Bianca Manalo surprised by success of her first starring role on TV

"Sobrang happy ko pong talaga. Sobrang saya ko. Kasi, kung natuwa sila kay Gigi sa Magkaribal, ngayon, mas malawak ang pagkakita nila sa character ko as Juanita. Sobrang saya ko kasi mainit ang pagtanggap nila knowing na first lead teleserye ko 'to," says Bianca Manalo about the success of Juanita Banana.


Masuwerte ang beauty queen turned actress na si Bianca Manalo dahil kahit baguhan pa lang siya sa larangan ng pag-arte, tinanggap na agad siya ng manonood sa kanyang kauna-unahang lead role sa afternoon series, ang Juanita Banana.

Consistent na mataas ang rating ng nasabing programa sa national ratings ng Kantar Media-TNS.

Ayon sa Bb. Pilipinas Universe 2009, hindi niya inasahan ang mga magagandang nangyayari sa showbiz career niya ngayon.

"Akalain ko po ba na maghi-hit pala ang show namin? Nagpapasalamat po akong talaga sa management sa pagbibigay sa akin ng role na Juanita Banana," simula ni Bianca sa thanksgiving presscon ng Juanita Banana kaninang tanghali, November 8, sa 13th floor ng ELJ Bldg. sa loob ng ABS-CBN compound.

Dagdag niya, "Sobrang happy ko pong talaga. Sobrang saya ko. Kasi, kung natuwa sila kay Gigi sa Magkaribal, ngayon, mas malawak ang pagkakita nila sa character ko as Juanita. Sobrang saya ko kasi mainit ang pagtanggap nila knowing na first lead teleserye ko 'to.

"At the same time, maraming nagsasabi na, 'O, bakit nabigyan 'yan ng break?' Sobrang saya ko na kahit ano pa ang sabihin ng mga tao, okay lang. Sige, batikusin n'yo pa ako basta number one ang show ko!"

PAGPASOK SA SHOWBIZ. May balitang hindi pabor ang mommy niya na after niyang maging beauty queen ay ang pag-aartista naman ang papasukin niya. Totoo ba ito?

"Hindi naman po sa hindi siya pabor. Sabi niya lang, 'Seryoso ka ba riyan?' Kasi nga po, kapag artista, wala kang private life. Pero okey naman po. So far, okey naman po.

"Kaya yung mommy ko, alalay lang din po na kahit anong mangyari, stay grounded, huwag lalaki ang ulo. Yun lang din po ang palagi niyang sinasabi."

Pero gusto niya ba talagang pasukin ang showbiz o nagkataon lang ang pagpasok niya?

"Kasi po, noong reigning queen pa 'ko, nag-audition na po ako sa ABS. Pinatawag po ako ng isang unit para po dapat papasok akong love triangle sa Dahil May Isang Ikaw. Tapos, hindi na po natuloy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"After no'n, February, kinontak ako ng TC [talent coordinator] ng Magkaribal. Tinanong po ako kung available po ba ako ng summer para raw sa Bea [Alonzo] soap. Tapos sabi ko, 'Available po ako.'

"Tapos yun, noong lumipat na po ako ng manager, hindi na po ako nag-Binibini, nag-Joji Dingcong na po ako. Nag-Showtime muna ako and then, do'n ako mas napansin ni Direk Nuel Naval, which is director namin sa Magkaribal. Mas lalong na-push yung role ko.

"So, do'n na po nag-start kaya nakuha po ako sa Magkaribal."

SIMULA NA NG INTRIGA. Dahil sa naging tagumpay sa rating ng Juanita Banana, naikukumpara ngayon si Bianca sa ibang Kapamilya stars. May nai-insecure na nga raw sa kanya dahil tila tutok ngayon ang Kapamilya network sa kanya.

Pero ayon kay Bianca, "Wala naman akong nararamdamang ganoon. Sa akin, ang feeling ko, blessed lang ako. Siguro natuwa lang sila sa akin bilang Gigi sa Magkaribal. Tapos dito sa Juanita Banana, I'm very happy na nabigyan ako ng break.

"Kami po sa family," patuloy niya, "mga professional lahat. Like yung panganay namin, she's also a beauty queen, pero meron siyang parang personality development.

"Yung sister ko nga po, dito, off-cam. Ako naman, on-cam. Yung bunso ko namang kapatid, nagdo-doctor.

"So, lahat kami, professional ang gusto namin kung magtrabaho. Hindi yung pamilya, pamilya. Kapag trabaho, trabaho, hindi yung damay-damay lahat."

Isa pang isyu, si Maja Salvador daw talaga ang original choice upang gumanap bilang Juanita Banana. Ano ang masasabi niya rito?

"Hindi ko po alam 'yan....hindi ko po alam. Ngayon ko lang po nalaman. Wala...anong sasabihin ko?" nagtatakang sabi ni Bianca.

"Basta ang alam ko, sabi ng handler ko, 'Gusto ka nila for lead role, pinapatawag ka.' So, nagpunta po ako.

"'O sige, basahin mo itong script na ito. Very Bianca, very Gigi.' So, ginawa ko ang 'very Bianca, very Gigi' na sinasabi nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tapos, sabi, 'Titingnan ka naman namin sa drama side.' Tapos, sabi ni Direk Henry, 'Iyak!' So, ano pong iisipin ko? Naalala ko po si Melody."

Ang tinutukoy ni Bianca ay si Melody Gersbach, ang Bb. Pilipinas-International 2009 na namatay sa isang aksidente noong August.

"Tapos, sabi niya, 'Kailan kayo huling nag-usap ni Melody?' Hanggang sa umiyak na ako nang umiyak. Tapos yun na, drama-drama! Hanggang eventually, nalaman ko na I got the part. Siyempre, masaya ako."

Definitely, bilib daw si Bianca kay Maja at napapanood daw niya ang ilan sa mga naging shows nito. Yun nga lang, management naman daw ang nagdedesisyon kung sino ang ilalagay sa isang show.

"Naniniwala po ako na hindi po ako ang makakapagdesisyon no'n, management po. Okey lang po, kahit ano pa po ang sabihin nila, kung ano na lang po ang ibigay sa akin, tatanggapin ko na lang po, gagampanan kong mabuti ang trabaho ko."


NATURAL HUMOR. In real life, comedian daw talaga si Bianca.

"Noong beauty queen pa lang po ako, kapag ini-interview ako, ganito na akong magsalita. Kaya parang sila, 'Ay, beauty queen ka bang talaga?' Hindi ako yung typical beauty queen.

"Tapos, kinuha pa ako sa Showtime na nagwala-wala ako ro'n, pinata-tumbling-tumbling ako...ginagawa ko lahat.

"Tanungin mo family ko, friends that I go out with, sasabihin nila sa 'yo, 'Si Bianca talaga yun, hindi siya umaarte.'"

HAPPILY SINGLE. Pagdating naman sa kanyang love life, sinabi niyang wala siyang boyfriend at wala rin nanliligaw sa kanya.

"Wala...totoo talaga! Totoo talaga 'yan!" natatawa niyang sabi. "I go out with friends, gano'n. Marami akong male friends, so okey lang kahit wala ako."

Kailan yung last serious relationship niya?

"Hindi kasi dyowa. Nagdi-date lang kami, yung alam mong may understanding."

Hindi pa ba siya nagkakaroon ng boyfriend?

Nanlaki ang mata nito nang natatawa, sabay sabi ng: "Yuck! High school? My God! Will you consider that?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Twenty-three years old at beauty queen si Bianca. Parang hindi kapani-paniwala na walang nagkakaroon ng interes sa kanyang lalaki at hindi pa siya nagkakaroon ng seryosong relasyon?

"E, kasi, parang mae-enjoy ng babae kapag single ka. Naniniwala kasi ako na kapag nagka-boyfriend ka, stepping stone mo 'yan into getting married, di ba? So, sino ba ako para, 'O, dyowa ko 'to, collect, collect, and then select. Hindi, ayoko."

But is she dating?

"Hindi rin, e," sabi niya. "Wala po talaga, wala, wala... Palaging tanong ng mga tao 'yan, 'Sa ganda mong 'yan, walang nanliligaw sa 'yo?'

"Wala po talaga, e. Walang nanliligaw. So, anong gagawin ko? Kahit anong ipilit ko, e, kung ayaw nila!" natatawa niyang sabi.

Baka naman nai-intimidate sa kanya?

"Sabi nila, baka nai-intimidate kasi matangkad at the same time beauty queen, tapos mukha raw akong masungit. Pero okay rin, at least, hindi niya ako basta-basta kayang lokohin!" tawa ulit ni Bianca.

Ano ba ang gusto niya sa isang guy?

"Basta ba kaya niya akong buhayin. Ipaglalaban niya ako, okay lang. Ang totoo talaga, ang gusto ko kasi, yung para akong prinsesa!" natawa niyang sabi.

Pero habol niya, "Hindi naman kailangang mayamang-mayaman. Basta kaya niya akong buhayin at bantayan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN