Warm welcome greets Noli de Castro and Korina Sanchez's return to TV Patrol

Comebacking evening news anchors Noli de Castro (left) and Korina Sanchez-Roxas (middle) mingled first with the news crew stationed at the ABS-CBN newsroom before formalizing their return to TV Patrol last night, November 8.

The network's News and Public Affairs head Regina "Ging" Reyes (right) was also on hand to personally welcome back the two veteran anchors.


Nagmistulang piyesta ang newsroom ng ABS-CBN kahapon, November 8, sa pagbabalik nina Noli de Castro at Korina Sanchez-Roxas sa primetime newscast na TV Patrol.

Dalawang oras bago sumalang sa harap ng camera ay nagkaroon muna ng munting welcome-back party na dinaluhan ng staff and crew ng News and Current Affairs Division.

Bagamat tuluy-tuloy pa rin ang trabaho at pag-monitor ng mga kaganapan sa labas ng studio ay masaya naman ang mood sa loob ng newsroom sa pangunguna ni dating ABS-CBN North American bureau chief at ngayo'y news head na si Regina "Ging" Reyes.

Ayon kay dating Vice President Noli de Castro, "I hope na kami po ay muling makakatulong para lalong gumanda ang presentation ng balita sa TV Patrol at sana po ay maging instrumento tayo, instrument ng ating bansa and, of course, ng Diyos para sa pag-unlad, at sana ay wala tayong masagasaan.

"At kung may masagasaan man, sana ay tama ang ating sagasa. But kidding aside, thank you very much, salamat po, na hindi ko alam na welcome pa ulit ako sa ABS-CBN."

Sinabi naman ni Korina na maging siya ay nabigla nang muling makatanggap ng alok mula sa istasyon para magsilbing anchor muli ng longest-running primetime news program sa bansa.

"Hindi namin inasahan na ganito pala kainit pa rin ang pagtanggap ninyo sa akin," bungad ni Korina. "Hindi ko kailanman naisip sa aking hinagap na ako ay makakabalik pa at 'yan ang katotohanan."

Parehong dating anchors ng TV Patrol sina Noli at Korina. Sa katunayan, si Noli ang isa sa mga kauna-unahang mukha ng TV Patrol nang ilunsad ito noong March 2, 1987.

Pinalitan ni Korina si Noli matapos magdesisyon ang huli na sumabak sa pulitika noong 2001.

Iniwan ni Korina ang programa noong nakaraang taon para pagtuunan ng pansin ang kanyang pribadong buhay bilang asawa ni Senator Mar Roxas, na noong mga panahong 'yon ay naghahanda rin sa kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

CORPORATE DECISION. Sinabi naman ni ABS-CBN news head Ging Reyes na ang reformat ng TV Patrol ay isang "corporate decision."

Nagkaroon ang PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment reporters ng pagkakataon na makapanayam ang bagong pinuno ng ABS-CBN News and Current Affairs sa kanyang tanggapan ilang oras bago magsimula ang TV Patrol.

Pinabulaanan ni Ging Reyes, na pumalit sa dating puwesto ni Maria Ressa, ang haka-haka na kaya ibinalik ang dalawang beteranong mamamahayag ay para tapatan ang programa ni Willie Revillame na Willing Willie sa TV5.

"This plan has been in the pipeline even before I got here," sagot ni Reyes. "Coincidence siguro na nangyari 'yan, na pinili ng kabilang istasyon na ilagay nila si Willie, ang variety show niya, sa primetime."

Nilinaw rin niya ang lumabas na balita tungkol sa dating TV Patrol anchors na sina Karen Davila at Julius Babao.

Malakas kasi ang bulung-bulungan na may hinanakit ang dalawa sa pamunuan ng Kapamilya network dahil sa desisyon nito na palitan sila kahit pa maganda naman ang kanilang performance.

Tanging si Ted Failon lang ang naiwan sa dating anchors sa muling pagpasok nila Noli at Korina.

"Anything naman that affects your career is surprising no matter how the company breaks it to you. I think they had an idea before, but of course, not that long ago.

"So, ang hirap naman magsalita para kay Karen. Siguro siya na lang po ang tanungin ninyo tungkol doon sa kanyang reaksiyon," pahayag ni Ging.

"Pero I was the one who first talked to her. She was very calm...

"It's never easy to say to someone that you're being replaced by this person and we're making these changes. You know this is how I put it to her, 'ABS-CBN valued you, continues to value you, but we need your support now to make this work also.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It was a corporate decision. It's something that we think would help strengthen the show."

Dagdag niya, "Kapag naman po sa mga ganun, puwede naman natin sigurong masabi na hindi naman namin minasama 'yong kanyang kontribusyon.

"It's just a matter of finding the strengths of all our talents and finding the right places for them, ganun lang naman po 'yon.

"I was very decent with her, and maganda naman ang aming usapan, pati po kay Julius din."

Inalok na raw ng management ang dalawa para magsilbing anchors ng late-night news program na Bandila.

"Medyo confidential lang 'yong iba naming plano and we don't want to reveal our plans, siyempre, pero I told her [Karen] that we wanted originally to put her in Bandila para naman lumakas din ang aming late night, sila ni Julius.

"Sabi niya po ay pag-iisipan niya muna."

Hindi raw aware si Ging Reyes kung totoo ngang nag-file ng leave of absence si Karen.

Aniya, "Medyo nagkaroon ng gray area doon. Pero kasi naman, ang usapan namin, hindi naman ire-relaunch and Bandila kasabay ng TV Patrol, so that's probably why she's taking it easy."

Wala naman daw katotohanan na nag-resign na si Julius sa Lopez-owned network bilang protesta sa pagkakatanggal sa kanya sa TV Patrol.

"No, he didn't," diin ni Ging. "In fact, Julius was the first to confirm that he's staying, that he's accepting Bandila."

STILL CREDIBLE. Naniniwala si Ging na hindi makakaapekto ang political affiliations nila Noli at Korina sa kanilang imahe bilang patas na mamamahayag.

Marami kasi ang nangangamba na baka maging "biased" ang reporting pagdating sa mga usaping maaaring kasangkutan ng ilang personalidad na malapit sa dalawang veteran news anchors.

"They did not shape nor do they have any influence in our editorial policies," diin ni Reyes.

"Kung sila ay gagawa ng istorya, we will check it, we will edit it as editors, we will check it for balance, accuracy, and fairness. There's a news process, there's a hierarchy of writers and producers and even myself...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala silang impluwensiya sa aming editorial decisions, especially doon sa mga isyu na may kinalaman sa kanilang personal na buhay o pinagdaanan."

Dagdag na paliwanag ni Reyes, "Maliit ang mundo kasi nating ginagalawan—politicians and journalists and even movie stars circulate in a very small world, so to speak, na hindi natin mapigilan minsan nagkakatuluyan sila.

"Naniniwala ako na kapag nakita naman ng ating mga manonood na balanse ang aming pagbabalita ay hindi naman nila sasabihin na hindi credible ang aming mga tagapagbalita."

Mga mukha lang daw ang nagbago sa programa at hindi ang pangkalahatang patakaran na ipinapatupad sa lahat ng nasasakupan ng departamento.

"We will try to still be comprehensive in our reporting, and of course wala naman tayong pinapatawad hanggang ngayon. We will just try to infuse more public service elements in the newscast.

"As a news organization, wala pong pagbabago sa aming commitment to truth and public service. We will continue to be incisive in our coverage and try to give all sides to a story."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN