Returning actor James Blanco clarifies stand on changing his manager

James Blanco showed PEP the keloid scar on his right arm, which he hid in the past by wearing long-sleeved shirts. He got the scar during an accident in 1986. He didn't have it removed even if surgical procedures have been available. "Mas maganda para may karakter. Mahirap naman kung masyadong malinis," he said.


Bukod kay Claudine Barretto, guest star din this week sa GMA-7 primetime series na Bantatay ang aktor na si James Blanco. Bago ito ay nagkaroon din ng guest appearance si James sa Beauty Queen bilang batang Juan Rodrigo.

Maituturing na homecoming ito para kay James pagkatapos ng ilang taong hindi gumawa ng proyekto sa Kapuso network.

Una siyang nakilala sa youth-oriented series ng GMA-7 na Click. Nasundan ito ng drama shows tulad ng Ikaw Lang ang Mamahalin at Kahit Kailan.

Pagkatapos ng ilang taon ay lumipat si James sa ABS-CBN. Ilan sa mga shows na nilabasan niya ay ang mga sumusunod: Kokey, George & Cecil, at Rubi.

Ngayon ay lumalabas siya sa weekly fantasy series ng TV5 na Inday Wanda, na pinagbibidahan ni Eugene Domingo, at sa drama series na Broken Hearts Club.

Sa sit-down interview niya with PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang writers last Friday, November 5, nilinaw ni James ang ilang isyu na kinasasangkutan niya. Kasama na nga rito ang paglipat-lipat niya ng TV networks.

Bakit siya umalis ng GMA-7 noon?

"Wala na po kasing kumukuha sa akin. Siyempre, kailangan ko din magtrabaho," diretsong sagot ni James.

Sabi pa ng aktor, hindi siya tumigil sa pagtatrabaho sa showbiz. May mga pangyayari lang na wala sa control niya.

"Nagkataon lang na paputol-putol yung nangyayari. Umalis nga ako kay Popoy [Caritativo, his former manager]. Tapos lumipat ako ng manager, kay Arnold [Vegafria]. Nagkaroon naman ako ng show sa ibang channel na na-shelve naman."

Tinutukoy ni James ang drama series sa ABS-CBN na Utoy, na pagbibidahan sana ng Comedy King na si Dolphy at ng child star na si Makisig Morales.

"Nagkaraoon naman ako ng trabaho doon. Kaso, hindi ako makaalis kasi may contract ako with Utoy. Hindi naman ako makalipat or maka-move kasi pahinto-hinto ang taping niya. Inabot yun ng dalawang taon," sabi ng 31-year-old actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero wala naman daw frustration si James tungkol sa nangyaring pag-shelve ng project.

Eventually, umalis din siya sa poder ni Arnold. Kasalukuyan, si Noel Ferrer na ang manager ni James.

Dahilan niya, "Siyempre, gusto ko lang magtrabaho. Gusto ko ng may taping kasi may binubuhay na tayo."

Mas okay raw sa kanya ngayon na gumanap ng character roles.

"Oo, mas gusto ko 'yon. Mas gusto yung kontrabida roles. Mas masarap kasi yung kontrabida ka. Hindi na-close yung nagagawa ko," sabi ni James.

FAMILY LIFE. Kapag wala namang trabaho sa showbiz si James, napagtutuunan niya ang kanilang salon business na itinayo nila ng kanyang asawa. Meron din siyang isa small financial company that deals with government projects.

"After naman ng pagharap natin sa TV or sa camera, meron din naman tayong ginagawa," sabi niya.

Ayon kay James, matagal na siyang kasal sa kanyang long-time partner noon na si Tania, who works as a branch manager sa isang beauty clinic in Alabang.

May dalawa silang anak na lalaki: sina IƱigo, 5, at Sebastian, 4.

"Nagkakilala kami ng wife ko through Popoy," banggit ni James. "Lagi lang kami nagkikita. Commercial model din kasi siya dati. Nag-aaral siya sa La Salle. Ako naman, nasa showbiz na."

Noong 2000 daw sila nagkakilala. Noong 2005 naman dumating ang una nilang baby. Pero 2008 lang sila nagpakasal.

Verya hands-on dad daw si James sa kanyang mga anak. Sila raw mismo ng misis niya ang tumututok sa mga kailangan ng kanilang mga anak, lalo pa't nag-aaral na sa isang exclusive pre-school ang dalawa.

"Kailangan, kapag may mga gatherings sa shool, both parents, magkasama. Hindi puwedeng mag-isa lang. Talagang hindi puwede na isa lang ang pupunta sa school. Sobrang higpit.

"Very close sa akin yung dalawa. Pareho kasing lalake. Yung mommy kasi nila medyo strict. Pero kapag wala ako, takot sila sa mommy nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sa bahay, medyo na-spoil ko ang mga bata. Kasi nung bata ako, hindi ko na-feel lahat ng gusto ko gawin.

"Ako naggo-grocery. Ako nag-papa-haircut sa mga bata. Ako yung namimili ng damit.

"Kapag wala akong trabaho, nasa bahay lang ako at silang dalawa ang kasama ko. Kalaro ko sa X-Box. Nanonood kami ng DVD. Yun ang mga bonding moments namin," kuwento ni James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN