Shalani Soledad: "This is not about Willie, this is not about me, but it's more on kung ano ang magagawa para sa tao."

"This is a hosting work, a hosting job, and I would like focus on that. Sana maka-contribute ako sa show, sana maka-contribute ako na lalong mapasaya ang mga manonood namin," Shalani Soledad says about her job as Willie Revillame's co-host on Willing Willie.


Serbisyo-publiko pa rin daw para sa konsehala ng Valenzuela City na si Shalani Soledad ang pagtanggap niya sa alok ni Willie Revillame na maging co-host sa kanyang pang-araw-araw na programang Willing Willie.

At kahapon nga, Nobyembre 8, ay ipinakilala na ang newbie TV host bilang "puso" ng programa na inilunsad noong Oktubre 23 lamang.

Habang pinakikilala si Shalani kagabi, sinabi ni Willie, "Alam mo, Shalani, kailangan ka ng sambayanang Pilipino. Kailangan ka namin sa programa, para mas mapalawak pa namin yung pagbibigay ng saya at tulong sa kanila... So this time, magkasama tayo. Balewala naman lahat ng ito, e, kung hindi sila ang kasama natin.

"At salamat sa pagtanggap mo, hindi naman sa amin. Ako lang ang tulay ng mga taong gustong makasama't makilala ka pa. Salamat, dahil ako lang ang naging boses nila. Pero ang totoong may hiling sa 'yo, hindi ako, kundi ang sambayanang Pilipino." (CLICK HERE to read related article)

Halos ganito rin ang naging sagot ni Shalani nang tanungin ng PEP (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng show kagabi kung bakit siya pumayag na maging co-host ni Willie.

Aniya, "Siguro, kapag titingnan mo rin, marami pa ring questions. Kasi, hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala that I am also here.

"Pero noong kinausap kasi namin si Willie, naramdaman ko 'yong sincerity ng offer. This is not about Willie, this is not about me, but it's more on kung ano ang magagawa para sa tao."

MGA PAGHAHANDA. Ayon kay Shalani, ilang beses din ang naging pag-uusap nila ni Willie bago siya pumayag na maging parte ng programa noong Biyernes, Nobyembre 5.

"This has been a series, 'no? Medyo matagal din. Then, finally, Friday night, nag-usap kami nina Willie. Then, on Saturday when we said yes, nag-visit na kami sa studio," kuwento ni Shalani.

At noong Sabado nga ay nagsimula na rin si Shalani na mag-rehearse para sa Willing Willie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We had one on Saturday night and kanina ulit before mag-start ang show," sabi niya.

"Pero kung tinatanong ninyo kung ano ang naging preparation ko aside from the rehearsal, sabi ko nga doble-doble ang dasal na ginawa ko."

Kung tutuusin, hindi ito ang unang pagsabak ni Shalani sa mundo ng telebisyon. Dati na siyang naging host ng morning talk show ng UNTelevision. Gayunman, ayon kay Shalani, bago pa rin ang Willing Willie para sa kanya.

Dagdag ni Shalani, "Siyempre, kinakabahan ako because this is a different show and different format. Although before, nag-UNTV rin ako. 'Yong show namin sa UNTV before is a morning show so more on current events and commentaries. So, totally different ito."

Sa kabila nito, siniguro naman ni Shalani na hindi makakaapekto ang trabaho niya sa Willing Willie sa pagiging konsehala niya sa ikalawang distrito ng Valenzuela.

"It won't really affect din naman because ang sessions din naman na pinupuntahan natin ay more on legislations naman."

Kailangan pa ng paglilinaw ito, pero sa ngayon ang tinanong ng PEP ay kung hindi ba siya mapapagod dahil bukod sa pagiging pulitiko, magiging araw-araw na rin ang kanyang trabaho sa Willing Willie?

Ngumiti si Shalani at sinabi, "Hindi ba, kapag gusto mo naman ang ginagawa mo, hindi ka naman maaapektuhan ng pagod."

PUBLIC FIGURE. Bagama't maituturing nang public figure si Shalani bago pa man siya maging parte ng Willing Wilie, pinanatili naman niya ang kanyang pagiging low-profile.

Kahit noong nali-link pa siya kay Pangulong Noynoy Aquino, hindi rin siya madalas na nakitang kasama ng Pangulo.

Subalit ngayon hindi na maiiwasang mas mapapadalas na ang pagiging laman niya ng mga balita dahil magiging parte na siya ng show business. Handa na ba si Shalani rito?

Hindi naman ito binigyang-pansin ng dalagang politician. Bagkus, sabi niya, "Siguro public in the sense na you would be seeing me almost every day. Pero sabi ko nga, this is a hosting work, a hosting job, and I would like focus on that.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sana maka-contribute ako sa show. Sana maka-contribute ako na lalong mapasaya ang mga manonood namin."

Habang nasa programa, binibiro ni Willie si Shalani tungkol sa kanyang pakiusap umano nang alukin niya ang dalaga na mag-host.

Sa show sinabi ni Shalani, pinakiusap umano ni Willie na, "Huwag kang mai-in love sa akin." Sabay tawa si Willie at pabirong sinabi, "Kapag nangyari 'yon, magre-resign ako."

Kaya naman tinanong ng PEP si Shalani kung ano ang magiging reaksiyon niya kung sakaling maintriga sila ng kanyang co-host.

Para kay Shalani, trabaho lang talaga ang pagiging host niya sa Willing Willie.

"Alam mo, kami ni Willie, we have a very good working relationship. I'm looking forward to that, lalung-lalo na sa show," sabi niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN