niya.

PROVING THE CRITICS WRONG. May conscious effort ba on their part na kailangang patunayan nilang mali ang sinasabi noon na kung hindi na sila ang magka-love team ay maghihiwalay rin sila?

Una silang nagsama sa Pinoy remake ng Marimar, at nasundan ng tatlo pang teleserye: Dyesebel, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, at Endless Love. Nakagawa rin sila ng dalawang pelikula—One True Love at You To Me Are Everything.

"No...hindi dapat ganoon," sabi ni Dingdong. "Because we believe that we are partly responsible siguro of sharing what we have, a bit to the public, but not totally.

"Kasi, inaamin naman namin na nabuo kami dahil sa show business. Nabuo kami dahil sa show.

"Hindi naman ibig sabihin na dahil doon, e, bibigyan namin ng 100 percent na detalye sa lahat. Pero dahil sa aming respeto at binibigyan namin ng credit itong industry that put us together, we share only details that are essential.

"So, sa mga ganoong bagay, as long as matatag naman kami, yun na ang importante sa kanila. Hindi naman kami magkukunwaring okey kami kung hindi, e."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kabilang banda, bagama't may mga usap-usapan tungkol sa hiwalayan, mas malakas naman ang balitang magpapakasal na sila ni Marian. Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

"Dati pa naman yun, e...dati pa naman," nakangiti niyang tugon.

"You know, it's something that I look forward to. And, kumbaga, may ganoong talks, isa siyang magandang talk.

"Kumbaga, hindi siya isang bagay na iniiwasan. Hindi siya isang bagay na parang... I mean, it's really not a negative thing."

Sa tanong namin kung posible ba na mangyari 'yon sa 2011, isang malakas na tawa lang ang isinagot ng aktor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN