Gerald Anderson skirts breakup issue, but comments on "hot car"

Dinumog ng reporters si Gerald Anderson sa Ninoy Aquino International Airport kaninang hapon, November 9, upang tanungin tungkol sa nabalitang breakup nila ni Bea Alonzo.


Sa artikulong inihalathala ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kahapon, November 8, ay sinabing break na sina Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Nag-break daw ang dalawa sa huling leg ng Heartthrobs tour-concert nila sa London. (CLICK HERE to read related story.).

Kaninang hapon, November 9, bandang 4:30 ng hapon ay dumating na mula London sina Gerald at Bea.

Dahil sa balitang breakup nila ay maraming taga-media ang nag-abang sa kanila sa Ninoy Aquino International Airport upang hingan ng pahayag tungkol sa lumabas na report dito sa PEP.

Kasama ni Bea ang kanyang handler. Ito ang nakiusap sa press na huwag na munang kausapin ang dalaga tungkol dito.

Kaya walang nakuhang pahayag sa kanya ang mga nag-abang na press, na ang karamihan ay identified sa ABS-CBN.

Si Gerald ang nagpaunlak ng interview bagamat panay ang lakad niya habang kinakausap siya ng press at hindi naging malinaw ang kanyang maikling sagot.

"Hindi ko rin alam, e. Kasi, maraming issues ngayon. Sa dami, e, hindi ko na alam isasagot ko doon!" natatawa niyang sabi.

HOT-CAR ISSUE. Pagdating sa hot-car issue, hindi umiwas si Gerald. Ayon sa lumabas na report sa TV Patrol noong nakaraang linggo, pinaghihinalaan ng mga awtoridad na hot car (nakaw na sasakyan) ang pag-aaring Hummer ni Gerald.

Nagsimula ito nang nahuli ng traffic enforcers ang driver ni Gerald na si Noel dela Cruz sa kahabaan ng Timog Avenue noong Oktubre 23 dahil wala itong validating sticker.

Bagamat naglabas ng papeles ang driver ay may nakita raw inconsistencies ang mga pulis kaya't in-impound nila ang sasakyan.

"Iyon na nga, kararating ko lang, so wala pang full details. Baka mamaya," sabi ni Gerald nang tanungin tungkol dito.

Pupunta ba siya sa pulisya para asikasuhin ang problema sa kanyang sasakyan?

"Oo naman, kotse ko 'yon, e!" natatawang sagot ni Gerald.

Nang tanungin kung nasorpresa siya sa nangyari sa kanyang sasakyan, sabi niya, "High-end na car din 'yon, e, so medyo mainit din sa mata. Baka sa checkup, so tingnan natin mamaya... Well, it's a high-end car and talagang normal lang 'yan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN