Sid Lucero dreams of the day no distinction will be made between mainstream and indie films

"Actually, wala namang ipinagkaiba ang indie sa ano, e... Ang dream ko, sana wala nang pagkakaiba ang indie at mainstream. Ang isang pelikula, pelikula lang talaga," says Sid Lucero.


Nominated si Sid Lucero as Best Actor sa International Emmy Awards this year para sa teleseryeng Dahil May Isang Ikaw ng ABS-CBN.

Masayang-masaya si Sid sa parangal na ito bagama't hindi siya umaasa ng anuman sa ngayon.

"At least, a nomination is honor enough. Plus, dalawa pang nominations for the Philippines, for the same show," sabi ni Sid.

Nominated din for Best Telenovela ang Dahil May Isang Ikaw.

Nakusap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Sid Lucero sa set ng "Punerarya" episode ng Shake, Rattle & Roll XII sa Pinaglabanan, San Juan City.

Last year, si Angel Locsin ay nagkamit ng nomination for Best Actress para sa Lobo ng ABS-CBN.

"Never pa kami nagkatrabaho," banggit ni Sid tungkol sa kanyang counterpart.

"Pero teammate ko siya sa swimming dati, nung bata pa siya. Tingnan natin, kung puwede. Pero lahat ng partners niya, yung mga big-time stars talaga, di ba?" sabi pa ng aktor.

SID'S GIRLFRIEND. Kapansin-pansin na walang nali-link na female stars kay Sid magmula nang pumasok siya sa showbiz.

Ito marahil ay dahil very loyal siya sa kanyang girlfriend of six years na si Rocie Delgado.

"I have a girlfriend, same girl...Rocie Delgado," banggit ni Sid.

Obviously, proud ang aktor na ipakilala ang kanyang nobya, o kahit banggitin siya sa interviews.

"'Kaka-6th year lang namin, nung October 7."

Ganun na raw sila katagal at ka-strong ang relationship.

"Oo, dapat lang," wika ni Sid.

Ang girlfriend niya ay mula sa angkan ng mga Laurel.

"Family of thespians," pagtukoy ni Sid.

"Tito niya si Cocoy [Laurel], pinsan niya si Denise, tita niya si Iwi. Lolo niya si [former Vice-President] Doy Laurel. Franco Laurel is a second cousin."

Okay na rin ba si Sid sa pamilya ng girlfriend niya?

"Oo... I hope so," nangingiti niyang sambit.

Si Rocie na ba ang gusto niyang pakasalan at makasama forever?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Habang buhay," makahulugang banggit ng aktor. "Hindi ako maggi-girlfriend lang kung hindi kami mag-e-end up together."

Then Sid let PEP in on how his relationships were in the past.

"Ang first girlfriend ko, nung high school pa ako. Three and a half years din kami. Tapos, we broke up and I stayed single for four years. Then, I met Rocie."

INDIE FILMMAKER.Professionally, nagku-complement sa isa't isa sina Sid at Rocie dahil aktor si Sid, na mas unang nakilala via indie films, at ang nobya niya ay isang indie filmmaker who co-directed the indie feature Sabungero, kung saan may minor role si Sid as Joel Torre's son.

"Right now, she's on break," sabi ni Sid about his girlfriend. "Gusto niya yatang bumalik na, but I don't know yet what she wants to do."

Ano ang masasabi ni Rocie sa mga papel at pagganap na ginagawa ni Sid, tulad sa pinakahuling indie lead starrer niya, ang Muli, na gay lover ang papel ni Sid, at may all-out love scene with Cogie Domingo?

"Marami rin siyang nasasabi...nagkakaroon kami ng usapan na, 'E, bakit si...ganitong artista, hindi naman niya kailangang magpakita ng... ganito at ganyan? Pero respetado siya?'

"E, ako naman, wala akong pakialam kung anong role ang ibigay mo sa akin. Gagawin ko, basta sa tingin ko, maganda." katwiran ni Sid.

Of his gay role in Muli, ang pansariling opinyon naman ni Sid: "Sa totoo lang, mas madali siyang gawin kaysa panoorin."

Kung tastefully done nga ba ang mga gay love scene na napanood ng publiko, na ginawa ni Sid at ng male actors na partners niya, ito ang prangkang sagot niya: "Well, tasteful is a questionable thing. Nasa opinyon 'yan ng tao."

MAINSTREAM MOVIES. With Sid's lead role in the horror trilogy Shake, Rattle & Roll XII ("Punerarya" episode), na dinirek ni Jerrold Tarog, nadagdagan ang partisipasyon ng aktor sa mainstream cinema.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"This is only my second," aniya. Una'y ang Manay Po 2 bilang love interest ni Polo Ravales.

Tinanggap daw niya ang latest Regal movie dahil, "Bihira rin ako magkaroon ng chance na magkaroon ng mainstream movie.

"Actually, wala namang ipinagkaiba ang indie sa ano, e... Ang dream ko, sana wala nang pagkakaiba ang indie at mainstream. Ang isang pelikula, pelikula lang talaga."

Bagay na idi-dispute din ng mga nasa "magkabilang kampo" ng paggawa ng pelikula, na nauunawaan din ni Sid.

"Mahirap, e," aniya. "Kasi, most of the independent films that we make, hindi pinapanood dito sa Pilipinas. Bihira lang talaga, e. Pero sana, dumami yung mga sumusuporta sa pelikula [natin]."

Ano pa ang dream ni Sid sa ngayon bilang aktor?

"I just wanna keep working till I die. That's all I want," sabi niya.

"I don't expect anything. Kung ano lang ang dumating. Kung maganda yung dumating, yey! Kung hindi gano'n kaganda, at kailangan kong magtrabaho, at dahil gusto kong magtrabaho, yes!"

HALF-SISTER. Tulad ni Sid—Timothy Eigenmann in real life—ay mabilis ding nakilala bilang artista ang half-sister niyang si Andrea Nicole Guck, o mas kilala ngayon bilang si Andi Eigenmann.

Si Sid ay anak ng aktor na si Mark Gil sa actress-model na si Bing Pimentel, samantalang si Andi naman ay anak ni Mark sa multi-awarded actress na si Jaclyn Jose.

Palibhasa'y maraming half-brothers at pinsan si Andi na nasa showbiz din, hindi naging mahirap para sa kanya ang pagsisimula at pakikisalamuha sa iba pang kabataang artista.

Half-brother din ni Andi ang actor-singer na si Gabby Eigenmann, na anak ni Mark Gil sa actress-model na si Irene Celebre.

Pinsan naman ng former Agua Bendita star sina Ryan at Geoff Eigenmann, na anak nina Michael de Mesa at Gina Alajar.

Secure din ang kalagayan ni Andi dahil mayroon siyang maraming tagapagtanggol, sakaling mayroong gagawa, o magtatangkang gumawa, ng hindi tama sa kanya. Bagay na nabanggit mismo ni Sid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I'm very protective... Oo, nag-uusap kami [ni Andi]. Sobrang open naman niyan sa akin," sabi ni Sid, when asked if he knows about his half-sister's personal concerns.

Tulad lately, na-link si Andi kay Jericho Rosales, bagay na tinawanan lang naman ni Sid.

"Okay," kampante niyang tugon nang hingan namin siya ng comment. "Wala akong pakialam sa mga link-link na 'yan, e. Kasi lahat naman... kahit ano'ng gawin natin, tsismis talaga ang habol ng tao, e."

Mahirap bang ligawan si Andi at this point dahil nakabantay silang mga half-brother at mga pinsan niya?

"Hindi naman," sabi ni Sid. "Pag sinaktan lang niya, sasaktan ko rin siya. Oo naman. Gano'n ako, o kami, ka-protective of her.

"Kaso nga lang, bihira talaga kaming magkita, e. Minsan lang talaga. Tapos, once magkita kami, sa ABS-CBN pa. Busy na rin."

Among the Eigenmanns, wala naman daw nag-e-exist na professional rivalry. Kung meron man, 'yon ay healthy competition.

"Paano mangyayari 'yon, pamilya kami? Kung merong ganyan, hindi sila totoong pamilya," makahulugang sambit ng isa sa pinakamahusay na young actors ng bansa ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN