Rodjun Cruz defends brother Rayver Cruz against "two-timer" tag

"Yung feeling ko po talaga ngayon, sobrang thankful po talaga ako na nabigyan po ako ng chance. First time po talaga simula nang mag-artista ako na nabigyan ako ng role na maganda at important," says Rodjun Cruz about his leading-man role in Juanita Banana.


Matagal din ang paghihintay ng young actor Rodjun Cruz bago siya nabigyan ng pagkakataon na makapagbida sa isang TV show. Nangyari ito sa afternoon soap ng ABS-CBN na Juanita Banana, kung saan gumaganap siya bilang isa sa leading man ni Bianca Manalo; ang isa pang leading man ay si Matt Evans.

Without any hint of bitterness, sinabi ni Rodjun na masaya siya na finally ay nabigyan siya ng break ng kanyang home network. Simula raw kasi nang maging part siya ng Star Magic ay ngayon lang siya nakakuha ng magandang role.

Aniya, "Yung feeling ko po talaga ngayon, sobrang thankful po talaga ako na nabigyan po ako ng chance. First time po talaga simula nang mag-artista ako na nabigyan ako ng role na maganda at important.

"Kasi noong una, hindi ko naman ine-expect. I mean, gusto ko lang pong magkaroon ng trabaho. Ma-share ang talents ko sa mga tao, na nakakapagpasaya ako kapag nagpe-perform ako, kapag umaarte ako. Kahit kasama lang ako sa isang teleserye, kahit guesting-guesting lang.

"Kaya sobrang thankful ako and feeling ko talaga blessed ako na nabigyan ako ng chance na makasama sa Juanita Banana."

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Rodjun sa thanksgiving presscon ng Juanita Banana kahapon, November 8, sa 13th floor ng ELJCC Bldg. sa loob ng ABS-CBN Compound.

ONE-WOMAN MAN. Pagdating naman sa kanyang love life, three years na raw sila ng kanyang girlfriend na si Dianne Medina, na napapanood sa mga programa ng TV5.

"One-woman man po ako. Three years na po kami," nakangiting sabi ng 23-year-old actor-dancer.

Dahil one-woman siya, ibig bang sabihin nito ay walang chance na magkagusto siya sa co-star niyang si Bianca, lalo pa't sinabi ng beauty queen turned actress na hindi pa siya nagkaka-boyfriend? (CLICK HERE to read related story.)

"E, siyempre, sa trabaho naman po, kapag ganoon, baka magkailangan kaming dalawa. Maganda po, meron kaming yung relationship namin maganda at friends po talaga. Walang ilangan, trabaho lang talaga," saad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

RAYVER, TWO-TIMER? Kung si Rodjun ay tahasang nagsasabi na one-woman man siya, nasasaktan siya kapag pinaparatangan ang younger brother niyang si Rayver Cruz na "two-timer."

Iniintriga kasi si Rayver, 21, na pinagsabay raw nito sina sina Sarah Geronimo at Cristine Reyes.

"Siyempre, nao-offend ako," sabi ni Rodjun. "Kasi ako mismo, kilala ko yung kapatid ko.

"At saka alam ko kung gaano siya kabait na tao. Kung gaano siya kabait na kapatid sa pamilya niya. Kasi, lumaki kami nang sabay kaya nao-offend ako.

"Kasi yung ibang tao, nahuhusgahan agad siya na kesyo ganoon siya. Pero kapag nakilala nila si Rayver, doon nila makikita kung gaano siya ka-God-fearing, mabait talaga siya."

So, tahasan niyang sinasabi na hindi two-timer ang kapatid?

"Hindi, hindi siya naggano'n," mabilis na sagot ni Rodjun.

Dugtong pa niya, "Ang hirap kasi, ang mga tao naman... Siyempre, depende rin yun sa mga tao kung kanino sila maniniwala. Siyempre, wala na akong magagawa ro'n.

"Siyempre, yung iba naman maniniwala agad na si Rayver ganyan. Doon ka masasaktan. Kasi, hindi muna nila [pakinggan] ang panig ni Rayver."

ADVICE KAY RAYVER. Hindi ba niya pinapayuhan si Rayver?

"Ay, naku, kagaya ko yun! Mas mabait pa sa akin yun!" natatawang sabi ni Rodjun.

"Ang ina-advise ko lang sa kanya, 'Basta Bro, huwag kang magmadali. I-enjoy mo lang ang trabaho mo. Yung babae na para sa 'yo, magdasal ka lang at darating at darating yun.'"

Wala rin daw isyu kay Rodjun kung mas unang nabigyan ng pansin si Rayver kahit na siya ang mas matanda rito.

"Yun talaga ang bilin sa amin ng papa namin, na walang ganoon sa magkakapatid. At saka lumaki kami ni Rayver na sobrang close sa isa't isa.

"Kung ano ang achievement ng isa, sobrang suporta kami. Like ngayon, nagtatrabaho ako, nakasuporta siya palagi. Ganoon din ako sa kanya," sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sumakabilang-buhay ang ama nina Rodjun at Rayver na si Rudy Ilustre noong October 19, 2009 dahil sa kidney at lung failure.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN